XVII - Uncover

31 2 1
                                    

Annie's POV

Napakurap ako nang tumama sa akin ang sinag ng araw. Inilayo ko ang ulo dito at tinuloy ng aking pagtulog. Napahawak ako sa 'king leeg nang marinig ang pag tunog ng buto ko mula dito.

Inalis ko ang ulo mula sa pagkahiga ko do'n. Nanlaki ang mata ko nang makita na si Jason pala ang hinihigaan ko kanina. Umiwas ako sa kanya ng tingin.

"Patawad," nahihiya kong bulong sa kanya habang kinakamot ko ang likod ng aking leeg. Nanliksik ang mata ko nang iniharap ko muli ang tingin ko dito. Mabilis akong umiwas mula sa sinag ng araw at napatungo na lamang.

"Hindi, okay lang 'yon. Masaya nga ako para sayo dahil najatulog ka pa nga eh," sabi niya. Kahit hindi ako nakatingin sa kanya'y alam kong nakangiti siya sa akin. Nahagya akong tumango sa kanya at tumayo mula sa pagkaupo ko.

"Eh paano nalang ikaw? Nakatulog ka rin ba? Tara na nga at umalis muna tayo dito. Ang taas na ng araw oh. Hindi mo ba nakikita?" tanong ko sa kanya habang nanliliksik pa rin ang aking mata.

"Ahh, oo. Huwag ka nang mag-alala sa 'kin. Nakatulog din man naman ako kahit papa'no. At oo nga, tama ka. Halika na. Tingnan na muna natin ang kuwarto kung nakabalik na ang mga kapatid mo," masaya niyang saad sa 'kin. Tumayo ito mula sa kanyang pagkaupo at nilahad ang kamay nito. Sina ate at kuya nga pala. Napatampil nalang ako sa ulo ko. Hindi ko na pala namalayan na nakatulog ako kanina at mukhang napasarap pa ako sa tulog kong 'yon- kahit na medyo nabali pa ata ang leeg ko mula do'n. Pero kahit na. Nakalimutan ko na sila kagabi at hindi manlang ako gumising ng maaga para tingnan sila!

Hindi ko kinuha ang nakalahad niyang kamay at tumakbo na kaagad ako papunta sa hagdan ng bahay namin. Patakbo akong umakyat at mabilis na binuksan ang pinto.

Nadatanan kong nakaupo si lola sa knyang higaan nalapit sa kanyang bintana habang pinagmamasdan nito ang mga nangyayari sa labas. Napakunot ako. Teka lang- kanina pa ba niya kami tinitingnan? Kung ganun- psh. Wala na akong oras diyan.

Inilibot ko ang paningin mula sa kuwaryong 'to at nakita di ate na natutulog pa lang sa isang higaan kung saan nakaupo rin si lola. Teka, siya lang ba ulit ang nandito? Nasaan si kuya? Pinagmasdan ko muli ng maigi ang kuwartong 'to. Hinihiling na sana nga'y nandito siya pero wala lang talaga siya.

Huwag mong sabihin na siya nanaman ang lumaban sa kanila at isinakrapisyo na naman ang sarili niya? Napabunton hininga ako. Napakahilig talaga no'n magpakitang gilas sa amin eh noh? Napabunton hininga na lang ako. Si kuya talaga, mahilig talaga siyang magpakitang gilas sa amin eh noh? Gagawin talaga niya ang lahat para lang maligtas kami. Hindi ako makapaniwala. Tahimik nalang akong naglakad papunta kay ate at tiningnan ang kanyang hitsura. Mukha 'atang napagod din siya mula sa kanilang laban kanina. Parang ilang araw pa lang ang lumipas at napakadami na ang nangyari.

Napatingin ako sa aking gilid nang may napansin akong kumikinang dito. Lumapit ako dito at tiningnan 'yon ng mabuti. Mukha siyang nasira na krystal. Kulay pula ito na para ba'ng kulay ng isang dugo. Tiningnan ko lang siya ng maigi at hindi ito hinawakan sa takot na may maaring mangyari sa akin kapag ginawa ko 'yon. Ngunit hindi rin maalis sa isipan ko ang napaka pamilyar na kulay at anyo nito.

Umalis ako mula do'n at dahan dahang lumakad sa kabilang parte ng kuwartong 'to. Inaabangan siyang mahuli ako. Bagkus nung nakita niya ako'y sa gilid na kanyang mata'y bumaliklang ulit siya sa kanyang ginagawa. Hindi man lang ako kinausap o pinansin. Napabuntong hininga ako. Anong magagawa ko? Medyo naiilang pa ako sa kanya kaya hindi ko siya magawang makausap pa. Nahihiya pa ako. hindi ko alam ang akin gawin.

Hindi ko na inasaya ko ang oras ko at dumiretso nalang ng lakad papunta sa nakabukas na pinto at lumabas mula sa kuwartong 'to. Pagkababa ko'y nadatanan ko siyang nakaupo mag-isa sa ilalim ng punomalapit sa aming hagdanan. Nakatalikod mula sa sinag ng araw. Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi nito.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon