My victory party ang school because nanalo kami sa championship. Pero natatamad akong umatend. Kanina pa ako tinatawagan ni Sky at Rickson. Pati na rin ni coach Bryle pero hindi ko sinasagot. Hindi maganda ang pakiramdam ko.
"Hoy! Araneta! Buksan mo itong pinto, pasasabugin ko 'yang kwarto mo!" Oh Lord. Nandito ang maganda kong best friend. Isa rin siya sa nakikitawag sa akin kanina pero hindi ko pinapansin.
Tumayo ako para pagbuksan ito ng pinto. Pagbukas ko, mula sa pagsasalubong ng kilay nito naging maamo ang mukha nito na parang naawa sa akin.
"Anyare?" tanong niya at hindi ko na mapigilan ang sarili ko. Yumakap ako sa kanya at umiyak. Hinila niya ako papasok sa kwarto ko pero nakayakap pa rin ako sa kanya.
"Magkwento ka bruha, 'wag kang iiyak lang jan!" Singhal niya sa akin. Kaya natahimik ako saglit.
"W-wel.." tanging nasabi ko at suminghot. Tumahimik lang siya at hinintay ang karugtong ng sasabihin ko. "May girlfriend na siya, a-ang s-sakit, g-grabe Wel.." sabi ko at umiyak ulit.
Bumuntong hininga lang siya at tiningnan ako na parang naaawa. "Inlove ka no?" Tanong nito at napatingin ako sa kanya. Tumango ako ng dahan-dahan na naluluha pa rin.
"I can't help it.." umiyak lang ako at niyakap lang ako ni Rowella.
"Magbihis ka, pupunta tayong victory party. Tumahimik ka jan, kailangan mo yang labanan. 'Wag kang tatago at masasaktan ka lang lalo.." matigas niyang sabi at umiling lang ako.
"Hindi ko kaya.." sabi ko at suminghot.
"Para kang bata. Iinom tayo dun! 'Wag mo nalang pansinin 'yang dream dad mo. Ang popogi ng mga ka team mo. Sila nalang yung pansinin mo, ok? Lets enjoy ourselves there. Kaysa nagkukulong ka dito at umiiyak. Tara na baby girl.." sabi niya sa akin at tumayo. Pumunta siya sa walk in closet ko at pumili ng mga damit.
She pull out a sleeveless white sando na my mga feather design sa unahan at blue jeans na my mga butas na mga styles. Kumuha rin siya ng leather jacket katulad ng sa kanya."Suotin mo to. Hindi tayo makikipagbonggahan dun. Iinom tayo hanggang umaga.." ngumiti siya sa akin and smiled back.
Si Rowella din ang nagpaalam kay Dad. Close sila eh, at mabuti nalang wala ang mommy Cha ko dahil my flight siya ngayon papuntang Russia kung hindi, hindi ako papayagan nun. Baliktad sila ng Dad ko eh.
Nakarating kami ng school at agad kong nakita si Lemuel. They are dancing together with Dianne. I recognize her, she came from Law Department. She was sophisticated and really beautiful. Mahinhin siyang babae at matalino kaya nga law ang kinuha niyang course. No wonder nainlove si Lemuel sa kanya. Ito ang tipo ng babae na seneseryoso.
Nagulat ako ng tinakpan ni Rowella ang mga mata ko at hinila papuntang table ng mga ka team ko.
"Arsy! Mabuti nalang pumunta ka!" Bati sa akin ni Sky at kumindat kay Rowella.
"Tse! Napuwing ka kuya? Broken-heart-" hindi naituloy ni Rowella ang sasabihin niya dahil tinakpan ko ang bunganga nito.
"What? Sino nangloko sa Arsy namin? Ilu-lublub ko siya sa arinola ni lola!" Sigaw ni Sky na nagpatawa sa akin.
"Si Rowella ang broken-hearted, hindi ako.." ngiti-ngiti kong sabi ko at umupo sa tabi nito.
"We can talk about that Wella baby.." ngiting sabi nito kay Rowella at kumindat ulit.
"Hala? Gusto mo Eye Mo? Kanina ka pa tutusokin ko yang mata mo eh.." naiinis nitong singhal kay Sky with matching salubong kilay pa. Hmmm. I smell something about this two. Paano sila naging close? Tumatawa ako sa kanilang dalawa ng may marinig akong sumigaw. It was Lemuel.

BINABASA MO ANG
Change
RomansAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...