XVI - Their Fight

13 2 0
                                    

Lumilipad lang si Andy sa ere habang sinusundan siya ng mga tagabantay na multo sa likod niya. Lumingon siya dito upang tingnan kung ilan sila't napamura nalang nang makita kung gaano sila kadami. Mas binilisan niya ang paglipad niya ngunit kahit anong bilis ang gawin niya mas lalo lang dumadami ang mga multo na humahabol sa kanya. Lumusot man siya sa dingding ay wala pa rin 'yong saysay dahil sinusundan pa rin siya ng mga ito kahit anong gawin niya. Mas lalo na't dumadagdag lang ang sumusunod sa kanya nang dahil sa mga multo na naroroon din sa itaas. Nakakabingi ang ingay na nililikha nila. Na para bang kinakalmot ang isang pisara sa tinis ng boses nila.

"Nakakainis. Hindi ba sila mauubos? Sobrang dami naman 'ata nila," sabi nito sa isipan niya. Hindi niya alam kung paano siya makawala sa mga multong 'yon, mas lalo na't mayroon pa siyang kailangang asikasuhin pagkataposng lahat ng 'yon. 

Nanlaki ang mata niya nang makita niya ang ate niya na nasa tabi niya ngayon. 'Anong ginagawa niya dito?' sabi nito sa isipan niya. Bumagal ang lipad niya nang mapagtanto niya ang niya kung sino 'to, sa s'yang bumigay ng pagkakataon para sa mga humahabol sa kanya na hablutin ang paa nito. 

Nang mapagtanto nito sa nangyari'y sinipa niya ang multo sa mukha at humabol ito sa bilis ng ate niya.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong nito sa ate niya. Nakakunot ang noo na tila ba'ng hindi pa rin na nandito nga ito ngayon, sa tabi niya.

"Wala akong oras magpaliwanag sayo ngayon. Basta ba't asikasuhin momuna ang problemang inilikha mo ngayon!" sigaw nito sa kanya. Diretso lang ang tingin nito habang nag-iisip ng paraan para mawala sila sa paningin nila. 

"Paano nalang si Annie? Iniwan mo nalang ba siya do'n na nag-iisa?" nanlalaki niyang mata na tanong dito. Umiling ang ate niya habang nakakunot ang noo. Hindi inaalis ang diretsong tingin nito.

"Kaya na no'n ang sarili niya, mag tiwala ka lang. May kailangan lang naman akong asikasuhin no'n kung ba't ko 'yon nagawa. Pero huwag  kang mag-alala, alam kong nasa ligtas na siyang lugar ngayon," paninigurado nito sa kanya. Tiningnan lang siya ng kapatid nito saka bumuntong hininga.

"Kung totooo ang sinasabi mo, sige. Pinagkatiwalaan na kita. Pero anong plano mo dito ngayon? Mas lalo na't isiniksik mo ang ang sarili sa gulong ito?" saad nito sa kapatid niya. Ngunit hindi pa rin siya makapaniwala na nagawa niya nga talaga 'yon. hindi pa siya sigurado kung talaga ngang ligtas na ang kapatid nila.

"Dapat nga'ng magpasalamat ka pa sa'kin dahil nag aksaya pa ako na tulungan ka sa baliw mong plano na 'to," napailing ito, "pero ang plano ko sana sa ngayon ay ligawan sila kung baka sakali'y mabawsan sila at kapag nagawa natin 'yon ay lalabanan natin sila ng isa't-isa."

"Paano naman natin gagawin 'yon?"

"Simple. Maghihiwalay lang naman tayo ng tatahakin na daan. Sa dulo ng pasilyo na 'to ay may dalawang daanan at do'n tayo maghihiwalay. Sa kanan ka pupunta at sa kaliwa naman ako. Naiintindihn mo?" tanong nito sa kanya at tiningnan ng maigi ang mukha. Lumingon ito sa kanya at tumango bilang sagot.

Nang makaabot na sila sa dulo'y sabay silang humiwalay sa isa't-isa. Tiningnan ulit ni Andy ang likod niya't nanlakiang mata na hindi pa rin sila nababawasan kun'di nanatili lang silang lahat ng dami bago pa man nakapunt do'n si Amy sa tabi niya.

"Hindi gumana ang plano mo!" pagbibintang nito sa ate niya. 

"Tumahimik ka nga muna! Naghahanap pa ako ng paraan para mawala sila!" pagbabalik ng sigaw ng ate nito sa kanya. 

'Bakit hindi nila ako hinabol? Si Andy lang ba talaga ang pakay nila?'  sabi ni Amy sa isispan niya. 'Yung kuwarto."

'Kapag nakaabot ka ulit sa dulo'y subukan mong lumipad sa ilalim!' sigaw nito sa isipan niya.

"Bakit?" tanong nito sa ate niyana mayroong pagdududa sa isipan niya.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon