IX - Amy

18 1 1
                                    

"Ano ba ang ginagawa mo doon ha?! Ano ba ang naisipan mo at bigla ka nalang pumupunta kung saan-saan?!" sermon sa akin ni kuya at kung ano-ano pa ang sinasabi niya sa 'kin.

Nakayakap ako sa kanya at umiiyak sa balikat niya. Humihikbi ako habang inaalala ang nangyari kanina. Masyado akong okupado sa pag-iisip ng problema niya kanina. Ang alam ko lang ay mayroong babae doon kanina, humihingi ng tulong ko. Hindi ko alam kung may balak ba siyang lokohin ako o sadyang humihingi siya ng tulong. Natatakot ako. Mas lalo na nag-iisa lang ako.Nanlalamig ako kahit na mayroon akong suot na jacket. Hinahangin ng malamig na hangin ang aking buhok. Himihikbi.

He caressed my hair and softly said, "Shh.. Magiging okay lang ang lahat. Hindi naman ako galit sa 'yo, sana alam mo 'yan. Nag-alala lang naman si kuya. At sana...sana mapatawad mo ako sa ginawa ko kanina. Alam kong mali 'yon at...sorry ."

Naging tahimik ang paligid. Tumingin ako sa itaas. Bumalik na muli ang buwan at ng liwanag niya. Pati ang bituin ay nagniningning. Napabagsak ang tingin ko sa sahig. Lost for words. Alam ko rin naman kasi na kasalanan ang ginawa ko kanina. Mas lalo na nung sinigawan ko siya kanina. Paano ko 'to sasabihin? 

Napabuntong hininga at napapikit. Pinapatawad na kita kuya. . Alam kong mali rin ako kanina at...sana lang talaga 'y mapatawad mo rin ako sa inasal ko kanina. Wala akong alam sa mga nangyayari. Wala akong karapatan para sigawan kita. Sorry.

Napapagod na ako. Nalilito. Pinakalma ko ang sarili ko. Siguro nga tama na ang away at kailangan ko nang makipagtulungan sa kanya. Para matapos na 'to. Kumalas ako mula sa yakap niya at tiningnan siya ng diretso sa kanyang mga mata.

"Balik na tayo kuya. Saka, kailangan pa natin basahin ang liham ni lolo," ngimiti ako sa kanya. Ibinalik niya rin ang ngiti sa akin.

"Sige. Tama na nga muna ang kadramahan natin ngayon. Saka, kailangan pa natin tulungan si ate. Tingnan na natin kung maayos at gising na si ate," aniya. Inakbayan niya ako at naglakad papunta sa bahay nila.

Naramdaman ko 'ng mayroong mga mata ang nakatingin sa amin. Tumingin ako sa aming kanan. Madalim ang parteng 'yon. Hindi ko masyadong maaning kung ano ang naroroon doon. Ngunit napansin ko na mayroong silweta, mas madilim pa sa dilim na pumapalibot dito. Hindi ko mapagtanto kung naglalaro nga lang ba ang isip ko sa 'king paningin. 

Nanlamig ako. Nagsitayuan ang aking mga balahibo. Itinuon ko nalang ang pansin sa harap at hindi na muling lumingon do'n. Hindi sigurado kung napansin din niya ba 'yon. Sumilip ako ng sandali sa mukha niya upang makasigurado ako ngunit ganun din naman siya. Seryosong nakatingin sa aming dinadaanan.  Napabuntong hininga ako at umakyat na ng hagdanan pagkarating namin doon. Natagpuan naming gising si ate nang makapasok kami ng kuwarto. Nakaupo sa higaan habang kinakausap si lola.

"Ate!" tawag ko. 

Tumakbo ako papunta sa kanya at iniyakap siya. Hindi makapaniwala. Naguguluhan ngunit itanamasa ko lang ang yakap na 'to. Ibinalik din niya ang yakap sa 'kin.

"Annie. Masaya akong malaman na ligtas ka," sabi niya sa 'kin. Itinuon ulit niya ang kanyang paningin kay kuya na ngayo 'y nakatayo lang sa pintuan at sinabing, "at ikaw naman. Ano 'ng tinitingin mo diyan at nakatayo lang. Halika nga," at ibinukas ang kanyang mga kamay para sa isang  yakap.

"Ano ka ba ate, hindi na ako bata no,"parang nagtatampong saad niya. Asus! Mukha nga siyang bata eh.

"At sino naman ang nagsabi niyan? Alam mo naman na minsan lang 'to mangyari eh kaya sige na," sabi ni ate. Nanatili parin na nakabukas ang kanyang mga kamay. Tiningnan ako ni kuya, at balik ulit kay ate. Wala na siyang nagawa kun'di pumunta sa amin at iniyakap ng mahigpit. Ilang sandali ay kumalas na siya sa amin ng yakap. Doon ko mas maiging nakita si lola na nakatingin sa amin habang nakangiti.

"Mabuti naman at nagkasundo na kayong magkakapatid," naiiyak na sabi niya. Napangiti ako. Tama nga siya. Minsan lang mangyari ang gan'to at masaya akong nagawa pa namin 'yon. Kahit gaano na kami katagal magkahiwalay, heto parin kami. Magkasama.

"Asus. Si lola, sabihin mo nalang kasi na gusto mo rin ng yakap eh," mapagbirong sabi ni kuya. Kinurot siya ni lola at natatawang sinabi na, "biro lang po."

Ngunit iyinakap parin siya ni lola at umiyak sa kanyang dibdib. Natatawa naman kami ni ate habang tinitingnan sila. Nakakatawa ang hitsura ni kuya na tila ba hindi siya makapaniwala ngunit iniyakap din siya pabalik. Sana lang talaga tumagal pa ang oras namin. Ngunit hindi namin magawa 'yon. Lalo na 't napasok kami sa kaguluhang ito. Nagtataka lang ako kung bakit mayroong babae kanina ang humihingi sa 'kin ng tulong. Kung baka sakali na hindi ako pinigilan ni kuya kanina, ano kaya ang mangyayari sa 'kin?


Amy's POV

Katabi ko ngayon si Andy pagkatapos ang masaya naming yakapin kanina. Tinitingnan ko silang na seryosong nag-uusap. Masaya akong malaman na okay na rin siya. Sapagkat hindi ko pa rin maalis ang isipan ko kung paano ako tinulungan kanina ng isang lalake na nagpakilalasa akin bilang si lolo. Hindi kaagad ako nakapaniwala sa kanya dahil napakabata niya doon para maging siya. Pagkatapos nun, isinabi at itinuro niya lang sa 'kin ang direksyon pabalik dito. Humihingi ng tulong. Hanggang sa tuluyan na akong mawalan ng malay at nagising nalang na nagbabantay sa akin si lola. Hindi pa rin ako lubos naniniwala na siya talaga 'yon. Napakaimposible.

"Ate," tawag sa 'kin ni kuya. 

"Hmm..." ang tanging response ko sa kanya. 

Isa rin 'to. Hindi ko rin alam kung paano siya nakatakas sa grupo ng mga multo na 'yon o kung katulad ko rin ba'y nakita niya si lolo at iniligtas siya nito.

"Gusto ko sana sbihin sa 'yo ang tungkol dito kanina pa pero... naghanap muna ako ng saktong oras para sabihin sa 'yo 'to," ramdam ko ang pagkaseryoso sa kanya habang ibinibigkas nag salitang 'yon. Nakakunot ang noo kong napalingon sa kanya. Nakita ko sa kamay niya ang isang talaarawan. kinuha ko 'to mula sa kanyangmga kamay at tiningnan ito ng mabuti. 

"Kanino 'to?" mausisa kong tanong sa kanya.

"Hindi ko alam. Pero may alam na yata ako kung sino ang tinutukoy sa sulat na 'to. Si lola"



Salamat sa mga nagbabasa nito at sa mga nag-add nito sa Reading List nila. Thank you po sa inyo at God Bless ^^

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon