IIX - Tulong

19 1 1
                                    

"Tch! Sa tinggin mo ba may pakialam pa ako diyan kuya? Mas importante pa ba siya diyan kesa kay ate? Kuya naman oh! Puwede ba kahit ngayon lang eh huwag  muna natin siyang pag-usapan?" Paano nalang ako? Bakit palagj nalang sila?

"Hindi mo siya kilala Annie. At hindi ibig sabihin  nun na wala na akong pakialam kay ate. Nagulat lang naman ako."

"Isang letter lang  naman 'yan kuya eh. Ganun ba talaga kahalaga kesa sa kanya? Hindi ba siya ang dahilan kung bakit tayo narito ngayon? Kung bakit tayo nasali  sa kaguluhang iginawa niya? Kung bakit narito kayo, tayo sa sitwasyon na 'to ngayon?" naiinis kong tanong sa kanya. Hindi oarin inaalis ang tingin sa kanyang mga mata.

"Wala kang alam. Saka hindi niya kasalanan kung bakit tayo narito ngayon," mariin ang pagsagot niya sa akin. Argh!  Kung hindi siya, sino?
"Bahala ka nga diyan," naiinis kong sambit. Tumalikod ako sa kanya at ngayon ko lang naunawaan na nandito pala si lola. Nakikinig sa amin. Argh! Ano nang gagawin ko?!  Ang galing ko talaga. Ang galing ko talagang manakit! Kakabati pa nga lang namin at heto nanaman ako. Sinira ito. Nakita ko ang sakit na naramdaman niya sa kanyang mata ngunit iniwas ko lang ang tingin ko dito at umalis. Binuksan ko ang pintuan at bumaba ng hagdan. Pumunta ako sa sa isang malapit na puno at umupo sa ilalim nito. Naiinis. Sinuguradong  hindi niya ako makikita mula sa bintana. Madilim na ngayon at ang nagsisilbing ilaw lang ay ang liwanag na namumula sa buwan at ang ilaw mula sa bahay na 'yon. Akalain mo nga naman na umaandar parin siya hanggang ngayon.

Maraming bituin ngayon. May naalala ako. Ang apat na simbolo. Oo nga pala, nakalimutan kong kailangan pa pala namin makuha ang naiwang tatlo. Sa gulong namumuo ngayon...hindu na ako sigurado kung makukuha pa namin 'yon.

Tiningnan ko ang kuwintas o ang medallion na ibinigay sa akin ni lolo. Mapakla akong tumawa. Kung hindi siguro dahil dito baka wala na kami sa sitwasyon namin ngayon. Masayang naglalaro kasama ang mga magulang namin. I miss  them.  Bakit kasi kailangan mapunta ito sa ganito? Bakit kami pa? Napakadaya talaga ang ihip ng hangin.

Tulong

Sino 'yun? Napalingon ako sa likod ko. Wala namang tao dito kun 'di ako ah? Tiningnan ko ang bintana upang maisigurado na sina kuya lang 'yon pero hindi rin. Nakita ko sa bintana na nag-uusap sila ni lola. Himdi ko alam kung tungkol sa ano pero sigurado alo na ako 'yon. Tsk.

Tulungan mo ako

Sino ba 'yan? Natatakot na ako. Hindi lang dahil sa boses na tumatawag sa akin kun 'di nang dahil na rim sa dumidilim na rin ang gabi. Unti-unti na nawawala ang mga bituin at natatabunan na rjn ng mga ulap ang buwan. Kahit isipin ko pang may ilaw akong namumula sa aming bahay ay hindi pa rin ito sapat.

Nakita kong may isang liwanag ang namumula sa harapan ko at medyo giniginaw na rin ako sa biglang pagbaba ng temperetura dito. Iniyakap ko ang aking sarili. Ano bang nangyayari?!

Lumiwanag ang kuwintas. Medyo uminit na rin ng konte at mas naaning ko na ngayon ang mukha ng babae sa harapan ko dulot ng liwanag na namumula sa kuwintas ko.

Sino siya?

...

Umalis si Annie mula sa kuwartong ito at malakas na isinarado ang pinto. Tiningnan ko si ate kung nagising ba siya at laking pasasalamat ko na hindi siya nagising. Tiningnan ko si lola. Nakatungo siya ngayon. May nakikita akong mga patak na luha na nagmumula sa mata niya. Napabuntong hininga ako.

"Sorry po 'la sa ginawa namin kanina. Sorry po kung nasaktan kayo," nahihiya kong sabi sa kanya.

"Hindi, okay lang 'yon. Sa tingin ko nga ay kay Annie ka kailangan humingi ng tulong eh," tumawa siya. 

Napabuntong hininga ako. Siguro nga. Napadala lang siguro ako sa 'king emosyon nung makita ko ang letter ni lolo. Matagal na rin kasi nung huli kaming nagkita at nag-usap muli. Tiningnan ko ang sulat sa kamay ko. 

Naglakad papunta sa akin si lola at hinawakan ang balikat ko. Matamis siyang ngumiti. 

"Alam mo Andy,  hindi mo naman kailangan pilitin si Annie sa isang bagay na ayaw niyang gawin. Paano kung... hayaan mo muna siyang magpahinga. Bigyan mo siya ng oras sa pag gawa ng desisyon. Intindihin mo siya. Alam mo naman na bago palang siya dito at  nalilito pa siya sa mga bagay na nangyayari sa paligid niya. Alam kong mareresolba niyo rin 'yan." 

Medyo gumaan ang pakiramdam ko nang sabihin niya 'yon sa 'kin. Siguro nga kailangan pa muna namin magpahinga sa ngayon. Kahit ako na rin naman ay napapagod sa lahat ng kaguluhang nangyayari dito. Ngumiti ako sa kanya.

"Sige po 'la. Salamat nga po pala."

"Wala 'yon. Ang gusto ko lang naman ay magmahalin kayong magkapatid at hindi nag-aaway ay masaya na ako." Niyakap niya ako. Ibinalik ko rin ang yakap sa kanya kahit na hindi niya 'yon maramdam. Kahit na hindi niya 'yon maramdaman, alam ko na alam din niya ang ibig kong ipahinapahiwatig sa kanya. Kumalas na siya ng yakap sa akin. Umupo sa tabi ni ate na ngayon ay natutulog pa.

"Patawad ate."

Umupo rin ako sa tabi niya kung saan malapit sa akin ang bintana. May isang bagay akong naramdaman sa gilid ko. Isa siyang talaarawan. Napakunot ang noo ko. Paano 'to napunta dito? Sa pagkakaalam ko'y matagal na itong nawala at wala na ang nakakahanap dito ng ilang taon. 

Si Annie?

Saan niya 'to nahanap? Pa-paano? Tumayo ako. Tiningan ang sahig upang maisigurado na mayroon pang ganito pero wala na. May nahulog mula sa talaarawan.

For Pelonite

Iyan ang nakasulat sa papel at ang mga letra na rin nito na nakasulat ay kumukupas na. Sino ba si Pelonite? Tumingin ako sa labas ng bintana. Doon ko nakita si Annie, palapit sa isang liwanag malamit sa bato kung saan may bangin sa gitna dito.

"Annie!" sigaw ko. Tumakbo ako. Binuksan ko ang pintuan at mabilis na bumaba ng hagdan. Malapit na siya sa bangin nang hilahin ko ang kamay niya palayo doon at iniyakap siya ng mahigpit. Nanginginig sa takot. Naramdaman ko ang pagpatak ng luha niya.  Subali't mabilis itong natutuyo dulot ng hangin galing sa akin.

"Sorry."


Hello? T_T ^^

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon