XV - If the Key Fits

24 2 2
                                    

Annie's POV

Napakadilim. Kumpara kanina'y napakadilim ang kuwarto na narito ngayon. Akala ko na kailangan ko pang hanapin sina ate at kuya sa madilim na kuwartong ito ngunit nakita ko na kaagad silang dalawa na nakatayo sa harapan ko. Kumikinang. Ang kanilang pagkinang ang nagsisilbi lang na liwanag. Do'n ko lang napagtanto na hindi pala ito isang kuwarto kun'di isang pasilyo.

"Tara," sabi ni ate. Kinuha niya ang kaliwang kamay ko at nagsimula na kaming naglakad. Ang ingay lang na maririnig dito ay ang tunog na nagmumula sa aking sapatos sa bawat paghakbang na ginagawa ko. Maraming alikabok ang nahuhulog mula sa kisame. Nahihirapan akong huminga dulot ng mga alikabok na nahuhulog dito. Tinakpan ko ang ilong ko at binagalan ng konti ang aking paghakbang. Sinisigurado na walang malapit dito ang makakarinig ng tunog ng sapatos ko.

Kanina pa kami naglalakad at napapagod na rin ako. Hindi ko alam kung ilang metro na ang nalakad namin. Wala pa akong nakita na kuwarto o kahit manlang bintana sa mga pader na nadadaanan namin kundi mga tanglaw lang na nakasabit dito. Na siyang nagsisilbi rin ng liwanag bukod kina ate't kuya.

Ilang sandali lang ang lumipas at mas lalong binagalan ni kuya ang kanyang lakad hanggang sa tumigil kami. Walang kahit na sino sa amin ang gumagawa ng kahit anong ingay at nanatili lang kaming nakatayo. Malakas at malamig ang hangin ngayon kumpara kanina. Mas lumakas din ang pagtibok ng puso ko. Iniligay ni kuya ang hintuturo niya sa harapan namin na sinasabi ba na tumahimik muna kami. Sumenyas siya na hintayin muna namin siyang kumilos bago kami gumalaw.

Tumango nalang kami ni ate sa kanya. Nag-umpisa siyang sumilip do'n sa bandang kanan ng pader. Nang itinuon niya muli ang pansin sa amin ay sumenyas siya gamit ng kanyang kamay na uumpisahan na niya ang pag-abala sa kanya.

Napakunot ako nang makita ang aking anino sa aking harapin. Tumalikod ako. Mayroong pintuan do'n ngunit wala na siyang ilaw at napakadilim ang parte nito. Ngunit kahit napakadilim niya'y may napansin akong kumikinang sa loob nito. Isang hakbang ko palang ng aking paa nang bigla niyang sinigaw ang pangalan ko.

"Annie, ikaw na ang bahala dito!" sigaw ni ate. Bumuntong hininga analang ako at bumalik muli sa puwesto ko. Sumilip muna ako upang siguraduhin na wala sila at umalis na do'n. Binilisan ko ang paglakad ko, sinisigurado na wala na talaga sila sa aking paligid. napakatahimik na ngayon na pasilyo ngayong wala na sila. Pumasok ako sa do'n at nakitang nasa itaas lang ng isang lamesa ang parteng 'yon. Naglakad ako papunta do'n at kinuha 'yon. Katulad ng sa isang pelikula'y sinisugurado ko kung may mga bitag din ito kapag tinangka mong kuhain 'yon.

Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Naramdaman kong may maitin na presensya sa tabi ko. Nang linungin ko 'yon ay may nakita ako na  isang multo. Ang mata sobrang pula na tila ba puno ito ng galit. Umatras ako at kumaripas ng takbo. Habang ptagal ng patagal ay dumadami sila. Sheesh! Akala ko ba na nakalaban na nila kuya ang lahat eh bakit mukhang may naiwan pa yata?

Kanina pa ako tumatakbo.Umiikot sa pasilyong ito ngunit patuloy pa rin sila sa paghahabol. alam kong ilang sandali ay may makakasalubong akong mga multo sa aking daanan sa oras na lumiko ako pero hindi pa rin ako tumitigil. 

Tumatakbo ako hanggang sa dumating na ako sa isang dulo nito. Walang malalabasan. Walang lagusan. Umikot ako at iniharap sila. Pinapalibutan na nila ako. Pumikot ako. Biglang uminit ang kuwintas ko. Ibinukas ko ang mata ko upang tingnan ang nangyari. Nawala na sila sa paningin ko ng...ganun nalang?

Wala akong pinalipas na oras at tumakbo ako palayo sa kanila. Ngunit hindi pa ako nakalayo ay bumalik nanaman sila. Hinahabol ako. Kailan ba sila titigil. May naramdaman akong tumatakbo sa tabi ko. Nanlaki ang mata ko nang makita kung sino 'yon. 

Napangiti ako bagkus sa sitwasyon namin ngayon. Hindi ako makapaniwala na nandito siya kasama ang isang...multo? Napakunot ako. Sino siya? Hindi namumula ang mata niya o dumudugo. Isang simple na multo siya. Anong ginagawa niya dito? Alam ko sa sarili ko na nakita ko na siya sa isang senaryo. Hindi ko alam kung kailan o saan. Pero alam kong nakita ko na siya no'n. Tumatakbo lang ako kasama si Ben, habang lumilipad sa ere ang multo. Wala akong alam sa kanyang ugnayan para sumama sa amin. Wala pa rin akong tiwala sa kanya.

HirayaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon