Kabuwanan ko na. Im so nervous dahil ngayong buwan na ako manganganak. Nagpaultrasound na ako nang 7 months palang ang pinagbubuntis ko. It's a girl, labis ang tuwa ko nang malaman kong babae ito. Pero hindi ko muna sinabi kay Lemuel. Alam kong gusto ni Lemuel na maging babae ang anak namin dahil wala itong kapatid nun. Alam kong nauulila lang ito sa ina, Tita Loren didnt attend our wedding dahil may malaking project daw ito sa London. At alam kong dumagdag iyon sa kalungkutan ni Lemuel.
Wala na naman si Lemuel. Nasa kwarto ako ngayon at kasalukuyang nag-tutupi ng mga damit namin. Tumayo ako para ilagay sana ang mga tinuping damit namin sa closet pero napaupo ulit ako. Gumuhit ang sakit sa balakang ko. Biglang umalsa ang pangamba sa dibdib ko. Hinimas ko ang tiyan ko.
"Baby? Lalabas ka na ba? Oh My God.." napasinghap ako nang biglang sumakit na ang tiyan ko. Tarantang hinanap ko ang cellphone at tinawagan si Lemuel. Ring lang ng ring ito at hindi niya sinasagot. Ilang beses na niyang sinubukan itong tawagan.
Sa huling beses na pagtawag ko dito at hindi pa rin niya sinasagot ay tinawagan ko na si Dad. Pero naka-off ang cellphone nito. Shocks, that only mean one thing, my hearing na dinadaluhan si Dad. Hindi ko naman matawagan si Mommy Cha dahil kasalukuyan itong nasa ibang bansa.
Naluluhang tumayo ako at naramdaman kong may pumutok sa kaloob-looban ko. Lumabas na ang tubig sa pagitan ng aking mga hita. Nataranta na ako, napaluhang tinawagan ko ulit si Lemuel pero hindi talaga ito sumasagot.
Isa nalang ang pag-asa ko. "Hello Wel? God thank you so much! But I think lalabas na si baby. Wala dito si Lemuel.." umiiyak na ako habang kumakausap kay Rowella. Napasigaw ako sa sakit.
"Oh my God! What to do? What to do? I'll go there! Kausapin mo muna ang anak mo Ara!" Nataranta na rin nitong sabi sa akin. Hindi ko na siya sinagot at hinimas ko nalang ang tiyan ko.
"Baby? Kalma ka nalang muna jan ha? Your ninang is coming, wag mong pahirapan si Mommy ha? Kaya natin 'to.." kausap ko sa tiyan ko at napaluha na ako. Nasaan na ba si Lemuel?
Hindi nagtagal ay narinig ko na ang pagtigil ng sasakyan sa labas. Narinig ko na ang malalakas na yabag paakyat sa kwarto ko, pinilit kong tumayo. Iniluwa ng pintuan si Sky, kasunod nito si Rowella.
"Ara!" Tawag nito sa akin at kaagad akong binuhat ni Sky.
"Lagot sa akin ang asawa mo pagkatapos nito.." sabi ni Sky. Nahihimigan ko ang pagkainis sa boses niya. Naluluha pa rin ako dahil sa sobrang sakit. The pain from my tummy and the pain from my heart.
Nakarating kami sa Ospital. Halos paliparin ni Sky ang kotse niya para makarating lang kami dito. Buhat-buhat niya ako at sinalubong naman kami kaagad ng mga nurse. Diniritso ako sa delivery room at higpit kong hinawakan ang kamay ni Rowella. "Samahan mo ako please.." pagsusumamo ko kay Rowella. Parang naawa na ako sa sarili ko. Ang ibang nanganganak, sa tabi nila ang mga asawa nila pero ako hindi.
"Sasamahan ko siya.." sabi naman ni Rowella sa nurse. Tumango naman ito. Hinigpitan ni Rowella ang hawak sa kamay ko. "Relax ka lang, lalabas din siya.." sabi nito sa akin at parang tinutulungan akong huminga. "Inhale, exhale.." sabi nito sa akin na parang bata ang tinituruan.
Napasigaw ako nang maramdaman kong gusto ko na siyang ilabas. Napahawak ako ng mahigpit kay Rowella. "When you feel the unbearable pain Mommy, you should push.." sabi ng doctora sa akin. "Now push!" Napasigaw ako nang maramdaman kong ilalabas ko na siya. Isang malakas na pag-ire ang ginawa ko at lumabas din siya.
Narinig ko ang iyak ng munti kong anghel. Agad-agad itong inilapit sa aking dibdib. Inabot na ito sa akin nang matapos itong linisan. Napaluha ako pero nagulat ako nang may biglang kumalabog ng malakas sa gilid ko.
"Wel! Oh my Gosh! Nurse! Please help my friend here!" Kahit wala akong lakas ay sumigaw pa rin ako sa mga nurse doon nh makita kong nahimatay si Rowella. Gusto ko mang tumawa ay wala akong lakas. Inilabas nila si Rowella pero hindi hindi pa rin makuha ang pag-aalala ko dito.
Tiningnan ko ang anak ko. "Hi beautiful.." sabi ko at hinawakan ang maliit niyang kamay. Pero hindi nagtagal ay hinila na ako ng antok dahil sa pagod.
I woke in a private room now. Ginala ko ng tingin ang silid at nakita ko sina Dad at Tito George doon. Agad akong napansin ni Dad. Lumapit kaagad ito sa akin.
"How's the new Mommy?" Tanong ni Dad sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko. "Im sorry if Im not here-"
"I know Dad, I tried to call you.." putol ko sa sasabihin ni Dad.
"Kamusta ka hija?" Tanong ni Tito George sa akin. Tiningnan ko siya at binigyan ng tipid na ngiti.
"Im good Tito, medyo nanghihina pa ngalang.." sabi ko dito at doon naman pumasok ang nurse na dala-dala ang anak ko. Agad ko naman itong kinuha.
"Maam, I would like to ask. Ano po ang ipapangalan nyo sa kanya?" Nakangiting tanong ng nurse sa akin.
Napaisip ako. What would be the perfect name for this beautiful...Angel.
"Angel..Angel Velanueva.." sabi ko na nakatingin sa anghel ko. She's an angel that God sent to me. She's the most beautiful blessing I have receive.
"Hey! She looks like you.." sabi ni Dad sa akin at tiningnan ng maigi ang anak ko.
"Yes, indeed she looks like you. But she got her blue eyes from her bullshit father that actually not here.." iiling-iling na sabi ni Tito George. And speaking of Lemuel. Humahangos itong pumasok sa loob ng kwarto at agad-agad na lumapit sa akin.
"Im so sorry..Im so sorry.." paulit-ulit na sabi nito at hinalikan ako sa noo. Nagulat ako sa ginawa niya. Maya-maya ay napatingin ito sa anghel na hawak ko. Unti-unti itong ngumiti.
"Her name is Angel.." nakangiting sabi ko sa kanya. Nakatitig lang ito sa anak namin. Hinaplos nito ang pisnge ng bata.
"Can I carry her? " sabi nito sa akin. Tumango lang ako at binigay sa kanya si Angel. Nakita kung nangilid ang luha nito. "Angel..my daughter.." sabi nito at hinalikan ang noo ng anak namin. "My daughter is an Angel.." sabi nito at tumingin sa akin. "Our Angel.." sabi nito sa akin. Tumango-tango lang ako sa kanya.
Muling bumukas ang pinto at pumasok si Rowella at Sky. Sapo ni Rowella ang ulo niya habang humahakbang papalapit sa akin.
"Kamusta ka Wel?" Hindi ko maitago ang pag-aalala kay Rowella ng bigla itong bumigay sa delivery room kanina.
"Ay, grabe nakakaloka. Ganun pala pag nanganak. Jusko!" Sabi nito at lumapit sa baby na karga ni Lemuel. "Mabuti naman at nandito ka na, ako tuloy ang sumama jan sa delivery room at naloka.." sabi nito kay Lumuel at tinuro ako. Napatawa ako at nakita ko si Sky na pigil-pigil ang pagtawa. Tumingin ito sa akin at kumindat. Mahilig talaga itong kumindat.
"Im sorry.." seryosong sabi ni Lemuel at tumingin sa akin. "Ngayon ko lang nakita ang mga tawag mo, nagkayayaan kasi kami nina Jim.." sagot nito na nakatingin lang sa bata.
"Hindi mo na sana iniwang mag-isa ang asawa mo Lemuel, alam mong kabuwanan na niya.." sagot ni Tito Goerge dito.
"Nang tinawagan ako ni Ara, kinakabahan na siya dahil wala ka dun, nakiusap pa na samahan sa delivery room, jusko! Hindi na ako babalik dun, pramis!.." sabi ni Rowella at kinuha ang bata mula kay Lemuel.
"Hindi daw babalik, babalik ka din doon.." sagot naman ni Sky na lumapit kay Rowella at hinawakan ang kamay ng bata.
"No way.." mahinang sabi ni Rowella na wiling-wili sa bata.
"Hindi mo ba ilalabas ang anak natin?" Pinandilatan ito ni Sky. Napatawa na naman ako sa itsura ni Sky. Lalo lang itong nagmumukhang cute pag nandidilat.
Hinampas naman ito ni Rowella sa braso. "Umayos ka! Hindi pa ako ready.." sabi naman nito at namula. Napatawa ako sa kanilang dalawa. Nagulat naman ako nang hawakan ni Lemuel ang kamay ko. "Im sorry.." pagsusumamong sabi nito sa akin. Ngumigi lang ako sa kanya.
"Its okay, the important thing is nailabas na si baby.." sabi ko sa kanya at tumango. Pero may konting pagtatampo pa akong naramdaman para dito. Hindi manlang niya nasaksihan kung paano ako naghirap na iluwal ang anak namin at wala siya dun para damayan ako. I know its no big deal pero importanting pangyayari ito sa akin. But Im still happy because baby Angel finally came out to see the world.

BINABASA MO ANG
Change
Roman d'amourAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...