Pagkatapos ng kasal ay nagkasayahan na sa reception. We did all the wedding rituals at ang saya naman ng mga bisita namin. They thought we are really inlove with each other though Lemuel trying his best to become happy in this event also. Nararamdaman ko iyon because he's cooperating with me when we are facing our guests.
"Wow pare! Imagine? The muse? Congratulations to the both of you" kinamayan ni Rickson si Lemuel at hinalikan ako sa pisnge. Ngumiti lang si Lemuel sa kanya.
"Paano kayo nagkadevelopan ha?" Tanong naman ng isa pa niyang ka team mate na si Edward.
Ngiti lang ang tugon ko sa kanilang lahat. They dont know what really happened to us. Except Sky.
"Aba! Kung makatanong naman itong si Edward parang inagawan ng gerlpren ah!" Speaking of the devil, lumitaw si Sky sa usapan namin. Lahat ng ka team mate ni Lemuel ay nandito including Coach Bryle.
"Hah! Ang tinik kasi nitong si Captain. Hindi na makapaghintay. See? Lumaki tuloy ang tiyan ni Muse. Anu bang ginawa mo dito? Pinalunok mo kaagad ng bola ng volleyball?" Napatawa ang lahat ng team sa sinabi ni Jerald. Nakitawa na rin ako. Ang saya talaga nilang kasama kahit noong nagpapractice pa lang sila ng volleyball. They could easily make Coach Bryle irritate and shout of anger dahil hindi sila nagseseryoso sa practice nila minsan.
"Oo nga noh? Nawala kaya ang isang bola doon sa supply!" Napahagalpak ng tawa si Sky. Siya kasi ang hari sa lahat ng bangayan nila.
"Sus! If I know. Dalawa nga eh! Kinuha mo pa ang isa!" Sigaw naman ni Rickson.
"Ano naman ang gagawin ko 'don?!" Pinandilatan nito si Rickson. Napatawa ako sa itsura ni Sky.
"Ipapalunok mo rin kay Rowella!" Sagot naman ni Rickson.
"Gago ka!" Naghabulan silang dalawa. Napatawa ako ng malakas sa ginawa ng dalawa. Napakapit pa ako sa braso ni Lemuel na ngayon ay nakangiti na rin.
"What the hell is that? I heard my name.." sumulpot si Rowella sa kinaroroonan namin. Tawa pa rin ako ng tawa. Tumawa na rin si Lemuel na napahawak na sa balikat ko para masuportahan niya ang bawat galaw ko.
"What the hell, Ara? Hindi mo nalang ako papansinin?" Sabi ni Rowella na parang naiirita.
"Okay. Im sorry. Its nothing.." sabi ko at pinahiran na ang luha sa mga mata ko dahil sa kakatawa.
"Nasaan si Sky?" Tanong nito kay Lemuel.
"See for yourself.." sabi ni Lemuel at tinuro si Sky na ngayon ay nakikipagkulitan pa rin kay Rickson. Parang mga bata lang.
"Oh my God? Are you fucking kidding me?" Sabi ni Rowella ng makita niyang kumuha na ng cake icing si Sky at pinahiran si Rickson. "Sky! What the hell are you doing?! Para kang bata!" Sigaw ni Rowella dito at pinuntahan ang kinaroroonan nina Sky.
Mahina akong tumawa sa kanila. I saw Rowella grab Sky's shirt at hinila. Nagulat naman ako nang hawakan ni Lemuel ang kamay ko.
"Lets go?" Tanong nito sa akin. Nagtaka naman ako, saan kami pupunta? "Just come with me, I wanna show you something.."
Sumama ako kay Lemuel. Pumasok kami ng kotse niya. Nasa isang subdivision kami huminto. Kinausap niya ang guard at diritso na kaming pumasok. Huminto kami sa tapat ng isang 2 storey house.
Pumasok kami sa loob nun at namangha ako sa nakita ko. It was a wooden house. Hindi mahahalata ang feature nito sa labas. Pero pagpasok sa loob ay made of wood ang lahat. Hindi mainit at ang ganda ng sahig. Gawa ito sa isang malapad na kahoy na kiniskisan ng maayos para mukhang maging tiles kung tingnan. May isang chandelier na nakakabit sa ginta ng sala ang the stairs. Made of wood also.
"You like it?" Tanong ni Lemuel sa akin. Napanganga na ako sa pagkamangha sa bahay.
"Yes.." sagot ko sa kanya na ginala pa rin ang tingin sa loob ng bahay.
"Its our wedding gift from Papa, we'll live here.." sabi nito at napatingin ako sa kanya.
"Really?" Hindi ko maitago ang ngiti sa mga labi ko. Hindi na ako makapaghintay na tumira dito. Kasama si Lemuel.
"Yup, lilipat na tayo dito bukas.." sabi nito at ngumiti sa akin. Ibang Lemuel na naman ang kasama ko ngayon. Hindi mapantayan ang kasayahan. Bigla kong niyakap si Lemuel.
"Thank you Lemuel.."
Kinaumagahan ay lumipat na kami ni Lemuel sa bago naming bahay. Inayus na namin ang lahat ng mga gamit doon at naglinis na rin kami. We're like real couple dahil nag-eenjoy nalang kaming maglinis.
"Ouch! Ang sakit ng balakang ko.." napaupo ako sa sofa namin. Biglang sumakit lang kasi ang balakang ko baka sa sobrang pagod.
"Are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Lemuel at hinawakan pa ang balikat ko.
"Im okay. Biglang sumakit lang ang balakang ko.." tanong ko and give him a sweet smile.
"You know what, tapus naman tayong maglinis. Natapus ko na doon sa kusina, get some rest. Aayusin ko lang ang mga gamit doon.." napatango nalang ako sa sinabi niya.
Hindi kami kumuha ng maid dahil napagkasunduan naman namin ni Lemuel na kami nalang ang gagawa ng mga gawain dito sa bahay. Kukuha nalang kami ng isang taong maglilinis dito sa bahay twice a week, the same for the laundry. Hindi kasi gusto ni Lemuel na may ibang tao sa bahay kaya namuhay siyang mag-isa sa condo niya. Ganoon din sa amin, Mom love to serve us by herself pero pag wala siya kumukuha si Dad ng cook para sa amin dahil pareho naman kaming busy. I cook too but minsan lang iyon kung nasa mood ako.
Nagpahinga muna ako bago maligo. Bumili nalang muna si Lemuel ng pagakain sa labas dahil hindi pa kami nakapag-grocery. Kumain kami ng tahimik at umakyat na sa kwarto namin.
Nakahiga na ako sa kama pero nanatili pa ring nakaupo si Lemuel sa gilid ng kama. "Im preparing for a board exam, Ara"
Nagulat ako ng magsalita ito. Nakatitig lang kasi ako sa likod nito. "Alam ko namang maipapasa mo yan eh. Ikaw pa.." sabi ko sa kanya at ngumiti. "Im sorry if I will not able to help you for our expenses here Lemuel, pero may savings pa naman ako sa ATM card ko. When I will deliver baby after 4 months from now. Kukuha na rin ako ng exam.." sabi ko at hinaplos ang tiyan ko na medyo lumalaki na.
"Its okay Ara. Ako dapat ang gagawa ng paraan para sa inyo. Dont worry, I will be a successful engineer. Para ipagmalaki ako ng magiging anak natin.." seryosong sabi ni Lemuel sa akin. Ngumiti ako and suddenly the baby kick inside my tummy.
"Hala!" Nasabi ko at hinawakan ang gilid ng tiyan ko. Ngayon ko lang ito naramdaman.
"What happen? Are you okay?" Tarantang lumapit si Lemuel sa akin. I smiled at him at hinila ang kamay niya at pinatong sa bahagi ng tiyan ko kung saan gumalaw.
"Feel that? Mukhang nasiyahan si baby sa sinabi mo-Hala!" Sabi ko ulit ng sumipa ulit ito. Nakangiting tumingin si Lemuel sa tiyan ko at umupo na ito sa tabi ko.
Tumawa ito ng patuloy pa rin ang pag-galaw nito sa loob. "This is nice.." sabi nito at idinikit na ang tenga sa tiyan ko. "Baby? I know youre in there, Daddy's here. You see Im so happy that youre really so alive inside your Mommy's tummy pero wag masyadong malikot ha? Napapa-hala na si Mommy mo eh.."
Parang maluha na ako sa sobrang saya. I know that Lemuel will be a good father to our child. Hinimas ko ang buhok ni Lemuel nang patuloy pa rin nitong kinakausap ang tiyan ko.
Tumunog ang cellphone ni Lemuel. Bumangon ito at tiningnan ang cellphone niya.
"Excuse me.." biglang sumeryoso ito at lumabas. Sinundan ko lang siya ng tingin. Ang saya nang nararamdaman ko. Unti-unti nang napapalapit si Lemuel sa akin. Sana magtuloy-tuloy na ito and I will promise to be a good wife to him. This is really a dream come true for me.

BINABASA MO ANG
Change
RomanceAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...