X - Pelonite?

21 1 1
                                    

Amy's POV

"Kay lola? Paano ka naman nakakasigurado na kay lola 'yan? Saka bakit naman siya magkakaroon ng ganyang klaseng sulat?" Nakakunot ang noo ko habang nakatinginng diretso sa kanyang mata. Tiningnan ko muli ang sulat. Totoo nga na mayroong pangalan doon na nakasulat ay Pelonite. Pero hindi pa rin kami nakakasiguro kung sa kanya talaga 'yon. Mas lalo na 't burado ang iilang letra na nakasulat dito.

"Pero ate. Sino pa ba ang mayroong pangalan na Pelonite? 'Di ba si lola lang? Saka...kahit naman burado na ang iilang letrang nandito 'y halata naman na sa kanya 'to?" angal niya. Nakakunot na rin ang noo 't tumataas ang boses niya. 

Umiling ako, "kahit na. Hindi pa rin tayo makakasigurado kung sa kanya pa nga talaga 'yon. Sa ngayon ay kailangan pa muna natin makuha angpangalawang simbolo. Mas lalo na 't nauubos na ang oras natin. Kailangan natin ngayon magplano ngunit hindi na muna natin maisali si Annie ngayon. Delikado ang lugar kung saan natin makukuha ang pangalawa. Tayo nalang muna sa ngayon ang kukuha no'n." Nakatuon lang ang tingin niya sa sahig na ito 'y tila ba nag-iisip. Maya-maya'y napapikit siya at napabuntong hininga.

"Sige. Mas lalo na 't nandito si lola ngayon. Nakalimutan kopalang sabihin sayo na may ibinigay sa 'kin si lolo na isang sulat," may kinuha siyang isang papel mula sa kanyang bulsa at inilahad ito sa 'kin, "hindi ko pa 'yan nababasa sa takot na malaman ko ang nilalaman niyan ng wala ka. Saka kung kukuhain mannatin ang pangalawang simbolo, kailangan na natin ito gawin ngayon katulad ng sabi mo."

Tumango ako sa kanya at itinago ito sa isang kahon. Kasama na ang libro o talaarawan dito. Mamaya na namin basahin 'yon pagkatapos makuha 'yon. Napatingin ulit ako kina lola 't Annie.

"Pero paano sila? Paano tayo makakasigurado na kaya natin silang iwan na hindi manlang inaatake ng mga multong 'yon?" I tilt my head towards them.

"May sinabi sa 'kin si lolo na may inilagay daw sila dito na parang isang hadlang laban sa mga masasamang multo kaya hindi na natin kailangan  problemahan 'yon. Kaya't halika na bago maunahan pa nila tayo." Wala na akong nagawa nang maihila niya ako patungo sa kanila.

"Lola, Annie, kailangan po muna namin umalis ngayon. May pupuntahan lang kami saglit," sabi ni Andy. Annie look at us with knowing eyes. Her eyebrows knit together.

"Bakit kuya? Sa'n ba kayo pupunta?" may pagdududa niyang sabi. NAgtinginan kami ni ate.

"Ahh, wala. May importante lang kaming gagawin. Saglit lang 'to. At Annie," sa 'kin naman siya ngayon napatingin, "bantayin mo muna si lola habang wala kami. Makakaasa ba ako sa 'yo?" tiningnan ko siya ng madiin. Napayuko siya. Nag-iisip. Ilang segundo ang lumipas. Inangat niyaang kanyang ulo at nag buntong-hininga.

"Sige, papayag na ako. Pero sa isang kundisyon," nagtinginan kami ni kuya at sabay tumango sa kanya, "pagkatapos niyong gawin ang misyon na sinasabi niyo. Siguraduhin niyo muna na sasabihin niyo sa 'kin lahat ng katotohanan sa mga nangyayare dito. Lahat," pinandilatan niya kami ng mata.

Tumango kami sa kanya. Sinimulan na rin namin ni Nady na lumakad. Nang makalabas na kmi ng pintuan ay sabay kaming nagtinginan saisa't-isa. Bakas sa mukha namin ang pagkalito at gulat nang malaman ni Annie 'yon.

"Sa tingin mo ba ana narinig tayo ni Annie kanina?" maiging tanong sa 'kin ni kuya.

"Maari. Pero hindi tayo sigurado. Puwedeng hulalang 'yon at puwede rin na hindi."

"Pero paano kung narinigniya talaga tayo? Baka kung anonalang ang gagawin no'n mamaya!" kanina pa siya hindi mapakali habang naglalakad kami sa likod ng bahay na 'to." 

"Hindi 'yan mangyayari." Binuksan ko ang pintuan. Bumungad sa 'min ang isang luma ngunit napakaganda na templo.

"Paano mo naman nasabi 'yan?" nalilito niyang tanong. Na tila ba hindi siya makapaniwala kung paano niya 'yon nahulaan. Kahit ako rin naman ay nagulat nanag malaman niya 'yon. Hindi ko alam kung paano peo kailangan na namin 'to gawin ngayon.

"Basta. Magtiwala ka nalang. Kaya't halika na at baka maunahan nila tayo," itinuro ko sa kanya ang tinutukoy ko.

"So? Ano pa ba nag hinihintay na 'tin? Halika na," naunahan niya akong tumalon. Napailing ako sa kanyang inasal. Muli kong ibinalik angtingin sa kapaligiran namin. Sinisigurado na walang makakasunod sa 'min. Nang panatag na ang loob ko 'y tumalon na rin ako at isinarado ang pintuan. 

Annie's POV

Nang umalis na sila'y napalingon ako sagawi ni lola. Gising pa siya at hindi ko maiwasang mailang sa kanya mas llo na 't sa nangyari kanina. Wala naman akong magawa kun 'di bantayan siya. Tumungo nalang ako sa higaan sa tabi niya malapit sa bintana. Sumilip ako sa labaas at nakita sina kuya at ate na dahan dahang naglalakad at lumiko sa sa bandang kanang aming bahay kung saan walang masyadong ilaw doon. 

Ano naman ang gagawin nila doon?

Inangat ko muli ang ulo ko at pasimpleng tumingin kay lola. halos manlaki ang mata ko nnang makita siyang nakatulog na. Napagod siguro siya sa lahat ng pangyayaring lumalaan dito. Saka pagkakatao ko na rin 'to para sundan sila at alamin kung ano nga talaga ang itinatago nila. 

Marahan akong bumaba ng hagdanan at sinigurado na hindi magising si lola sa ginagawang kong ito. Dahan dahan akong naglakad mula dito hanggang sa pintuan. 'Di maiwasan ang ingay na inililikha ko sa bawat pag-apak ko sa sahig. Binuksan ko ang pinto nang makaabot ako sa pintuan. Rnig na rinig ko ang ingay na inililikha nito. Mas lalo akong nahirapan sa pagbukas ng pinto dulot ng kalawang na namumuo.

nakapagpahinga ako ng maluwag nang makalabas at makababa na ako ng hagdan na 'yon. Malamig na hangin ang humampas sa 'kin sa labas. inipit ko ng jacketko lalo sa 'kin. Giniginaw. Sinimulan ko ang lakad ko at tumungo sa bandang kanan ng aming bahay at pumunta doon. Madilim. Bagkus may narinig muli akong ingay na nanggaling sa likod ko.

Tulong

Mukhang alam ko na yata kung sino 'to. Siya lang ang nag-iisa na humihingi sa 'kin ng tulong. Mas lalong lumakas ang hangin. Malakas ang pagtibok ng puso ko. Giniginaw akong tumalikod. Tiningnan ko ng maigi ang likod ko. Mas lalong lumakas ang tibok ng puso ko nang apagtanto na hindi siya ang inaasahan ko.

"Paano ka napunta dito, Jason?"

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon