Maganda ang pagsasama namin ni Lemuel. Ngunit habang tumatagal ay nanlalamig ito sa akin. Dati ay nagkakasabay pa kami sa pagkain pero nagyon ay madalang nalang. Palagi din itong lumalabas at gabi na kung makauwi. Hindi rin ito doon sa kwarto namin natutulog. Sa kabilang kwarto ito natutulog at hindi ko alam kung bakit siya nagkakaganun.
Mag-gagabi na at nagluluto ako ng adobong manok para sa hapunan namin. I look at the clock and it is already 7 in the evening. Nakita kong bumaba si Lemuel pero bihis na bihis ulit ito.
"Ara, lalabas muna ako. Wag mo na akong hintayin, baka matatagalan ako.." sabi Lemuel at tumingin sa relo nito.
"Ha? Teka, maghapunan ka muna. Nagluto ako.." sabi ko at tiningnan ang niluto ko.
"Sa labas nalang ako kakain. Late na ako sa lakad ko eh. Tawagan mo lang ako pag may kailangan ka. Mag-iingat ka dito.." sabi nito at dumiritso nang lumabas. Narinig ko ang kotse niyang papaalis na. Naiwan akong mag-isa. Ganun ba ka importante ang lakad niya para iwan na naman niya ako?
I eat alone at parang hindi ko malunok ang kinakain ko. Napatigil ako nang marinig ko ang cellphone ni Lemuel na tumutunog. Naiwan niya ang cellphone niya. Pinuntahan ko ang cellphone nito na nakalagay lang sa center table ng sala. Nakita kong may tumatawag sa kanya pero unregistered number.
I press the answer button and listen who was in the other line calling Lemuel.
"Hon? Where are you? Nandito na ako sa cafe. Nagkita na kami ni Jim and Rian. I said we will wait for you nalang muna bago tayo dumiritso sa bahay.."
I recognize that voice. It was Dianne. Napatakip ako sa bibig ko para pigilan ang paghikbi. So it was Dianne. Siya pala ang pinagkakaabalahan ni Lemuel.
"Hon? Are you there?" Tawag ulit nito. Sasagot na sana ako pero narinig ko ang kotse ni Lemuel. Siguro binalikan niya ang cellphone niya. Dali-dali ko iyong pinatay at pumunta na sa kusina. Tahimik akong umiyak doon habang naghuhugas ng pinggan. Itinapon ko nalang ang natitirang pagkain ko dahil nawalan na ako ng gana.
"Ara, Im here, baka narinig mo ang kotse ko. Kinuha ko lang ang cellphone ko. I'll go now.." paalam nito sa akin. Ang mabuti lang dito kay Lemuel ay nagpapaalam naman ito pag umaalis. Umaalis para makipagkita sa kerida niya.
"A-hh..o-okay.." nauutal kong sabi. Bwisit! Nautal pa ako, I cant hold back my tears. Patuloy pa rin itong dumadaloy, mabuti nalang nakatalikod ako kay Lemuel.
"Are you okay?" Naramdaman kong papalapit siya sa akin kaya pinigilan ko kaagad siya
"Im okay Lemuel, sige na late ka na diba? Ingat ka nalang sa lakad mo.." sabi ko at patuloy pa rin sa paghuhugas ng pinggan, tatlong beses ko na itong nasabunan.
"Okay. Mag-ingat ka rin dito. Wag mong kalimutang tawagan ako pag may kailangan ka.."
"Okay.." maikling sagot ko at narinig ko ang mga papalayong yabag niya. Hinintay ko nalang na umalis na talaga siya at umiyak ako ng tudo. Hinimas ko ang tiyan ko at umupo sa high stool doon.
I thought were okay? God, anung nangyari? Bakit si Dianne? Alam naman nitong kasal na si Lemuel. I feel so much pain in my chest. Huminga nalang ako ng malalim at hinimas ang tiyan ko. Sorry baby ha? Iyak muna si Mommy, hindi kasi maganda ang pakiramdam ko eh. Ngayon lang ito ha? Tahimik na kausap ko sa nakaumbok na tiyan ko.
I know, Lemuel and Dianne love each other at nasira ko ang magandang relasyon nila. Pero kasal na kami ni Lemuel. Hindi manlang ba iyon naisip ni Dianne? Ni Lemuel? I feel being betrayed. Ang sakit ng damdamin ko. Ito na ba ang kapalit ng pagsira ko ng dati nilang relasyon?
Huminga ako ng malalim at tumayo. Hahayaan ko nalang muna silang magsaya. Pero I will promise na sa paglabas ni baby magiging akin si Lemuel. Hindi ko siya maipaglaban ngayon dahil may pinoprotektahan pa ako. But swear to God, i wont give up in claiming Lemuel as mine. Mine alone.
Kinabukasan ay nagising ako ng maaga. I toast some bread at nagprito ng itlog at cornbeef. Nagtimpla na rin ako ng gatas.
"Goodmorning.." nagulat ako ng sumulpot si Lemuel sa likod ko. Nakangiti ito na tumingin sa mga pagkain na nasa hapag.
"Goodmorning rin. Kumain ka na.." sabi ko na hindi tumitingin sa dito. Kumuha ako ng toast bread at corn beef. Dala-dala ang mga pagkain ko ay lumabas ako papuntang sala. Binuksan ko ang TV at umupo sa sofa. Hindi ko kayang sumabay sa kanya na kumain dahil sa natuklasan ko kagabi.
"Oh? Ba't jan ka kakain?" I look Lemuel and I meet his blue tantalizing eyes. Lumunok ako at tumutok ng tingin sa TV.
"Manonood ako ng TV, baka may bagong palabas ngayon.." katwiran ko nalang sa kanya. In my peripheral vision, nakita ko siyang bumalik sa kusina. Pero nagulat ako ng lumundag ang sofa nang pabagsak siyang umupo doon.
"Well, I guessed, I'll eat here too.." nakangiting sabi nito at tumingin sa akin. Nilantakan na nito ang pagkain.
Tumayo ako at pumunta sa kusina. Inubos ko nalang ang gatas ko at hinugasan ang pinggan. Tinapon ko nalang ang natirang pagkain. Nawalan ako ng gana. Naramdaman kong sumunod siya.
"Tapus ka nang kumain?" Nakasulubong ang kilay nitong nakatingin sa akin. Ngumunguya pa ito. Ang cute lang. Galit ka sa kanya, Ara! Sigaw ng kabilang bahagi ng utak ko.
"Yes.." sabi ko sa kanya na nakatalikod pa rin.
"Ba't ang bilis naman yata? Busog ka na ba?" Tanong nito at lumapit sa akin.
"Oo naman.." kaswal kong sabi sa kanya. Pero nagulat ako sa sunod na ginawa nito. Hinimas niya ang tiyan ko. Nasa likod ko siya kaya parang nakayakap siya sa akin.
"Baby, busog ka na ba? Ang bilis kumain ni Mommy mo. Baka hindi ka pa busog.." pakiramdam ko tumayong lahat ng balahibo ko sa batok. Naramdaman ko ang paghinga niya sa aking leeg at hinimas himas niya pa ang aking tiyan. Nakaramdam ako ng pagkailang tinabing ko ang kamay niya at nagmadaling umiwas dito.
"Ahm. Maliligo muna ako.." I said and went upstairs. My tears directly flow from my eyes. Iniisip ko na ganyan din siya ka sweet kay Dianne. Si Dianne na mahal niya. Pero ako? Ako lang naman ang ina ng magiging anak niya pero hindi niya ako mahal. Pero nangyari na ang lahat. Ang tanging magagawa ko lang ngayon ay maghintay at umasang mahalin din ni Lemuel.

BINABASA MO ANG
Change
RomanceAra is innocent and fragile but because of living with her long time crush that accidentally made her pregnant, her personality changed. From being innocent and simple girl, she became wild and carefree. What would Lemuel do if he was the reason wh...