XII - Key

19 2 1
                                    


Hindi pa rin ako makapaniwala sa nakita ko kanina. Napaawang ang bibig ko na nakatingin sa kanya na ngayon ay natutululog na sa sahig. Ang paso na nakita ko sa kanyang pulso ay ang simbolong nakaukit sa susing 'yon.

Kinuha ko ang kamay niya at ipinalibot sa'king balikat. Dahan dahan akong tumayo para hindi siya magising at maidala siya sa isang sopa dito. Nahihirapan akong bitbitin siya sa bigat na angkop niya. Inihiga ko siya ditoat napaubo ako nang lumipad sa 'kin ang iilang alikabok dito.

Iniwagayway ko ang kamay ko sa harap ng aking mukha na umuubo pa rin. Bakit ba kasi napaksensitibo ng ilong ko? Nakakainis. Tiningnan ko ulit siyang natutulog ng mahimbing. Ano ba 'ng nangyayari sa kanya at ba 't bigla siyang nagkaganun? Hindi ko siya maintindihan. Saka ano ba 'ng meron do'n sa kanyang pulseras at bigla nalang 'yon lumiwanag katulad ng...akin. Hindi kaya katulad kami ng kapalaran kaya 't nandito rin siya?

Lumuhod ako sa harap ng sofa at tiningnan ng mabuti ang kanyang pulseras. Napakurap ako nang makita ang pangalan niyang nakaukit dito.

Jason

At sa gitna din nito ay ang mumunting bituin katulad ng sa susing 'yon. May palawit siyang balumbon sa gitna. Posible bang sa kanya nga nanggaling 'to at nakalimutan lang ulit kung kailan niya 'to nakuha? Pero ang sabi niya kanina 'y hindi daw 'to sa kanya at nagising nalang siya na suot ito. Kung hindi sa kanya 'to eh bakit nakaukit ang pangalan niya dito? Jason... Nagsinungaling ka ba sa 'kin? Bakit? Anong sikreto ang tinatago mo at nagawa mo 'tong maitago sa 'kin? Anong meron sa pangalan mo at halos nagiging malambot ang puso ko sa tuwing iniisip ko ang pangalan mo? Sino ka ba talaga at kaano ano ba kita?

Tiningnan ko ulit ang mukha niya. Napakunot ang aking noo. Halos hindi maipinta ang hitsura ko sa 'king naalala. Pakiramdam ko na nakita ko na ang mukha niya no'n. Halos makahawig sila at talaga nga naman na napakapamilyar niya. Hindi. Napailing ako. Magkalayo ang edad nila para mangyari 'yon.

Tumayo ako mula sa aking pagluhod at naglakad patungo sa lugar na 'yon kung san ko naiwan ang susi. Tiningnan ko 'yon ng maigi. Sinusubukan kong tandaan kung may nakita rin ba akong simbolo na ganito pero wala talaga. Sadyang ngayon ko lang talaga 'to nakita.

Bumalik ulit ako sa harapan niya at itinapat ang susi do'n. Sinisugurado ko kungtalaga bang magkatugma sila. Bumilis ang tibok ng puso ko. Lumamig ang tumutulo kong pawis kahit na naiinitan ko. Lumiwanag ang susi at tumutok ang ilaw na 'to sa isang pader.

Bakit diyan niya 'to itinuro?

Tumayo ako at naglakad patungo do'n. Ngayon ko lang napagtanto na isa rin pala siyang pintuan. Katulad ng pintuan nung hinahabol ako. Hindi mo rin siya mahahalata kaagad sapagkat sa magkakulay sila ng kanyang komposisyon.

Ngunit nakakapagtaka lang at wala ito bulso. Alam kong isa itong pinto kaya't paanong nangyari na wala itong bulso? Kung wala itong bulso eh para saan pa ang susing ito? Siguro... Itinulak ko angpinto at tama nga ako. Isa nga siyang pinto kung saan mabubuksan at maisasarado mo lang sa loob ng kuwartong ito.

Bumukas ng konti. Sa tingin ko 'y may harang ito sa hirap ng pagtulak ko dito. Inilagay ko muna ang susi sa bulsa ng aking tsaketa at itinulak muli ang pinto ng buong lakas. Sumasakit na ang braso at likod pero kahit konti manlang ay hindi ito mabuksan buksan.

Nakakainis! Gawa ba sa bakal ang pintong 'to o sadya bang mabigat ang ginamit ng taong'yon pangharang dito? Lumayo ako ng konti sa pintong 'yon. Inihanda ko ang sarili ko at tumakbo patungo sa pintong 'yon.

