II - Medallion

128 7 3
                                    

"Dahil ang kuwintas na iyan ay kakaiba sapagkat iyan ay makakatulong sayo ituro ang mga kailangan mong puntahan o gawin upang mailigtas ang mga kasama o kaibigan mo. At habang suot mo ang kuwintas na iyan." Tiningnan niya ang kuwintas ko 'ay mananatili kang ligtas sapagkat kaya ka niyan protektahan kahit ano pa man ang mangyari." pagpatuloy ni Amy.

Kung ganun, bakit nga ako hinahabol ng mga kaklase ko at iba pang mga tao? Ano pa ba ang kailangan nila sa akin? Ang mga kailangan kong gawin? Bakit ako pa ang napili sa lahat ng puwedeng mapunta?

'Dahil may kailangan sila sayo na wala sa iba. Hindi sila ang mga kaklase mo kun'di sila ang mga kaluluwa noon na nagdurusa sa isang trahedya at kailangan nila ngayon ang kuwintas mo upang mailigtas nila ang kanilang sarili. Ang kuwints na 'yan ay hindi basta lang kuwintas kundi isa siyang medallion. Hangga't sa maaari, huwag na huwag mo iyan tanggalin. Kasi sa oras na naitanggal mo iyan at nawalan ka ng protection. Who knows kung ano pang puwedeng mangyari.?. Namatay sila dahil...dahil din dito? Pero bakit? Anong kaugnayin nito sa kanila? Kung kailangan pala nila ito eh 'bat hindi nalang nakin puwede ibigay para matapos na lahat ng ito?

'Ang kuwintas na iyan ay makapangyarihan at hindi lang dapat basta basta ipamimiga . Dahil ang kuwintas na iyan ay isang missing peice ng medallion na Star Of Life that can give you one wish. Kahit ano. Kapangyarihan, pera, kahit ano. Kung saan puwede kang bumalik sa pagkabata. Except for one wish. Bringing back the dead back to life. That's why. Ang kapag napunta ang medallion na 'yan sa maling kamay. Wala na at siguro aka nga'y 'yon pa ang magiging katapusan natin" mariing sabi ni Amy.

'Katulad mo, naiwan ding mag-isa noon si lolo sa kanyang graduation. Hanggang sa nakita niya ang kuwintas na iyan na nakasabit sa isang puno ng accasia. Hindi niya inasahan ang mga nangyarisa orasna isinuot niya ng medallion na 'yon. Madami siyang sekreto na natuklasan na kung saan konti lang ang may nakakaalam nun. Ngunit habang tumatagal, unti-unting humihina si lolo hanggan't sa din na niya 'yon nakayanan. Hanggang sa dumating ang panahon na namatay siya at ipinasa 'yon sa akin" ani Andy. "Pero dumating ang araw na naisipan kong hubarin ang kuwintas at sa araw ding 'yon ako nasagasaan. Hindi ko inaasahan ang mga nangyari." Dugtong niya at inilayo ang tingin sa akin.

"Hanggang sa ipinasa 'yon sa'kin. Aksidente siyang nakuha at bigla akong inatake. Nataranta nun si lola, hindi niya alam ang kanyang gagawin. Hanggang sa tumigil ang pagtibok ng puso ko." Ani Amy.

'Pero nabuhayan muli siya nang dumating ka. Dahil sa iyo, nagkaroon ulit kami ng pag-asa. Ikaw nalang ang natira sa isa sa mga apo niya, at sa pagkakataon na ito. Ikaw nalang ang pag-asa naming lahat para maisira ang sumpa na to na nakatakda. Kasi ikaw ang inihirang dito kaya't sana'y tulungan mo kami para maibagsak siya"

Pagkatapos niyang sabihin iyon hindi na muli ako nagsalita. Naging tahimik muli ang kuwarto na ito. Pero paano nalang si lola? Sana naman maging okay siya kahit wala na ako doon. Habang nag-iisip ako ng maaring puwedeng gawin, iginala ko muna ang aking mga mata sa kuwartong ito.

Napatigil ako nang may makita ang isang imahe. Isang imahe kung saan mayroong larawan ng isang babae. Habang ang nasa kabila naman nito ay isa ding imahe ng isang lalaki. Na...na sa tingin ko ay hindi yata nalalayo sa edad nila. Mayroong salamin sa gitna nila.

Kakaiba ang salamin na ito. Hindi ko alam kung paano pero sa tingin ko'y nakita ko na 'to noon. Kusa na lang gumalaw ang mga paa ko at linapitan ito. Tiningnan ko ng maigi ang sarili kong larawan hanggang sa may biglang sumulpot na dalawang pigura. At ang dalawang tao na ito ay walang iba kundi ang mga imahe na katabi nitong litrato. Nag-iba bigla ang larawan ko. Naging duguan na ito at ngumiti sa akin.

Umatras ako at napatingin sa tabi ko kung naroon ba sila. Nakahinga ako ng maluwag ng mapagtanto na wala sila dito. Lumamig ang likod ko. Tumalikod ako't napako sa kinatatayuan. Mabilis ang tibok ng puso ko. Sobrang lapit na ang mga mukha nila sa akin. Napaatras ako.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon