Chapter 9

43 0 0
                                    

Pagdating ko sa bahay ay nagulat ako nang nakabukas pa ang mga ilaw. Dahan-dahan kong pinihit ang pinto pabukas at hinay-hinay ding pumasok.

"Where have you been?"

Oh no! I know that voice. Napatampal ako sa noo ko. Oh shoot! How can I be so careless. Uuwi nga pala ngayon ang stewardess. Nanatili akong nakahawak sa door knob ng pinto.

"Im asking you Ara Trinidad. Where have you been?" Tanong ulit ng babaeng nasa likod ko.

Humarap ako sa kanya at ngumiti. "Hi Mom! Welcome home!" Sabi ko at humalik sa kanya at yumakap. Gumanti naman ito ng halik at yakap. Pero tinaasan ako ng kilay pagkatapos.

"Now, answer me young lady.." sabi nito.

Bumuntong hininga ako at tumingin sa kanya. "Mommy Cha naman. Hindi na ako young, okay? Look at me, Im a lady. See?" Sabi ko at umikot pa sa harap niya.

"Im serious Ara. Nasaan ka galing?" Seryosong tanong nito.

Hinanap ko si Dad pero mukhang wala siya doon."If you are looking for your father, he's sleeping already. Pinauna ko siyang matulog dahil gusto ko ako lang ang maghihintay sayong makauwi.." sabi nito at tumaas ang kilay. Oh Lord. Help me with this angel. Parang bubuga siya ng apoy. "It's 3 o'clock in the morning Ara! For goodness sake! Where have you been?!" Nagulat ako sa sigaw ni Mommy Cha.

Bumuntong hininga muna ako. "Nagnight-out lang kami ni Rowella Mom.." nakayukong sabi ko sa kanya.

"Your Dad told you to come home before the clock strikes 12, right?" Sabi nito. Napangiti ako sa sinabi niya.

"Mom, Im not Cinderella.." nakuha kong magbiro sa kanya.

Tinaasan niya lang ako ng kilay. Niyakap ko naman siya. "Mom..its 3 o'clock already, lets sleep na. Bukas mo nalang ako pagalitan. Im tired and Im sure ikaw din kaya halika na.." sabi ko at hinila siya. Napabuntong hininga nalang ito at nagpahila na sa akin.

"Parang hindi mo naman ako namiss. I expected that you will be the first one to welcome me but I was so disappointed na ang pagmumukha ng Dad mo ang una kong nakita.." napatawa ako sa sinabi niya.

"Mom! Dont say that! Sobrang miss kita at namiss ka rin ni Dad. Super! Telepono lang ang binabantayan nun.." sabi ko at umakyat na kami ng hagdan.

"Kaya pala, pinabayaan niya ang unica hija niya dahil telepono lang ang binabantayan.." sabi nito at umakbay sa akin.

"That's not true Mom,okay? Ang bait lang talaga ni Dad at he trust me.." sabi ko at humarap dito. "Hindi na ako bata Mom, I know what I am doing and I want you to trust me like Dad, there's nothing to worry about me.." sabi ko.

Bumuntong hininga lang ito at hinaplos ang buhok ko. "Alright. Pero you still need our guidance Ara okay? Kahit 20 years old ka na, you still need us to guide you. Nag-iisa ka lang kaya gusto ka pa naming gabayan.." sabi nito na tumitig pa sa akin.

"Yes Mom, I know that already.." I said and smile sweetly at her.

"Alright then, I just want to ask you something.." my Mom said and look at me from head to toe.

"What is it Mom?"

"Why are you wearing a dress like that?" My Mom asked, nakita kong sumalubong ang mga kilay niya.

I looked at myself at lumaki ang mga mata ko. I forgot, I am wearing Lemuel's jersey shirt. Kinuha ko lang 'to sa closet ni Lemuel kasi pinunit nito ang damit ko. Nag-isip ako ng masabing dahilan sa Mommy ko.

"Ahmm..M-mom, ahm..you see n-nagparty ako diba? Nabuhusan kasi ako ng drinks sa bar and 'yung kuya ng friend ni Rowella ang nakabuhos kaya pinahiram niya nalang sa akin ang jersey shirt niya kaysa naman na uuwi ako ng basa diba? Diba nakakahiya Mommy,diba?" Diri-diritso kong sabi sa Mommy ko na napataas ng kilay. God forgive me for making untrue statement in front of my mother.

"Okay, kahit hindi convincing ang alibi mo paniniwalaan ko nalang.." sabi nito na napawala ng mga ngiti ko.

"Mommy Cha naman.."

"I'm just kidding, matulog ka na. Magpapahinga naman na ako. Goodnight Ara.." sabi nito at hinalikan ako sa pisnge.

"Goodnight Mom.." I said and hug her. Dumiritso naman ako sa kwarto ko at naligo. Pagkatapos kong maligo ay umupo ako sa harap ng salamin at pinatuyo ang buhok ko.

Lemuel doesn't want me. He blame me why he and Dianne broke up. I didn't remember that I force myself to him, why he had to blame me?
Siya yung unang lumalapit sa akin. Alam ko, may kasalanan din ako dahil hinayaan ko siyang makalapit sa akin at lumagpas kami sa limitasyon. But I dont regret everything happened to us. It was a unforgettable memory and I treasure it.

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon