V - Lola?

36 1 2
                                    

"Hindi!" malakas kong sigaw sa lalaki na nagmamaneho at buong puwersa ko siyang itinulak. Inagaw ko sa kanya ang manibela at ngayo'y ako na angmay hawak dito. Mabilis ang pagtibok ng puso ko't naramdaman ko nalang din pumatak ang mga malalamigkong mga pawis sa mata ko.

Mabilis kong ipinaliko ang sasakyan at iniliko ito upang maiwasan ang pagsunggab namin sa truck. Napahinga ako ng maluwag ng mapagtanto kong naiwasan ko ito. Ngayo'y  sinusubukan ko na itong paandarin na marahan upang makaiwas pa ako sa kahit anong aksidenteng mangyayari muli. Napapikit ako ng mariin habang hinawakan ng mabuti ang manibela.

Biglang bumalik ang kaba ko ng may naramdaman akong may humawak sa akin. Pagkabukas ng mata'y nagulat ako nang makita ang mukha ng lalaki kanina. Ang mata niya'y puno ng galit. Hindi ko alam kung namamalikmata lang rin ba ako at nakita kong mabilis napumula ang kanyang mata't bumalik muli  sa itim.

"Puputulin ko ang ulo mo. Papatayin kita!" malakas niyang sigaw, ngunit parang nabibingi ako dulot ng mabilis at malakas ng pagtibok ng puso ko. Hindi ko narin nagawa pang sigaw dulot sa takot na maari niyang gawin.

Buong puwersa niyang inaagaw sa akin ang manibela. Sinusubukan akong paalisin ngunit hindi ko siya hinayaaan na gawin 'yon. Ngayon ay nag-aagawan na kami parehas ng manibela upang makuha ang kontrol ng sinasakyan namin ngayon.

Nang dahilparehas kaming okupado dito'y hindi na naman napansin ang pag bagsak ng kotse sa isang poste na dulot ng pag bagsak ng aming mga ulo sa isa't-isa. May naramdaman akong likido na tumutulo sa ulo ko. Nang ipinahid ko ito gamit ng kamay ko'y nakita kong mapula siya. Dugo.

Dahan dahan akong bumaba ng sasakyan habang pinipilit ang sarili na magising at  pinipilit ang sarili na tumayo upang jindi ako mawalan ng malay. Kahit ito'y masakit at mahirap man. 

Dahan dahan akong naglakad. Bawat daanan ko'y binabantayan at sinusuri ng mabuti kung bakit ako napunta sa lugar na ito. At kung paano itong lahat na nangyari. Nagsiunahan nang pumatak ang mga luha ko. Iniisip na heto na naman ako, mag-isa. Hindi alam kung paano ako makabalik sa aking tahanan.  Sa aking pamilya.

Napangiwi ako nang mapabagsak ako sa sahig. Napaungol ako sa sakit nang maramdaman kong may dumaplis na kutsilyo sa aking braso. Mas lalong humapdi ang mga sugat ko na natamo kanina. Pinipilit kong buksan ang aking mga mata na mayroon naring namumuo na dugo upang makasigurado kung siya nga 'yon. Na kung siya nga ay may kagagawan. 

Tama nga ako. Siya nga.

"Papatayin kita!" Bigkas niya sa mga salitang iyon na may namumuong galit. Hindi ko alam kung bakit siya ganito. Kung bakit gusto niya akong patayin. 

Pumatak muli ang mga luha ko.

"Huwag"

Pagmamakaawa ko sa kanya. Nakatutok na ngayon sa leeg ko ang kutsilyo niya. Nandidilim narin ang kanyang mga mata.

"Huwag po"

Ang aking huling pagmamakaawa at marahang ipinikit ang aking mga mata.


Pagmulat ng aking mga mata. Napakunot ako. Ngunit, nang mawari ko kung nasaan ako bigla muling bumalik ang kaba sa dibdib ko.

Narito muli ako. Kung nasaan nangyari ang lahat. Kung nasaan ko nasaksihan ang mga trahedyang pangyayari. Kung saan  pinipilit kong inilalayo ang sarili ko. Kung saan gusto ko nang umalis at tumakas muli ngunit hindi ko magawa.

Maraming tao; multo, ang naririto ngayon. Nakapalibot sa isang gitna na kung saan na para bang may namumuo ritong ritwal. Hindi ko magawang makatakas gayong sa dami nilay hindi  imposibleng mahuli ka nila. O mapatay.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon