XIV - Wide Awake

29 3 1
                                    


Annie's POV

Kanina pa ako nakikinig sa kanila pagkatapos kong magising mula sa 'king matingkad na panaginip. Bahagyang nakabukas ang mga mata ko habang inaalala 'yon. Sino ba talaga siya? Anong ginawa ko sa kanya at lubos nag galit niya sa 'kin?

Hindi ako umilikha ng kahit anong galaw at nanatili lang ganito. Nakatulala sa kisame. Kahit kailan ay ayaw ko nang matulog muli. Natatakot akong ipikit ang mata ko at makita siya. May tumulong luha sa kaliwa kong mata. Tumitibok ng malakas ang puso ko. Nanginginig. Iniyakap ko ang sarili.

"Annie," sigaw ni kuya at tumakbopapunta sa akin. iniyakap niya ako ng mahigpit at ibinalik ko ito sa kanya. Inilabas ko ang lahat ng naramdaman ko sa kanya. Patuloy pa rin umaagos ang aking mga luha.

"Shh, magiging maayos din ang lahat. Magtiwala ka lang. Nandito na kami. Hindi ka na naman hahayaan masaktan muli. Umiiyak lang ako. Humihikbi. Pinapakalma ang sarili sapagkat ayaw ko silang mag-alala sa akin.

Ilang segundo- minuto ang lumipas at napatigil na rin ako. Nanatili pa rin sa kanyan nakayakap. Natatakot sa posibilidad na mangyari sa akin. Sana nga ay isa lang itong panaginip, na hindikilan man nangyari. Pero heto nga ako. Gising na gising. May mga sugat pa sa kamay. Nakatingin lang sa kawalan. Kailan nga ba matatapos 'to?

Humiwalay ako kay kuya t umupo sa higaan. Nanlaki ang mata ko nang makita si Jason na nakatingin sa akin. Na katulad din ng sa akin ay malaki rin ang mata. Nakaawang ang bibig niya. Na tila ba hindi makapaniwala sa iniisip niya.

Mukhang nagising na siya sa isipan niya dahil umiwas siya ng tingin sa akin. Namamalikmata lang ba ako? O talaga nga na umilaw ang pulseras niya? Pangalawang pagkakataon na 'to nangyari kaya't siguro totoo nga. Pero bakit? Mukhang napansin ni kuya ang tinitingnan ko kaya 't tiningnan niya din 'yon.

"Jason, saan mo nakuha 'yan?" tanong sa kanya ni kuya. Nakunot ang noo niya.

Hindi siya lumingon sa kanya at sinabing, "nakita ko lang 'to nang magising ako. 'Yun lang. Wala na tapos akong alam pagkatapos."

"Ibig sabihin ba ay may bumigay o lumagay sayo n'yan?"

"Hindi ako sigurado," sabi niya na nakayuko.

"Anong hindi ka sigurado?"

"Hindi ko alam. Hindi ako sigurado! Bakit ba ayaw mong maniwala sa akin?!" ngayon ay napalingon na siya dito at malakas na sinuntok ang sahig. Hindi ko naman siya maisisi. Mahirap naman talaga ang mag kumbinsi ng tao mas lalo na 't hindi pa rin ito naniniwala.

Napatingin ako kay kuya. Lumaki ang mata ko at napataas ng kilay nang makita siyang hindi galit. Kumalma siya ngayon at mariin lang ang pagtingin niya sa sahig.

"Kung ganun," tumigil siya, "siguro kailangan na natin hanapin ang bumiga niyan sayo. Hindi ordinaryong pulseras ang naroroon sayo. Kakaiba 'yan. Espesyal. Siguraduhin mo lang na huwag 'yan i-alis sa kamay mo kundi malalagot ka."

"Huwag kang mag-alala. Sinubukan ko na 'yan at hindi naman siya maialis alis," kumalma na rin siya katulad ni kuya. Pero maya maya ay napakunot na rin siya katulad ko, "pero ano ba talaga ang meron sa pulseras na 'to at talagang napaka espesyal niya?"

"Ang kuwintas na 'ya ang nagpoprotekte sayo. 'Yan and dahilan kung bakit hindi ka nila nakuha. Hindi ko alam kung saan mo 'yan nakuha o kung sino niyan ng bigay sayo, pero sa ngayon ay kailangan mo mag-ingat. Hindi tayo sigurado kung ano ang puwedeng magagawa niyan," pinanliitan niya 'to ng mata umiwas ng tingin.

Yumuko si Jason at tiningnan ang kanyang pulso kung saan naroroon and pulseras at ang natamo niyang paso na mayroong napaka misteryosong simbolo. Teka- yung simbolo. Yung pag-alis nila.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon