XIX - Journal

22 1 1
                                    

"Anong ginagawa mo?" tanong niya sa akin at lumapit sa tabi ng kinatatayuan ko. Umiling ako sa kanya.

"Wala. Akala ko'y makita lang ako," bulong ko at umiling. Tumayo ako ng maayos at sinimulan ulit na maglakad. Hindi komatukoy 'tong naramdaman ko. Tumakbo siya, sinusubukang humabal sa bawat pagyakap na ginagawa ko.

"Sigurado ka ba talaga na pinupuntahan mo? Mukhang nakalagpas na 'ata tayo ng mga tatlong daanan do'n ngunit hindi pa rin tayo nakakaliko. Sigurado ka ba talaga?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot. Napatigil ako. Ba't hindi niya kasi sinabi 'yon kaagad? Padabog akong lumiko at mas lalong binilisan ang lakad ko. Isa, dalawa, at lumiko at pakanan. Nakakainis. Napatigil ako sa isang pintuan. Binabantayan ang mga multo na maaring naririto ngayon. Ngunit wala. Ano na ba ang nangyari sa kanila. Sumusulyap sulyap ako sa pasilrong dinaanan ko ngunit wala manlang bakas na multo ang makikita dito.

Napakunot aak. totoo ba talaga na si kuya na ang tumapos sa kanila? Pero... imposible. Madami sila at isa lang si kuya kaya't paanong nangyari 'yon? Hindi ko naman siya binababa, pero napaka imposible talaga. Hindi ako mapakali. Baka sinusubukan lang nila kaming lokohin? Baka binabantayn lang muna nila kamipara sa susunod nilang atake? Napahawak ako sa 'king ulo nang maramdaman itong uminit. Argh! Ano ba ang nangyayari?

"Annie! Anong nangyari sayo?" sigaw niya at lumapit sa akin. Hinawakan nito ang kamay ko. Kinuha ko ito mulsa sa kanya at sinusubukang pakalmahin ang sarili.

"Tumahimik ka nga. hindi natin ang alam ang mga posibilidad na mangyari kapag nag-ingay tayo dito," suway ko sa kanya. Binalik ko ulit ang tingin sa kuwartong 'yon habang tinitingnan ang mga madidilim na parte ng kuwartong 'yon. Napakadaming baging ang nakapalibot dito. Alam ko na mayroong kahon akong nakita dito. Nakalimutan ko lang kung saan.

Naradaman ko ang pagyapak ng paa ni Jason na pumasok dito. Hinawakan ko ang kamay niya at hinila ito pabalik. Matalim ko siyang tiningnan.

"Ano ba ang ginagawa mo? Alam mo bang hindi ka dapat dito na basta basta nalang gumawa ng kahit anong aksyon na siyang mapagpahamak sa atin dito, ha?" nakakunot kong bulong sa kanya. Nanatili lang siyang tahimik habang tinitingnan ang loob nito. Mas lalo akong napakunot. Ano ba ang tinitingnan nito?

Sinundan ko ang tingin niya. Napaawang ako nang makita ang isang kahon na nakasabit sa isang dahon nito. Sinubukan niya ulit na ihakbang ang paa sa loob nito ngunit hinila ko siya pabalik.

"Huwag mong hawakan ang baging na 'yan. May lason diyan kung saan kapag nahawakan mo ay may posibilidad na mamatay ka," pagbabanta ko sa kanya. Sa wakas. Binalik niya ulit ang tingin sa akin ng may pagkalito sa kanyang mukha.

"Paano mo naman 'yan nasabi?" nagtataka niyang tanong. Sinenyasan ko ang ulo papunta sa baging.

"Kung titingnan mo siya'y mukha lang siyang pangkaraniwan hindi ba?" tanong ko sa kanya. Tumango siya bilang sagot at tiningnan ulit 'yon. "Pero kung titingnan mo siya ng mabuti'y may makikita kang kulay lila sa mga dahon nito."

Napansin ko ito nang may nakita akong dahon na lumabas mula sa pintuang 'to. Tiningnan ko siya ng mabuti sa napakapamilyar na kulay atanyo nito nang maalala ko ang tinuro ng aming guro sa paaralang ito. Isang hawak mo lang niyan ay may posibilidad ka ng mawala dito.

Tumatango tango siya bilang sang-ayon sa akin. "Pero paano 'yan? Paano natin siya makukuha kung may nakapalibot ditong lason sa kanya."

"Kailangan lang natin mag-ingat habang kinukuha 'yon," sagot ko. Pumasok ako sa loob. Dahan dahan lang ang ginagawa kong paghakbang habang binabantayan ang bawat galaw ko. "Ikaw na ang magbantay diyan sa labas habang ako ang kukuha ng kahon n 'to," utos ko.

Hindi ko man siya nakikita'y alam kong tumango siya sa gawi ko. Malapit na ako sa kahon. Konti lang ang nakakapalibot na dahon dito kaya't dahan dahan ko siyang kinuha do'n. Iniingatan ang sarili na wala akong mahawakan na lason do'n.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon