III - First Symbol

65 6 2
                                    

"Kuya, nasaan na ba tayo?!" sigaw ko kay kuya. Hindi ko na kasi alam kung ano'ng gagawin ko.

"Huwag ka'ng mag-alala. Nandito lang naman tayo sa ilalim ng ating eskuwelahan. Kailangan natin makuha ang maliit na bungkos," sabi ni kuya sabay turo sa isang dreksyon. Nanlamig ako sa kinatatayuan ko nang makita ko'ng nasa gitna siya ng isang lumulutong na bato, pinapalibutan ng mga magma.

"Pinagloloko mo ba ako?Sa tingin mo ba na pupunta ako  diyan sa gitna ng hindi nahuhulog o mlalamon ng apoy?!" malakas ko'ng sigaw kanya. Parang gusto ko pa 'ata magpahabol sa mga multo do'n.

"Kailangan natin gawin 'to at makuh ang simbolong 'yon kung ayaw mo na sila ang makakuha no'n," nakakunot niyang tanong sa akin. Anong ba ang pinagsasbi niya na makuha 'nila' 'yon? May itinuro siya sa kasalungat na direksyon. Nanlaki ang mata ko nang makita na mga multo pala sila.

Ano pa ba ang magagawa ko? Bumuntong hininga ako. Inihanda ko ang sarili ko na tumalon. Umatras muna ako bago tumakbo patungo do'n at tumalon nang malapit na ako sa dulo nito. Nakahing ako ng maluwag nang bumagsak ako sa bato at hindi nahulog. Inulit ko muli ang ginawa ko kanina at tumalon sa isang bato malapit dito. Dalawang talon nalang at malapit na ako do'n.

"Bilisan mo! Mauunahan ka nila!" Muntikan na akong mahulog dulot ng sigaw niya. Lumingon ako sa kanya at pinandilatan siya ng mata. Nang ibinalik ko ulit ang tingin sa harapan ay tumibok ng malakas ang puso ko nang makitang madami na sila patungo do'n. Huminga ko ng malalim at tumalon muli. Isangtalon nalang. Tumalon muli ako at nasa harapan ko na siya ngayon.

"Annie!" pagkasigaw ni'ya 'nun. May naramdaman akong presensya sa likod ko. Nanlaki ang mata ko at napakunot ng noo nang makita siyang nakikipaglaban sa mga multo.

"Huwag mo akong alalahin, bilis! Kuhain mo na 'yan bago maunahan ka pa nila!" sigaw niya sa akin habang patuloy pa rin na nakikipaglaban. 

Labag man sa loob, kinuha ko na ang symbolo'ng 'yon. Pagkakakuha na pagkakuha ko'nun. Do'n din bigla nawala ang iba'ng mga multo habang  ang iba naman ay pinipilit lumayo.

~Unedited~

Nung nailagay ko na 'yon sa bulsa ko, tutulungan ko na sana si kuya pero nung tiningnan ko ulit ang lugar kung nasaan sila kanina, nawala nalang sila bigla. Hinahanap ko sila kung saan saan hanggang sa madatanan ko nalang s'ya na kasama ang iba pang multo na hinihila s'ya.

"Kuya!" sigaw ko sa kanya habang pinipilit ko ang sarili na huwag umiyak. Tatakbo sana ako sa kanya ng sigawan niya ulit ako.

"Huwag mo na ako'ng intindihin Anna! Kaya ko na ang sarili ko, huwag mo na ako'ng alalahanin. Bilis, pumunta ka na sa ate mo at kayo na ang bahala sa iba pa!" pasigaw na utos sa akin ni kuya. Labag man sa loob ko, ay tinalikuran ko nala'ng siya habang pinipigilan ang luha ko. Tinatalon ko ang bawat bato na lumulutang, at napansin ko na kapag tumatalon ako sa mga bato'ng ito, ay pumapatak ang mga luha ko.

Nung nakarating na ako kina ate kasama si Benny. Napansin ko ang mga malungkot nila'ng mukha. Pinipilit ni Ben na pasayahin ako sa pagtatalon ni'ya papunta sa akin, pero wala pa rin. Paano ako sasaya kung wala na si kuya?

"Huwag ka'ng mag-alala, babalik din sa atin si kuya. Mababalik din natin s'ya. Sa ngayon, kailangan muna natin magpahinga at kuhain ang iba" sabi ni ate habang sinusubukan na pinapagaan ang atmospera, pero malungkot parin ako.

Wala'ng ni isa sa amin ang gusto magsalita habang naghahanap kami ng paraan paalis dito. Nakatingin lang ako sa ilalim habang sinusundan si ate na ngayon ay nasa harapan ko. Nung may nakita kami ng para'ng hagdanan ay inakyat namin 'yon at pumunta na sa itaas na. Umakyat lang kami ng hagdan ng may makita kami'ng isa'ng pinto. Nung binuksab 'yon ni ate, tumambad sa amin ang kuwarto na pinanggalingan namin kanina at pumasok na doon.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon