IV - Dream after Dream

44 2 2
                                    

Dream After a Dream 7

"Anna!" bigla akong napalingon sa tumawag sa'kin. Laking gulat ko nang Makita ang ate ko na hinihila ngayon ng mga multo, na umiiyak at duguan. Tumakbo ako papunta sa kanila at hinila ang kamay ng ate ko upang mapalayo sa kanila.

"Ate! Huwag mo po akong iwan" nauutal kong wika sa kanya. Hinihila ko lang siya palayo hanggang may naramdaman akong likido sa pisngi ko. Hindi ko naramdaman na umuulan at umiiyak na ako. At nang dahil sa ulan ay nadudulas ang mga kamay ko sa pagkahawak sa kamay ni ate.

"Huwag kang mag-alala, magiging okay din tayo. Tayong lahat. Magiging masaya rin tayo hanggang sa huli. Pero sa ngayon kailangan mo muna'ng bumitaw upang maipagpatuloy mo ang laban. Para sa akin, sa atin. Kuhain mo ito. Mangangailangan mo rin ito sa lalong madaling panahon."

"Ate! Huwag po akong iwan! Mahal po kita." 'Yan ang mga huli ko'ng salita bago tuluyang mabitawan ang kamay niya. Wala na rin akong nagawa dahil sa nalalabo na ang paningin ko sa onting-unti na paglalayo niya.

Tiningnan ko ang ibinigay niya. Isa itong lalagyan ng mga alahas. Hindi ko muna ito binuksan. Mahirap man sa loob ko ay tumalikod na ako at tiningnan ang lugar na kung saan ako ngayon. Labag man sa loob ay kailangan ko itong gawin. Para sa kanila.

Unang hakbang ko palang sa loob, ngunit hindi maiwasan ang pagtulo ng luha ko. Ipinikit ko ang mga mata ko at sinubukang papigilan ko ang luha ko. Sa mga iniisip ko ay hindi ko maiwasan ang hindi mainis, malungkot at magalit.

May napansin ako'ng may parang gumagalaw sa paa ko. Sisipain ko n asana ito nang Makita ko kung ano ang gumagalaw dito, si Ben. Napangiti ako, dahil ngayon ay alam kong hindi ako nag-iisa. Na meron pa akong isang kasama.

Nagkaroon ng kidlat at kulog. Natakot si Ben ditto at mas lalong isinikip ang sarili sa'kin. Napatawa nalang ako dahil sa pagiging cute nito. Wala na rin naman akong nagawa kun'di kuhain siya at kargahin.

"Natakot ka ba? Gutom ka na ba? Huwag kang mag-alala dahil nandito lang ako, pero sa ngayon ay kailangan muna natin maghanap ng masilungan at makain." Inilibot ko ang paningin ko sa lugar na 'to. Napabuntong hininga ako at nag-umpisa na'ng maglakad. Hindi ko maiwasan ang hindi matakot. Hindi ko mawari minsan kung totoo na ba itong nakikita ko o napaparanoid lang, ngunit nang dahil sa bilis na rin nito hindi ko maawari kung tao ba talaga siya o hangin lang. Mas lalo akong natakot at mas binilisan ang lakad hanggang sa tumakbo na ako nang tumakbo.

Napalinga linga ako sa paligid upang makahanap ako ng masilungan at sa awa naman n Diyos ay may nakita ako. Mabilis ko itong tinakbuhan at pumasok sa loob. Sa oras na nakapasok ako ay ibinaba ko si Ben at mabilis na isinarado ang pintuan.

Sa pagod ay napaupo ako sa sahig. Madilim mman ay puwede na ito sa akin. Naramdaman ko ang paghiga ni Ben sa gilid. Hindi ko na naramdaman na nakatulog na pala ako.

"Ate?! Kuya?!" Sinusubukan ko'ng tawagin sina Ate at kuya, ngunit walang sumagat ni isa sa kanila. Sinubukan ko muli na tawagan sila, pero katulad lang ng nauna ay wala pa rin'g sumasagot.

Kadiliman. 'Yan ang bumabalot sa akin ngayon. Walang ni kahit na ano ka'ng makikita rito. Sinubukan kong maglakad ngunit mukhang wala naman akong mapupuntahan. Takbo lang ako nang takbo hanggang sa may Makita ako'ng liwanag. Nakita ko sina ate at kuya na naroon. At dahil sa sigla ko ay mas binilisan ko pa ang pagtakbo upang mayakap sila.

Malapit ko na sila maabot. Habang palapit nang palapit ay doon din mas lumiwanag na lumiwanag ang ilaw. Nang malapit na ako sa kanila, bigla nalang nagbago ang anyo nila at ngayon ay umiiyak na sila ng dugo. Katulad ng mga multo. Katulad, nila.

"Hindi. Hindi! Hindi kayo ang mga kuya ko!" Ngunit huli na. Huli na nang maabot nila ang kamay ko at inihila ako. Ipinikit ko nalang lamang ang mata ko para sa susunod na mangyayari

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon