XI -Jason

25 2 0
                                    

Tiningnan ko siya mula sa 'king puwesto. Hindi inaalis ang tingin ko sa kanya. Ano ba ang pinagsasabi ni kuya naligtas ang bahay na 'to pero bakit mayroon atang mga multo ang nakalagos dito? Anong ginagawa niya dito at paano siya napunta dito? Paano nalang ang mga multo na 'yon na humabol sa 'kin? Hindi ba 't dapat kasama rin siya sa kanila?

"Teka lang!" itinaas niya ang kanyang mga kamay, " Hindi ako dito para manggulo. Sa totoo nga niyan ay hindi ko rin alam kung paano o bakit din ako napunta dito! Basta 't ang alam ko lang ay nagising na ako sa isang pasilyo. Naguguluhan nga ako kung bakit ako napunta do'n. Naglalakad lang ako no'n hanggang sa may nakita akong pintuan. Kumatok ako do'n nang kumatok pero walang sumasagot sa 'kin. Kaya lang pagbukas ko 'y natagpuan kong walang tao ang naroon. Naglilibot lang ako dito hanggang sa makita ko ang lugar na 'to. Hindi namalayan na nakatulog pala ako. Hanggang sa nagising ako. Sinilip ko ang paligod ko at nakita kita. Hindi muna ako gumawa ng kahit anong ingay at tiningnan ko lang ang ginagawa mo nangmakita mo ako at...heto na tayo,"pagpaliwanag niya sa 'kin, nakataas pa rin ang kanyang mga kamay.

Tiningnan ko ng maigi ang kanyang mga mata. Sinisigurado na hindi siya nagsisinungaling sa 'kin. Diretso din ang tingin niya sa 'kin. Maiisipmo talaga na hindi siya nagsisinungaling bakas sa kanyang mga sinasabi pero hindi pa rin ako makakasiguradokung mapagkatiwalaan ko rin siya. Pagkatapos kong makatagpo ang ganung senaryo 'y mahirap na ulit magtiwala ng tao, kung tao nga talaga siya.

Ngayon ko lang napansin na may hawak pala siyang paper bag at mayroon din itong suot na pulseras. Napansin yata niya ang tingin ko at agad siyang nagpaliwanag sa 'kin.

"Ahh-ano, nakita ko lang ang paper bag na 'to nang magising ako at-"

"Saan mo nakuha ang pulseras na 'yan? At anong laman ng paper bag?" mataimtim kong tanong sa kanya. Hindi ko siya nakita nung una pero nung tinamaan siya ng ilaw ng buwan ay doon ko agad siya nahalata at napansin. Mayroong nakasabit na balumbom do'n. Napakapamilyar ang hugis niya na tila banakita ko na siya no'n.

"Ahh...heto?" itanaas niya ang kanyang kamay namay suot napulseras, "nakita ko lang din 'to nang magising ako. Sinubukan ko nga siyang tanggalin pero sadyang madiin ang pagkakapit niya sa 'kin. At ang laman lang naman ng paper bag ay pagkain. Hindi ko alam kung bakit ito doon pero kinuha ko nalang. Halatang bagong luto palang ito kaya kinuha ko."

Parang sumakit at ang tiyan ko nang marinig siyang binaggit ang salitang pagkain. Aaminin ko ngang nagutom na rin ako sa lahat ng nangyari ngayon. Saka hindi ko na rin alam kung anong oras na ba o kung ilang araw na ang nakalipas. Napakadaming nangyari para aalahanin ko ang oras na nangyayari sa paligid ko.

Kahit sabihin na kaklase ko siya 'y hindi pa rin ako kumbisado sa kanya. Kaklase ko siya no'n mula kindergarten. Pero hindi ko siya pinapansin no'n dahil ayaw kong makipagkaibigan sa mga kaklase ko at ang gusto ko lang ay ang mapag-isa para wala akong problemang mag-alala sa kanila. Pero tingnan mo nga naman ang sitwasyon namin ngayon.

Pero teka? Kung totoo ngang nandito pa siya dito 'y paanong hindi niya ba nakita o napansin manlang na mayroong multo dito o sadyang ako lang talaga ang nakakita sa kanya? Tiningnan ko ulit ang paligid namin. Napakalamig ang ihip ng hangin at napakadilim na siyang nagsisilbing liwanag lang y ang bumbilya mula sa bahay na 'to. 

Nakakainis. Pinutol niya ang pagkakataon kong buksan ang pintuan na 'yon. Tumalikod ako mula sa kanya at iniharap ang pintuan. Napakaluma din ito katuld ng sa itaas. Ipinihit ko ang busol. Nadismaya ako nang makita na wala itong laman kun'di mga lumang kagamitan lamang. 

Saan naman sila pumunta bukod dito? Saka ano naman ang gagawin nila dito at sinabihan pa talaga ako na bantayan si lola gayong wala naman silang gawin dito? Alam kong alam nila na kaya ni lola ang sarili niya mas lalo na 't sinabi ni kuya na protektado kami dito (kahit na 'di ko alam kung paano napunta ang isang 'to) kaya't bakit ayaw nila akong sumama sa kanila? Alam kong may tintago sila. Hindi ako sigurado kung ano pero parang may alam na ako kung ano ito.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon