Binagsak ko ang sarili sa sofa nang makarating kami sa dati naming bahay. Pinakuha na ni Lemuel ang mga gamit na gagamitin namin ni Angel dito for 1 month.
"What the hell was that?" Nanggigigil na sabi ko kay Lemuel.
"What?" Nakangiting sabi nito.
"Housewife? What the hell?" Sabi ko at hindi ko ito nilubayan ng tingin.
"Its more effective Ara, para hindi magduda si Mama.."
"Are you serious Lemuel? Paano na ang trabaho ko?" Nanlulumong sabi ko dito.
"Pinaleave kita sa trabaho mo Ara and settled na yung lahat. Were going to have a vacation.." napanganga ako sa sinabi nito.
"We have a vacation at nakaleave na ako sa trabaho ko? Wow, just wow. Ikaw pa talaga ang nag-ayos ng lahat ha? Now, my freedom was ruined again. Why did I just approved this stupid set up!! For goodness sake.." sabi ko at tumayo na. Kinuha ko dito si Angel na natutulog na.
"Youre going to be fine Ara, and thanks for helping me. Magiging okay tayong lahat. Trust me.." nakangiti pa nitong sabi. I could rip those smile out off his mouth. Masyado siyang nagiging gwapo at nagagalit ako para doon.
"Yeah. Whatever. Trust yourself.." sabi ko at umakyat na sa kwarto namin ni Angel. Bakit ba ako pumayag dito. Sira na ang routine ko at hindi manlng ako makapagbar nito. Hinalikan ko sa noo si Ara at inihiga na. This month is going to be long and complicated..
------------------------------------------------------
Nakagayak na kami for a vacation. At gagawin namin iyon sa isang probinsya. Im not familiar with the place pero may bahay daw doon ang Mama ni Lemuel at parang narinig ko na rin ang place na yun some where.
Nakasakay na kami sa van at hinihintay nalang namin ang pagdating ni Tito George. "Where is Ti- I mean Papa George?" Tanong ko kay Lemuel, nakapwesto na si Mama Luisa sa tabi ko at hindi ako komportably sa pwesto namin.
"He's not coming.." sabi ni Lemuel at pumasok na sa Van.
"Kahit kailan ang arti talaga ng George na yan.." sabi naman ni Mama Luisa.
"Narinig ko yun and I change my mind. Sasama nalang ako.." nagulat kami ng pumasok si Tito George sa passenger's seat. Si Lemuel ang magmamaneho ng Van papuntang probinsya at hindi naman daw sasama sina Mom and Dad dahil pareho silang busy.
"Pwedi namang wag ka nang sumama.." ang talas talaga ng dila ni Mama Luisa. I silently smiled when I saw Tito Goerge look at Mama Luisa.
"Sus! Gusto mo lang namang sumama ako. Im sure your vacation there will be boring without me sweetheart.." nakangiting sabi nito.
"My vacation there would be peaceful without you.." mataray namang sabi ni Mama Luisa at tinaasan ng kilay si Tito.
"Itigil mo nalang ang sasakyan Lemuel. Bababa nalang ako.." hinawakan ni Tito Goerge ang braso ni Lemuel para patigilin ito.
"Pa hindi ka na sanay kay Mama. Dont mind her.." sabi ni Lemuel at dumiritso ng maneho. Pumwesto na rin ako sa upuan because according to Lemuel medyo mahaba ang byahe. Nasa kandungan ko si Angel at tahimik lang na nagmamasid.
Halos 4 na oras dn ang byahe bago kami makarating sa pupuntahan namin. At namangha ako sa lugar. Mukhang tahimik doon at iisang bahay lang ang nakatayo sa isang malapad na lupain. Mainit ngayon ang panahon kaya tuyo ang lupa. Pero mas namangha ako ng makarating kami sa bahay.
"I really miss this place.." mahinang sabi ni Mama Luisa.
Elegante ang mga sangkap sa loob ng bahay. You can see simple 2 storey house from outside pero napanganga ako ng makapasok sa loob nito. The grand chandelier welcomed me at parang gusto kong gumulong sa sahig. The floor is a glass pero parang kahoy siya na my varnish. Its unique and breathtaking. Pero bakit ang linis pa rin dito kahit walang tao?
"Madam Luisa, welcome home po.." the mid 60's woman answered my question. Ito siguro ang caretaker dito.
"Maria, oh how I missed you so much.." Mama Luisa embrace the woman at makikita ang ligaya sa mga mukha nito. Binalingan nito si Lemuel at malapad na ngumiti.
"Lemuel, iho.." sabi nito at niyakap si Lemuel.
"Nanay Maria, gumaganda ka yata.." niyakap din ito ni Lemuel at pinaharap sa akin. "Nay, meet my wife, Ara.."
"Hello po.." I flash a sweet smile to this woman at lumapit ito sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko at tumingin kay Angel.
"Ang ganda naman ng asawa't anak mo Lemuel, at kuhang kuha ng anak mo ang mga mata mo.." nakangiting sabi nito at hinalikan si Angel. Biglang umiyak si Angel at natawa ito.
"Nanibago lang ho siguro kaya umiyak. Hindi niya pa po kasi kayo kilala.." nakangiti kong sabi at pinatahan si Angel.
"Baka kung hindi na kako yan aalis sa akin pag ako nag-alaga katulad nitong si Lemuel.." nakangiti itong bumaling kay Lemuel at tumingin ulit sa akin. "Tawagin mo akong Nanay Maria Ara, at wag kang mahihiya sa akin ha?" She said and pat me on my shoulder.
"Opo.." sabi ko at ngumiti dito. Pinahiran ko naman ang mga luha ni Angel. Natawa ako sa itsura ng anak ko. She seem so scared.
"Abah. Wala na sigurong pansinan ito ano?" Nabigla si Nanay Maria ng marinig si Tito Goerge. Pinanood ko silang nag-uusap at umakyat naman si Mama Luisa, magpapahinga na siguro ito.
"Sir George! Nandito pala kayo!" Natatawang yumakap si Nanay Maria kay Tito George. Makikita ang tuwa sa mukha nito.
"Are you okay Ara?" Napatingin ako kay Lemuel. Kinuha nito si Angel.
"Okay lang ako. Akin na si Angel, pagod ka pa sa kakamaneho mo.." sabi ko at akmang kukunin si Angel.
"Nawala na ang pagod ko. Kawawa naman ang baby ko. Natakot ka?" Sabi nito kay Angel. Yumakap lang si Angel dito. What a good scene to watch. Umiwas ako ng tingin at itinuon sa labas ng bintana. Naisip ko sana ganito nalang kami palagi pero hanggang pangarap lang iyon. Lemuel would never love me at ayaw ko nang umasa. Ako lang din naman ang masasaktan.

BINABASA MO ANG
Change
RomanceAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...