Simula ng bumalik na ang klase, pinilit ko nalang na ituon ang atensyon sa pag-gawa ng mga projects ko. Lumalapit din si Lemuel sa akin at sinusubukang kausapin ako pero pilit ko itong iniiwasan. I know that he feel so guilty about what happened. Pero ginusto ko rin iyon. But I did'nt regret it because I knew in myself that the only reason why I did it is because I love him.
Kasulukuyan akong nagsascan ng facebook wall ko nang my tumawag sa akin. Unknown number. Sinagot ko ito at nakinig sa kabilang linya.
"H-helow..A-ar-" hindi nito natapus ang sasabihin dahil umubo ito at suminghot. I knew that voice. Pero bakit ganun ang boses niya?
"Lemuel? Is that you?" Tanong ko at tumayo galing sa pagkakadapa sa kama ko.
"Y-yes, it's me Ara. C-can you come here p-please? I need someone.." he said. Bakit ganun ang boses niya? May sakit ba sya?
"Teka? May sakit ka ba? Bakit ganyan ang boses mo?" Nag-aalala kong tanong sa kanya.
"Please..j-just come here p-please?" Pagmamakawa nito. Parang nahihirapan na nga itong magsalita.
"Okay, give me a minute. Just wait me there.." sabi ko at dali-daling nagsuot ng jacket at nagpaalam kay Dad na may pupuntahan lang sandali.
Pagdating ko sa harap ng pinto ng unit niya ay magdo-doorbell na sana ako ngunit napansin kong nakabukas na ang pinto. Dahan-dahan akong pumasok at nakita ko si Lemuel sa sofa nito at nakahiga. Nakatalukbong ito ng kumot at nanginginig. Tumakbo ako palapit sa kanya at hinipo ang noo nito. He's burning with fever.
"Ang init mo Lemuel. Dadalhin kita sa ospital.." sabi ko at tumayo pero pinigilan niya ako. He held my hand and look at me na parang nag-mamakaawa.
"N-no p-please. J-just s-stay b-beside me-" pinatahimik ko na siya kasi nahihirapan itong magsalita.
"Okay..okay..shhh.." sabi ko at umupo sa tabi niya. Pinatulog ko nalang muna siya. Para siyang bata. Nakatulog siya na hawak pa rin ang kanang kamay ko.
Nang makatulog siya ay pumunta ako sa banyo nito at humanap ng face towel at naghanap ako sa kusina ng pweding paglagyan ng maligamgam na tubig.
Nag-init ako ng tubig at bumalik na sa sala kung saan nakahiga si Lemuel. Pinunasan ko ang mukha nito at mga braso. Ang init niya. Pinatong ko nalang ang face towel sa noo niya at bumalik ulit sa kusina para magluto ng instant noodles.
Hihintay kong maluto ang instant noodles ng marinig kong parang may bumagsak. Dali-dali kong pinatay ang niluluto ko at pumunta sa sala. Nahulog si Lemuel sa sofa pero hindi pa rin ito nagising.
"Oh Lord. Lemuel?" Gising ko dito at niyugyog pa ang balikat. "Lemuel? Kailangan mong lumipat sa kwarto mo, nahulog ka dito.." sabi ko at nagmulat siya ng mata. Dahan-dahan siyang bumangon at inalalayan ko. Naglakad kami papuntang kwarto niya. Hiniga ko siya sa kama at kinumutan. Hinawakan niya ang kamay ko at natulog ulit.
Hinintay ko siyang magising para pakainin at mapainom ng gamot. Pumunta akong kusina at naghanap ng gamot nito.
"Ara?" Tawag nito sa akin. Gising na siya. Dali-dali kong dinala ang noodles at gamot papuntang kwarto niya.
"Gising ka na, kumain ka ha? Para makainom ka ng gamot.." sabi ko at pinaupo ko siya. Tinulungan ko siyang isandal ang sarili sa headboard ng kama niya at nilagyan ko ng unan ang kanyang likod.
Pinatong ko ang noodles sa harapan niya. Sinubukan niyang kumain pero nanginginig ang kamay niya.
"Ako na.." sabi ko at kinuha nalang ang mangkok sa kanya. Sinubuan ko nalang siya at naubos naman niya ang noodles. Hinipo ko ulit ang noo niya. "Mainit ka pa rin, oh inumin mo to.." sabi ko at inabot sa kanya ang gamot.

BINABASA MO ANG
Change
RomanceAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...