Malakas ang tunog na inilikha ko nang bumagsak ako sa sahig kasama nag pagbukas ng pintong 'yon. Napahawak ako sa 'king braso. Tch. Sigurado ako na nasira na ang buto sa ginawa kong 'yon. mabuti nalang at hindi ang ulo koang unang bumagsak kundi matutulad na rin ako sa Jason na 'yon. Tiningnan ko ulit ang pintuan. Halos manlaki ang mata ko nang mkita na wala itong harang. Tama nga ako na sa loob lang ito puwedeng buksan nang makita ko ang bulso. Ang ipinagtaka ko lang eh kung bakit bigla nalang siya bumukas ng ganun kadali? Ibig sabihin ba no'n eh may humaharang dito kanina pa? Teka- kung may humaharang dito ibig sabihin ba ay? Tumayo kaagad ako at sinuri ang kuwartong ito.

Kumislap ang aking mata at napaawang ang labi ko nang makita ang mga libro na nandito. napakadami nila. Parang isa siyang aklatan sa 'ming eskuwelahan ngunit mas malawak ang narito. Para siyang kalituhan pero bukod doon ay wala akong makikitang bakas na bintana o pintuan. Hind ko alam kung ilang oras na ang lumipas sa pagkaaliw kong makakita ng ganitong karaming libro. Nahahati siya sa iba't ibang klase na dyanra. Mayroong kathambuhay at meron ding wala.

Muntik ko nang makalimutan na kailangan ko pa pala hanapin ang taong 'yon na humarang sa 'kin. Kinalog ko ang ulo ko. Kailangan kong magpokus. Tumkbo ako. Hanggang sa bumalik muli ako sa kung saan ako nag-umpisa. Kaharap ko ang pinto at kitang kita ko mula dito si Jason na natutulog parin. Nakaawang pa ang bibig niya. Napailing ako. Sa'n na ba 'yon?

Napapikit ako. Kailangan kong muna magpahinga ng sandali. Lumingon ulit ako at do'n may nakita akong lamesa. Bumibigat ang mata ko habang lumalapit ako do'n. May libro ang nakalagay do'n. Kun'di ay isang talaarawan. May kahawig din siya. Hindi ko alam. Inaantok na ako para basahin 'yon. Tumigil ang mata ko sa isang sulat na nakaipit. Kinuha ko 'yon mula doon at ibinasa 'yon ng mabuti.

Pellonite

Pellonite. Pellonite. Sino ka ba talaga? Ikaw ba ang humarang sa 'kin? Kung sa ganun, bakit? Bakit ang dami niyong sikreto na itinatago sa 'kin. Unti-unting pumipikit ang aking mata. May isang pigura ang papalapit sa akin bago ako tuluyang nahulog.

"Annie."

Kadiliman. Walaakong makikita kun'di kadiliman. Nanginginig ako. Nahihirapan akong tingnan kung ano nga ba ang naroroon sa paligid ko. Biglang lumiwanag. Napapikit ako ng mata habang sinasanay ang sarili na ayusin ang paningin ko.

Dumilim ulit at ang nagsisilbing liwanag nalang ay ang ansa gitna. May isang upuan sa gitna. May isang pigurin ang nasa taas nito. Wala akong naramdaman kun 'di takot. Takot na malaman kung ano ito. Kapag mag-isa na ako. At lahat sila 'y tinalikuran ako. Walang ibang makakasama kun'di ako lang.

Inihigpit ko ang pagkapit ko sa 'king diyaket. Napakalamig. Kahit ang sahig ay napakalamig mas lalo na 't nakapaa lang ako. Naguguluhan ako kung bakit napakalamig gayon wala namang hangin ang naririto. Kitang kita ko ang usok sa harapan ng mukha ko sa tuwing ako'y nahihirapang huminga.

Nanginginig na rin ang tuhod ko hanggang sa hindi ko na nakayanan at napaupo nalang sa sahig. Nakatungo lang ako habang tinitingnan ang itim na sahig.

"Kung hindi dahil sayo eh di sana masira lahat ng plano ko!" sigaw ng isang pigurine. Mayroong lumalabas na dugo mula sa kanyang mga mata.

Napatakip ako ng tenga ko sa lakas at tinis ng boses niya. Napapikit ako. Naramdaman kong nagsituluan ang mga luha ko 't bumagsak sa malamig na sahig. Dumudugo ang pigurin. Rinig ko ang malakas nitong pagpatak kasabay ng sigaw niya.

Mayroong nagsilabasan na anino sa likuran niya 't sinakal ko. Hindi ko siya mahawakan ngunit nahahawakan niya ako. Umaangat ako hanggang sa hindi ko na maramdaman ang malamig na sahigmula sa 'king mga paa. Siguro ito na ang katapusan ko. Susuko na ako. Hinayaan ko siyang kuhanin ako ng hininga. Unti-unti na rin nawawala ang paningin ko.

Kung saan handa na akong sumuko 'y doon din siya lumiwanag. Na siyang dahilan ng paglaho ng mga aninong sumasakal sa 'kin. At ang liwanag na 'yon ay nanggaling... sa akin.

Naramdaman 'kong may kumakalog sa buong katawan ko ngunit nahihirapan na akong huminga. Nahihirapan akong sumuri kung ano ang totoo sa hindi.


HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon