Chapter 12

58 0 0
                                    

2 months had passed and Mom and I still keep my real situation to my Dad. Natatakot pa rin ako sa posibleng gawin nito but I believe that maiintindihan niya rin ako. Unti-unting bumubukol ang tiyan ko at hindi ko alam kung paano ko ito maitatago kay Dad. Im a slim girl at katakataka sa ibang tao pag nakita nila akong medyo malaki na ang tiyan ko.

We have our Sunday date sa bahay. Doon kami kumain ng lunch sa garden ni Mommy Cha. Kakarating lang kasi nito galing sa Korea kagabi. Umupo na kaming dalawa ni Dad habang hinihintay namin si Mommy Cha, ito kasi ang nagluto ng lunch namin.

"How's your studies hija?" Nagulat ako sa nang nagtanong si Dad. This past few days medyo umiiwas ako kay Dad kasi natatakot akong mahalata niya.

"Fine Dad, gagraduate na po ako next month.." sabi ko at buong tamis na ngumiti sa kanya.

"That's good. So, magkakaroon na pala ng architect dito sa bahay.." sabi nito at ngumiti rin sa akin.

"Syempre, pagagandahin niya pang lalo ang garden ko.." sabi ni Mommy Cha na biglang sumipot sa harapan namin. Dala-dala na niya ang nilutong ulam. Biglang sumama ang pakiramdam ko nang maamoy at makita ko ang chicken curry na inihanda ni Mom.

"Wow, the family's all time favorite.." masiglang sabi ni Dad at tumingin kay Mommy Cha. "Thanks Hon.." sabi nito na hinawakan ang beywang ni Mom habang inaayos ni Mom ang mesa namin.

"Ngayon lang kasi ulit tayo nagkaroon ng Sunday date magpamilya.." sabi nito at naglakad papasok sa loob ng bahay, pagbalik nito ay may dala na itong isa pang putahe. Pagkakita kong kare-kare iyon ay bumigay na ako. Nagmadali akong pumasok sa loob ng kusina at nagduduwal sa lababo.

Naramdaman kong may humahagod sa likod ko. "What is this all about?" Nanginig ako nang marinig ang boses ni Dad. "What is happening to you? This is not the only time na narinig kitang nagsusuka pero nanahimik lang ako, Ara. May hindi ba ako nalalaman dito?"

Hinarap ko si Mommy Cha. Nakita kong nag-aalala rin siya para sa akin pagkatapos ay dahan-dahan siyang tumango. I think it's time para sabihin ko na kay Dad.

"Dad.." sabi ko pagkatapos ay lumunok. Nanginginig ako sa nerbyos. Alam kong mabait si Dad pero ibang usapan na kasi ito. Im pregnant at ayaw sa akin ng ama ng aking dinadala.

"Are you pregnant, Ara?" Dumagundong ang boses ni Dad sa kusina namin. Tumulo ang luha ko at yumuko. Dahan-dahan akong tumango at narinig kong napamura si Dad.

"How did this happen?! Sino ang ama ng dinadala mo?!" Alam kong galit na galit si Dad. I cant look straight in his eyes. Nage-guilty ako because I assure them that there was nothing to worry about me pero heto ako ngayon, buntis at inaayawan ako ng ama nito. Tahimik lang akong umiiyak na nakayuko.

"I thought there was nothing to worry about you, Ara? Pero anung nangyari? Ha? You made yourself pregnant with whoever that bullsh*t! Ni hindi ka pa nakakagraduate!"

"Im sorry Dad.." sabi ko na bahagyang tumingin dito pero nanatili akong nakayuko.

"Yes! You should be! You disappoint me! Who is that man?" Sigaw nito sa akin at napayakap ako kay Mom.

"Bob, dont shout at her! She's still our child at nagkamali lang siya!" Sigaw rin ni Mom dito at mahigpit akong niyakap.

"This conversation is between me and Ara Charlott. Alam kong alam mo na 'to pero tinago niyo sa akin. So, answer me young lady? Who is that asshole?"

Nanatili akong tahimik. Natatakot ako sa gagawin ni Dad. Alam kong may gagawin itong hindi ka nais-nais para sa kanya. "Hindi mo sasabihin? I guess I'll discover it myself.." sabi ni Dad at tumalikod na ito.

Hinabol ko ito at hinawakan sa braso."Dad, please. Ayoko lang ng gulo.."

"What do you mean?" Sabi nito na lumingon sa akin. Napabitiw ako kay Dad dahil nakikita ko ang galit sa mga mata nito.

"He doesnt love me Dad.." pagsusumamo kong sabi kay Dad.

"What the f*ck Ara?" Sabi nito na dumagdag pa ang galit nito. "Then who the hell is he?" Tanong ulit nito sa akin.

"Please Dad, kalimutan na lang natin siya, I can raise my child alone.." patuloy pa ring dumadaloy ang luha ko.

"No! Dapat panagutan niya ang ginawa niya! Then tell me! Who is that guy?" Gigil na tanong ni Dad sa akin.

"L-Lemuel. Lemuel Valenueva Dad.." napipilitan kong sabi sa kanya. Nanginginig na ako sa sobrang takot ko kay Dad. Ngayon lang siya nagalit ng ganito. And she is the reason why he act like this.

"Then Lemuel Velanueva it is. Panangutan niya ito.." sabi nito at tumalikod na.

Naiwan akong umiiyak. Humagulgul ako at umupo sa sofa sa sala namin. Nilapitan ako ni Mom at niyakap. Niyakap ko rin siya at patuloy na umiiyak.

"It's alright Ara. Galit lang ang Dad mo. I feel the same when I knew your situation. Pero maiintindihan niya rin 'yan. Papalipasin na lang natin ang galit niya.." alo nito sa akin.

"I deserve this Mom. Pero ang ikinatatakot ko ay ang posible niyang gawin kay Lemuel. I know Dad so much. I know that he's only trying to protect me but Mom, the guy doesnt love me. Ayoko lang makagulo.." I said still sobbing.

"You really love him. But sorry Ara, I cant do anything about it. Si Dad mo na ang galit. Knowing him, mabait siya pero kung galit na ang Dad mo, hindi na ako nangingielam kasi natatakot din ako sa kanya. Akala mo under ko siya? Yeah, sometimes, pero seryosong usapan na ito. This is all about you and you are our only child Ara.." Mahabang sabi ni Mom sa akin. Umiiyak pa rin akong nakayakap kay Mommy Cha.

Hinarap ako ni Mom at hinawakan ang magkabilang pisnge ko. "I'll try to talk to him. Hmmm? Stop crying, please. Makakasama yan sa baby mo.." sabi nito at niyakap ulit ako. Bumuntong hinga ako at niyakap si Mommy Cha. Mabuti nalang nandito ito ngayon para damayan siya. I know that

ChangeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon