Chapter 8

49 0 0
                                    

Nagising ako beacuse I heard someone is calling in my phone. Tiningnan ko ang caller and it was Rowella.

"Yes, Wel?" Sagot ko dito.

"Sama ka? Magbabar kami nina Sky.." sabi nito. Bumuntong hininga ako at ngumiti.

"I cant. Uuwi ang stewardess.." sabi ko dito.

"Ara, ngayon lang to at sasabunutan ulit ako ni Sky pag hindi kita pinapayag. I'll call tito Bob.." sabi nito.

"Okay. Pero ako na ang magsasabi kay Dad.." sabi ko naman dito at tiningnan ang pinto ko. Pumayag naman ito at sinabi na ang pangalan ng bar. Dadalhin ko kasi ang kotse ko para hindi na ako magpapahatid mamaya.

Nagbihis ako at pumunta sa library ni Dad. Nang pumasok ako ay tumingin ito sa akin. "Dad, lalabas lang ako sandali nagyaya kasi si Rowella.." sabi ko at nanatiling nakatayo sa pinto

Tiningnan niya ako ng mabuti at bumuntong hininga. "Be sure babalik ka ng alas dose ha? Uuwi ang Mommy mo. Ayaw kong awayin ako 'nun.." sabi nito sa akin

Ngumiti ako at lumapit dito. "Dad, Im 20 years old now. You dont have to worry about me okay? Kakausapin ko nalang ang stewardess pag nakauwi na siya dito.." sabi ko at niyakap ito sa leeg mula sa likod habang nakaupo ito.

"Alright. Just be careful.." sabi nito at tinapik ang braso ko. Hinalikan ko siya sa pisnge at umalis na.

Sumakay ako sa kotse ko at nagdrive papuntang bar na sinasabi ni Rowella. Pagbaba ko ay inilibot ko ang paningin sa labas ng bar. Maraming tao, yung iba ay mga lasing na. Hindi kasi ako sanay sa mga ganitong lugar. Pumasok ako sa loob ng bar at ginala ang mga paningin ko sa paligid. Nakita ko si Rowella na nakikipagflirt kay Sky. Kinakagat-kagat nito ang tenga ni Sky. Ngumiti ako, there is something really going on between this two.

Lumapit ako sa mga ito at kinalabit si Rowella. "Baby girl! Nandito ka na pala!" Tumayo ito at bumeso sa akin. Is she drunk already?

"You drunk already?" Tanong ko dito nang hinila niya ako para umupo.

"Nah really.." sabi nito at ngumiti. Bumaling ito kay Sky at matamis na ngumiti. Sumalubong ang kilay ko sa inaasta nito. Mas nagulat ako ng maghalikan sila ni Sky. OMG! Is this for real?

"Oh my God. Get a room guys.." sabi ko at tumayo. Pumunta ako sa counter at umorder ng lady's drink. Nakalahati ko na ang inumin ng my marinig akong my nag-sisigawan.

Tumingin ako kung saan yun at namilog ang mga mata ko nang makita kong kinukwelyuhan ni Lemuel si Sky. Teka? Bakit nandito si Lemuel? Dali-dali akong lumapit sa kanila.

"Gago! Hindi babalik si Dianne sayo kung nagpapakalasing ka lang jan!" Sabi ni Sky na mahigpit na hinawakan ang kamay ni Lemuel na nakahawak sa kwelyu niya.

"Dont you ever say that to me you son of a gun!" Sabi nito at tinulak si Sky. Napangisi si Sky at tinitigan ito.

"Do something you idiot. Huwag kang iinom lang jan at pabayaan lang si Dianne. Magpaliwanag ka! Gago! Gumawa ka ng paraan. Hindi yung babae ang lalapit sayo!" Singhal ni Sky dito at kinuwelyuhan ulit ito ni Lemuel na parang susuntokin na.

"Ano bang pakielam mo ha?!" Nagbabaga ang mata nito na napasinghal din kay Sky.

"Tanga ka ba? Hindi lang ikaw ang nasasaktan! May nasasaktan ka ding iba!" sabi ni Sky at tumingin sa akin. Napalunok ako. May alam ba si Sky? Nakita ko rin na tumingin sa akin si Rowella habang hawak nito sa braso si Sky. Parang humihingi ito ng tulong sa akin. Bumaling ang tingin ni Sky kay Lemuel. "Ayusin mo ang problema mo Lemuel! 'Wag mong sirain buhay mo!" Sabi ni Sky at tinulak si Lemuel pagkatapos non ay umalis na si Sky. Kasunod nito ang best friend ko. Tumingin sa akin si Rowella para tumango. Alam kong ibig sabihin non.

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon