XIII - Their Return (Update)

20 2 0
                                    


Napahawak ako sa 'king ulo nang magising ako. Napakasakit nito na para bang mayroong dumadalaw ditong kuryente. Tumataginting. Nanlalabo pa ang mata ko habang sinusubukan ko itong buksan. Nasaan ba ako? Bakit hindi ako makaalala? Napapikit ako. Napayuko. Hinihiling na sana mawala na ang sakit sa ulo.

"Annie."

Si Annie. Napalaki ang mata ko nang maalala ko siya. Itinulak ko ang sarili ko sa sopa ngunit biglang sumakit ang kamay ko na siyang dahilan ng pagkahulog ko sa sahig. Argh! Napasigaw ako sa sobrang hapdi na naramdaman ko sa 'king pulsuhan. Ano ba ito?

Napangiwi ako nang may nakita akong sunog na marka do'n. Napakunot ang noo ko. Bakit ako mayrong gan'to? Ano bang nangyayari? Napapikit muli ako. Sinusubukang alalahanin ang nakalipas. Nung panahon na ako'y bata palang. Pero kahit anong pilit ko'y hindi ko pa rin talaga matandaan ang aking nakaraan. Ano ba ang nangyayari?

"Argh!"

Napasuntok ako sa sahig gamit ang kabilang kamay ko. Kumirot ito. Pero wala na akong pakialam. Mas masakit pa ang ulo ko kesa dito. Na kahit anong pilit ko 'y walang pumupunta sa 'kin. Mabigat ang paghinga ko. Alam ko sa puso ko na hindi lang basta basta si Annie. Mayroon sa loob ko na nagsasabi na kailangan ko siyang tulungan sa kanyang pagsubok kahit na sandali lang kaming magkakilala. Hindi ko alam kung ano 'yon pero susubukan ko. Alam kong malalaman ko rin ang katotohanan kung bakit ako nandito. Kung bakit ako napuntasa gan'tong klase na lugar.

Ikinalma ko muna ang sarili ko. Alam kong kailangan ko muna kalmahin ang puso 't isipan ko kung gusto ko siyang tulungan. Nanatili lang akong nakaupo. Umaasa na matapos na 'to. Nang mawala na ang sakit ay tumayo ako. Kumirot siya ng konti ngunit ko ito pinansin. Kailangan ko muna siyang hanapin. Inilibot ko ang aking mata nang luminaw ang mata ko. Tumigil ang tingin ko sa isang bukas na pintuan. Linaputan ko ito at napatigil nang makita si Annie na natutulog. Lumamig ang pawis ko nang may nakita akong itim na anino sa likod niya.

"Annie!" sigaw ko sa kanya. Hinihililing na sana'y magising siya at hindi masaktan. Tumakbo ako patungo sa kanya ngunit sumara bigla ang pinto nang nasa tapat na ako nito. Sinuntok ko ito ng napakalas. Pinagsisipa ng buong puwersa. Sa sobrang galit ko 'y may tumulong luha sa mata ko. Mabilis ko itong pinunasan at mas lalong linakasan ang aking pagsuntok kasama ang sigaw ko na umalingawngaw sa kuwartong ito. Ano bang problema sa pintuang ito? Ba 't ang hirap niyang buksan?!

"Jason?", narinig kong sabi ng isang dalaga. Napatigil akosa 'king ginagawa nguinit nanatilipa rin ako sa ganung puwesto. Ang mga kamay ko nakasandal sa pinto. Nagtitimpi ako sa galit na nag-iipon sa loob ko.

"Sino ka?" malamig kong saad sa kanya.

"Anong ginagawa mo? Puwede bang manahimik ka muna? Kababalik lang namin mula do'n tapos ito ang masaksihan namin? Saka anong ginagawa mo dito, ha? Bumalik ka ba para ano? Sirain ulit ang pagkakatao na 'to para sa amin? Puwede ba? Kung wla kang magawa, umalis ka nalang" isang lalaki naman ngayon ang sumagot, malamig ang huli niyang sinambit sa 'kin. Nanginginig ang kamay ko.

"Kuya, huwag mo siyang pagsalitaan ng ganyan. Alam mo naman na hindi magbabago ang tingin natin sa kanya kahit sabihin mong nagkamali siya," sabi ng dalaga sa lalaki. Ano ba ang pinagsasabi nila?! Kung makapagsalita sila parang wala ako dito ah!

"Kahit na ate. Siguro kung wala din siguro siya dito 'y hindi tayo mapupunta sa sitwasyon natin ngayon," hindi ko man siya nakikita sapagkat nararamdaman ko ang pagkainis niya sa 'kin.

"Andy," banta niya sa lalaki. Narinig kong napabuntong hininga ang dalaga, "Jason, puwede ba na magpaliwanag ka muna sa amin kung bakit ka napunta dito? Wala kaming gagawin na masama sayo basta magpaliwanag ka lang."

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon