VII - Arms

26 1 3
                                    


Hindi ko alam ang aking gagawin kung magsasalita pa ba ako o kung tutulungan ko nga ba si lolo, pagkatapos kong makita na umiiyak ang aking napakabatang kapatid na ngayo'y natutulog na sa bisig niya. Pero naisipan ko nalang muna na hayaan si Anna sa kanya at inilagay si lola sa nag iisang higaan na narito.

Masyadong gulat pa sa nasaksihan ay hindi ko pa munamagawang magsalita't tiningnan  nalang si lolo. Dahan-dahan niyangibinuhat siAnnie at inihiga siya sa tabi ni lola. Ipinahid ni lolo ang natuyang dugo sa mukha ni lola gamit ang panyong ikinuha niya sa kanyang bulsa. Sa pagkagulat siguro'y nakalimutan ko 'yon gawin.

Hindi ko alam ang iisipin ko. Gusto ko man alamin ang katotohanan salahat ng nangyari dito pero siguro nga'y mas mabuti pa siguro na manatili nalang muna akong tahimik. Nahihiya pa eh kasi  kahit  ni ako ri'y kumakailan lang nakilala si lolo. Noong oras kung saan ako'y mawawala na'y bigla nalang niya inatake ang mga multong 'yon at tinulungan ako. Pagkatapos niya akong tinulungan ay bigla niyang inutos sa akin na tulungan si Annie. Hindi ko alam kung paano niy nalaman na nasa binggit ng kamatayan ang aking kapatid pero nang dahil nga sa masyado pa akong gulat doon ay hindi ko magawang magtanong. Hindi makapaniwala na talaga ngang narito na siya.

Tiningnan ko ang aking mga kamay. Napangiti ako. 

'Bumalik na naman ako sa pagkabata' 

Nang tingnan ko si lolo'y napansin kong ganun rin siya. Bumalik na rin siya sa pagkabata. Tinuruan niya ako kung paano ito gawin. Iisipin ko lang daw kung paano ang isang bata mag -isip. Kumilos at pakiramdaman mo lang ang iyong  sarili na maging bata, ganun lang siya kadali. Pero sana nga rin ganun lang ulit kadali maging masaya muli.

Kung titingnan mo  lang ang mukha ni lolo'y iisipin mo talaga na wala siyang problema sa mundo. Na siya'y masaya lang at parang walang problema sa mundo. Pero kung titingnan mo namang maigi ang kanyang mga mata'y mapapansin mo talaga ang malalim niyang pagmamahal kay lola, at sa aming magkapatid. Wala kaming ginawa dito kundi magtitigan lamang o kundi'y titingnan ko lang ang labas ng bintana at bantayin si Annie. 

"Nasaan ka na? Ate, sana bumalik ka na. Miss na namin kayo"

Siguro kung nandito lang si ate kasama si lolo at ang aming kapatid ay baka napatalon at napayakap na 'yon sa amin pag nagkataon. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon. Kung naligtas ba siya o-

Hindi

Matapang si ate, alam kong makaligtas siya. Hindi ko man alam ang nangyari sa kanya,pero sigurado ako na ligtas lang siya. 

"Apo" 

Ang pagbigkas ni lolo sa panglang 'yon ay ang nagsira sa katahimikan ng kuwartong ito. Hindi ko alam kung ako ba ang tinatawag niya o si kapatid ba kaya't tiningnan ko si lolo sa mata. Hindi naman siya nakatingin sa akin. Siguro si kapatid nga. Pero hindi naman siya gising. 

"Apo"

Sa pagkakataong ito'y saakin na siya napalingon. Iniwas ko ang tingin niya sa akin at sa labas ng bintana muli ako lumingon.

"Po?"

Nauutal kong sagot sa kanya. Naiilang sapagkat hindi ko alam ang aking nais gagawin.

"Halika, sumama ka sa akin" 

Malambing ang pagkabigkas niya sa akin kaya't sinunod ko nalang din siya. Tumayo ako mula sa upuang inuupuan ko kanin upang bantayin sina lola. Pero paano nga pala sila. P|Hindi ako sigurado kung may magtatangkang kunin o sapian nanaman sila.

"Pabayaan mo na muna apo ang iyong lola at ang iyong kapatid. Magiging okay lang rin naman sila, mgtiwala ka lang saakin. Kaya't sa ngayon, ay samahan mo nalang muna ako sa labas."

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon