Alpha (Beginning)

261 10 7
                                    

Anna's POV

Nag-aayos ako ngayon para sa aming gradwasyon at ilang minuto na lang ay mag-sisimula na ito. Huli kong isinuot ang kuwintas ni lolo na siyang ibinigay sa akin nung pitong taong gulang pa lamang ako. Ang kuwintas na ito ay mayroong nakasabit na diploma. Saktong-sakto siya para sa okasyon namin ngayon. Lumabas ako ng aking kuwarto at bumaba ng hagdan. Tumungo ako sa kusina at hinanap si lola upang makapagpaalam na ako ngunit ni anino manlang niya ay hindi ko makita. Ang naroroon lang sa kusinang ito ay ang tasa at ang mga platitong ginamit niya para sa kanyang agahan. Umalis na siguro para mamalengke. Hindi man lang ako hinintay. Umiling ako.

Malungkot akong umalis doon at dumaan muna ng aming sala bago ako lumabas ng  pintuan. Hindi ko na ito sinarado para hindi na rin siya mahirapan . Ubod akong nagpapasalamat nang may nakita kaagad akong tricycle papunta sa dadaanan ko. Pumara ako at sinabi sa kanya ang aking pupuntahan.

"Dito nalang po ako manong."

Pumara ako sa harap ng aming eskuwelahan. Napapalibutan ito ng maraming puno. Bumayad at bumaba ako mula ng tricycle. Hinintay ko muna siyang umalis bago harapin ang nakalaan sa akin.

Huling taon ko na 'to.

Huminga ako ng malalim at nag-umpisa nang maglakad. Inilibot ko ang mata sa aking kapaligiran, handang harapin sa kung ano man ang tumatago sa bawat sulok ng mga puno na naririto. Bakit ba kasi kailangan nakatago ang aming paaralan? Napakamot nalang ako sa aking ulo at napayakap sa sarili. Naiinis. Naiinis. Napakadilim ng paligid, mas lalo akong nahihirapan makita ang mga dinadaanan. Ubod ang pagsasalamat ko nang naisipan kong dalhin ang aking jacket kanina bago umalis.

Dahan dahan lang ang ginagawa kong paghakbang hanggang sa nakita kong malapit na ako sa aming GYM. Nakasalubong ko ang aking mga kaklase at ang iba pang estudyante na sa tingin ko'y nasa ibang seksyon lamang ngunit hindi ko mawari kung bakit halos lahat ng kanilang mga mata'y sa akin lang nakatingin. Hindi ako mapakali. Kinakabahan ako sa maaaring bumungad sa akin sa oras na pumasok ako sa loob ng aming GYM kung saan mamahagi ang aming seremonya.

Pumasok ako saka inilagay ang aking pangalan sa isang papel upang malaman nila na dumalo ako dito para sa aming pagtatapos. Nakatingin sa akin ang babaeng nagbabantay ng aming pasukan na para bang binabantayan niya ang aking bawat galaw. Napansin ko 'to kanina pa magmula nang pumasok ako dito, hanggang sa pagsulat ko ng aking pangalan. Tiningnan kong maigi ang kanyang mata nang bigla itong pumalit ng kulay. Mula itim, sa pula at sa itim ulit. Tiningnan ko lahat ng estudyante na narito upang maisugurado na hindi lang ako ang nakapansin nun. Pero wala. Seryoso, ako lang ba ang nakakita nun o 'yon ay gawa lamang ng aking emahinasyon?

Pumunta nalang ako sa harapan at umupo sa isang upuan na mayroong pangalan ko ang nakasulat doon. Nabigla ako nang magsiiyakin silang lahat. Ang iba'y sa harap nakatingin habang ang iba naman ay nasa akin. Halos lahat sila ay umiiyak ng dugo. Mapa staff, magulang, estudyante, lahat. Hindi ko maintindihan. Kinakabahan na ako. Pinikit ko ng mariin ang aking mga mata upang makakasigurado na hindi itolahat totoo. Nang buksan ko muli ang mata ko ay tumigil na ang kanilang pag-iiyak Guminhawa ang pakiramdam ko. Paranoyd lang siguro ako mas lalo na ngayon na nag-iisa ako.

Ibinalik ko muli ang atensyon ko sa harap. Nang itinawag na ang pangalan ko para sa ikaapat na gantimpala'y tumayo na ako at umakyat ng entablado. Hindi ko maiwasang mapatingin sa mata ng taong sumasabit saakin ng medalya. Ako lang ba o katulad lang din kanina ay pumalit din ng kulay ang kanyang mga mata niya.

"Nakapangingilabot" bulong ko sa sarili ko.

"May sinasabi ka ba iha?" Napalaki ang mata ko sa gulat Paano niya narinig 'yon?

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon