XX - Strangers

30 1 2
                                    

Hindi ako kumirap. Nakapako ang mga paa ko sa sahig. Inaaning siya ng mabuti para maapagtanto kung sino 'yon. Hindi kaya si lola 'yon? Napakunot ako at hinakbang ang isang paa ko. Pero imposible. Hindi ganun ang boses niya, hindi umiilaw ng kulay pula ang mga mata niya. Napailing ako at umatras.

"Ano ang kailangan mo?" Malamig ang aking pagkasambit ng salitang 'yon. Iniwas ang nakatingin niyang mata sa 'kin.

"Wala. Gusto lang naman kita kausapin tungkol sa 'yong problema."

Hindi ko man siya nakikita'y alam ko'ng nakangiti siya habang sinasbi ang mga salitang 'yon. Napkabagal ngunit napkatinis. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Tumungo ako, nanginginig. Pinapawisan bagkus sa malamig na klima na mayroon kami ngayon.

"Wala akong problema. Kaya puwede ba? Sabihin mo na ngayon kung sino ka at kung ano talaga ang balak mo ngayon dito kun'di ipapatawag kita," nakakainis! Hindi ko maintindihan kung bakit ako nanginginig kapag kinakausp siya! Gusto kong suntukin ang sarili ko sa inasal ko pero bakit? Sino ba siya?! Narinig ko siyang tumawa ng bahagya. Napangiwi ako sa tinis rin ng tawa na meron siya. Biglang bumilis at lumakas ang kabog ng puso ko.

"Napaka bata mo pa para pagsalitaan ako ng ganyan. Nakakahanga ka rin eh noh? Nakakatuwa. Hindi ko alam kung ilang tao na ang lumipas nang may sumagot sa 'kin ng ganyan," tumigil siya pero maya maya tumawa ulit ito. Halos tumaas lahat ng balahibo ko sa kanyang pananalita, "teka lang, may naalala ako. Oo nga pala, nakalimutan ko. Parang kailan lang, ganyan din magsalita ang kuya mo sa akin. Huwag mong sabihin na nakuha mo ang ugaling 'yan sa kuya mo?"

Nanaki ang mata. Humahapdi ang aking mata sa mga luhang namumuo dito. Napahawak ako sa 'king dibdib, nahihirapang huminga. Hindi ako nagsalita. Natatakot na sa isip na bigla silang lahat pumatak mula sa 'king mga mata. Paano niya nalaman ang tungkol sa kanya?

"Ano, tinamaan ka ba sa sinabi ko tungkol sayo? O natatakot kang malaman sa lahat ng sikreto na iyong matuklasan mula sa akin?" Napangisi siya, "sabihin mo. Bakit ka nga ba natatakot? Hindi ka pa ba napapagod sa iyong katatakbo?"

Hindi ko siya sinagot. Sinusubuka mang buksan ang aking bibig ay hindi magawa. Nanginginig. Naramdaman kong pumatak ang akinh isang luha ko mula sa mga mata.

"Anna?"

Hindi ako lumingon at nanatili lang na nakatungo. Nakahawak pa rin ang mga kamay sa puso kong 'to. Naramdaman ko siyang yumakap sa akin. Tinaas ko ang tingin sa harapan, nanlaki ang mata nang makita siyang unti-unting nawawala. Inilibot ko ang sarili sa paligid, hinahanap na aking mata ang sa kanya. Hindi mawari kung tuluyan na ba siya lumaho o nagtatago lang mula sa mga tingin ko. Tumataas-baba ang aking mga balikat. Nararamdaman ang hapdi na namumula sa naluluhang mga mata.

"Ano ang nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Umalis lang ako saglit para may kunin sa itaas pero pagbalik ko eh nakita nalang kitang umiiyak. Sabihin mo, sino ang gumawa sayo nito? Ang kuya mo na naman ba?" natataranta niyang tanong. Nanatili akong tahimik.

Paano niya siya nakilala? Nagkita rin ba sila katulad ng pagkikita namin? Kung ganun... paano? Huwag mong sabihin na siya ang dahilan ng gulong hinaharap namin ngayon? Ikinuyom ko ang aking mga kamay at huminga ng malalim. Walang mangyayari kung mananatili akong ganito. Kailangan ko silang mahanap sa mabilisang panahon.

Inalis ko ang kamay ko mula sa kanya at naglakad patungo sa hagdan ng aming bahay.
Nadatanan ko siyang nakatingin pa rin sa multo at ganun din ang babaeng multo sa kanya. Anong nangyayari sa kanilang dalawa?

"Kuya!"

Tawag ko sa kanya. Kung gaano kabilis ang pag-ihip ng hangin ay ganun din ang pagputol ng titigan nila sa isa't-isa. Tiningnan ko siya ng diretso sa mata.

"Marami kang kailangan na ipaliwanag sa akin, ngayon din."

Napakunot siya, "ano ang pinagsasabi mo diyan?"

"Yung tao- o multo, hindi ko alam kung sino o ano man 'yon. Ngunit nag-umpisa akong kabahan at magduda magmula nang sinabi niyang nag-usap na kayong dalawa. Ano ang pinag-uusapan niyo at bakit parang napakarami siyang alam tungkol sa 'kin? Sa'tin? Ano ba talaga ang nangyari nung panahong namatay sila mama at papa?"

Hindi pa siya nakasagot at nanatili lang na nakatitig sa akin, nakatulala. Na tila ba isang baliw ang kaharap nito. Nakaawang ang mga bibig habang nakakunot ang noo. Hanggang sa unti unti nang lumaki ang kanyang mga mata na animo'y may bigla siyang naalala.

"N-nagpakita siya sayo? Sigurado ka" Nauutal nitong sabi.

"Sasayangin ko lang ba ang ating oras at sasabihin ang lahat ng ito kung magsisinungalin lang din naman ako? Sabihin mo sa akin kuya, ano nga ba tunay na nangyari at ano-ano ang mga napag-usapan niyo? Ayoko nang magpaligoy-ligoy dahil nasasayanb lang ang oras natin. May tinatago ka ba?" Umiwas siya sa akin ng tingin.

Sa bawat sandalung lumipas ay nanatili lang kaming lahat na tahimik. Na kahit ang multo na nakilala lang mamin ng ilang sandalu ay nagmamatyag lang din sa amin. Na ang tunog lamang ng mga dumaraang hangin at dahon ang maririnig mo sa namumuong atmospera sa among pagitan.

Iniwas ko sa kanya ang tingin at binalik ito sa kalangitan. Unti-unti nang tumataas ang sikat ng araw. Unti-unting bumabalik ang pamilyar na kulay sa kalangitan na siyang pinagmamasdan ko noong ako'y bata pa lamang. Ibinalik ko ulit ang tingin sa kanya. Kitang kita ko na ngayon ang maaliwaswas niyang mukha.

"Ngunit ang totoong tanong ay, sino ka nga ba talaga," tumingin na rin siya sa akin at kitang kita ko na ngayon ang tunay niyang kulay sa kanyang mga mata. Ngumiti ako, "Jason?"

Nasa itaas na ulit kami ngayon ng bahay. Pinagmamasdan ang mga nagsiliparan na mga ibon, ang iilan ay nanatiling bumabantay sa kanilang mga anak, hinehele ang mga ito sa isang matinis ngunit napakagandang tinig.

Napapikiy ako, dinadama ang bawat sining na tono na nagmumula sa kanila. Isang napakapamilyar na tinig na hinding-hindi ko pagsasawaing pakinggan. Hindi mawari kung kailan ito huling narinig.

"Sundin mo ako," bigla kong inimulat ang mga mata nang marinig ang boses niya. Siniko ako nang katabi kong si Jason at itinuro si kuya. Napahawak ako sa 'king puso nang bigla itong tumibok ng napakabilis, pinagpawisan.

Huminga ako ng malalim nang mawala ang kabang naramdaman at sumunod sa kanya nang nakayuko.

"Paano mo maakyat abg hagdan kung nakyuko ka?"

Ipinalibot ko ang mata sa kanya at sinimulan na ang pag-akyat ng hagdan. Napakadilim at maalikabok kaya't medyo nahihirapan akong huminga. Hindi nagtagal nang narinig kong may umaakyat din kasunod ko.
Mas binilisan ko ang hakbang ng paa sa bawat plaka, lumilikha ng tunog, natatakot na baka masira ang mga 'to sa tagal na rin ng panahon na hindi ito nagagamit.

Nakahinga ako nang maluwag na makaabot ako doon. Nagpalinga linga ako sa 'king kapaligiran at napaagtanro na sa bubong pala kami.

"So... ano na ang gusto mong sabihin, kuya?"

Nakita ko siyang napabuntong hininga sa gilid. Napatalon pa si Jason sa bigla niyang pag lutang doon.

"Yun nga ang problema Anna. Ang totoo niyan ay, hindi mo talaga ako kuya. Tito mo ako."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 02, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon