ONE YEAR CONTRACT WITH MR. MORETZ
CHAPTER 2
( Ang Simula )Dahan dahang nilipat ni Thalia ang adobong manok na niluto niya ngayong umaga, mainit init pa iyon kasi kakahaon palang nito sa kawali.
Nilipat nya sa mas malaking topper wear Ang ulam at nagsandok din nang kanin sa isa pang lagayan.Simula kasi ng pag tatanim ng binhi ng palay ngayon kaya, sya na ang nagluto ng baon para sa mga magulang nya na ngayon ay nasa bukid.
Itinali nya ang nakalugay nyang buhok at isinuot ang sumbrerong pang bukid.
Agad syang pumunta sa kinaroroonan ng mga magulang dala dala ang pagkain na pinacked nito." nay , Tay tanghali na ho!" kumaway naman ang ina nito senyales na papunta na sila.
Nakita nyang sumonod naman ang mga ito kaya sinimulan nya nang buksan ang mga topper wear." nanay naman bakit kinalimutan nyong mag lagay ng bimpo sa likod nyo"
medyo nagtampo pa siya kasi palaging nakakalimut ang ina na magdala ng bimpo pawisin kasi ito kaya lagi nyang pinapalahanan siya." wag ka nang magtampo anak May dala naman akong extra na damit magpapalit nalang ako."
" talagang magpapalit kayo basang basa kayo ng pawis eh" bahagyang kinurot ng nanay nya ang pisngi nito , at tumawa.
" alam mo anak napaka swerte talaga namin sayo ng tatay mo kasi napaka maalaga mo samin".
" naku si nanay talaga nagbiro pa".
" anak yung dalawang libo nabigay mo na kay Berto ?" nakautang Kasi noong isang Linggo ang tatay nya dito dahil ibinili ng binhi .
" opo Tay naabot ko Napo kaninang umaga!.
" ah mabuti naman kung ganun, oh siya kumain na tayo! yaya nito.
Matapos nilang mananghalian ay bumalik na rin sya ng bahay. Dumiretso ito sa kanyang munting silid at nagbihis .
" hhmm ikaw ah wag mo nga akong titigan ng ganyan Ane be!
Actually wala talaga syang kausap , ang tinutukoy lang naman nito ay ang poster ni LIAM MORETZ." Hay naku Liam kay taas mo para maabot ko" buntung hininga nito.
Hinalikan pa nito ang poster ni Liam bago lumabas ng kwarto nya.
Crush nya talaga si Liam Moretz ito kasi yung nagmamay-ari ng mansyon na dinadaanan nito papuntang paaralan .
Kilalang kilala talaga ito sa buong probinsya ng Lucena dahil sa pagiging mayaman nito.Kinabukasan ay Lunes , araw na naman ng school days ni Thalia, nasa 3rd year college na ito sa ngayon , dapat nga graduate na ito dahil bente anyos na sya.
Ngunit dahil sa kahirapan ay huminto ito ng isang taon, nakabalik naman agad ito ng makaipon ito para sa tuition fee nya.
Simula bahay ay naglakad lang ito papuntang paaralan, mga thirty minutes din ito bago makarating dahil nga naglalakad lang siya.
Luminga linga pa sya sa magkabilang kalsada bago tumawid. Nang makita nyang wala namang sasakyang dumaraan ay sinimulan na nya ang paglalakad.
Hindi pa siya makakarating sa gitna ng kalsada ng biglang tumigil ang isang BMW car sa gilid nya.
Kinabahan pa sya kasi muntikan na syang mabundol ng kotse.Maya maya pa ay bumaba ang isang lalaking nakasuot nang pang Amerikano at base sa ekspresyon ay galit ito.
" Liam?" bulong nito sa sarili ng naaaninag nya kung sino yon.
" hey d*MN woman are you Cr*zy?!
Natulala pa si Thalia dahil sa nikita at kahit galit na galit na ang lalaki ay titig na titig pa rin si Thalia sa kanya.
" next time tumingin ka sa dinadaanan mo kung ayaw mong masagasaan " st*pid!!
Hindi nakaimik si Thalia sa inasal ni Liam sa knya kanina, nang mapansin naman ng binata na wala syang maasahang sagot sa babae ay pumasok na ito ng kotse at mabilis na pinatakbo.
" my god totoo ba to? sinampal pa niya ang mukha nya sa kaisipang nanaginip lang siya.
" aray ko". totoo nga pinansin ako ni Liam!.Hindi tuloy sya nakapagfocus sa study nya kanina, dahil puro si Liam ang iniisip niya.
First time kasi siyang pinansin ni Liam pero iniisip nyang regalo iyon. Kahit hindi maganda ang naging asal nito kanina sa kanya okay lang basta si LIAM MORETZ iyon.Nang maghapon na ay pauwi na ito nang makita sya ni Radz .
" hi Thalia uwi Kana sabay Kana sakin! ngiting sabi ng binata." ah okay lang kaya ko namang maglakad.".
" malay mo May masamang tao kung makasalubong!
Umalis nalang si Radz dahil hindi talaga nya napapayag si Thalia, matagal nya na rin itong manliligaw kaso hindi nya naman ito type dahil ubod daw ng yabang .
Nang makarating sya ng bahay nadatnan nya ang nanay nya na naghuhugas ng plato.
" nay bat parang maputla kayo?"ok lang ako anak " agad itong umupo sa pinakamalapit na silya sa likod nya, napapansin na ni Thalia ang pamumutla nitong mga nagdaang araw.
" Tay si nanay!! sigaw ng dalaga ng makitang nahimatay ang nanay nya .
Agad nila itong isinugod ng ospital , halos hindi maipaliwanag ni Thalia ang pakiramdam kung bakit ganun nalang ang nangyari sa nanay nito.
Mga halos dalawang oras din bago lumabas ang doktor . lumapit ito sa kanila at sinabi ang kalagayan ng ina nya.
" the patient was diagnose into colon cancer"
gulat man ay patuloy nyang tinanong ang doctor kung gaano ito kalala." stage three na sya and sadly to say she have only 50 percent para gumaling".
Hindi makapaniwala si Thalia at ang ama nito sa naging sakit ng ina. Hindi naman kasi ito nagsasabi na May dinaramdam na pala ito.
Ang mas iniisip ng ama nito kung saan kukuha ng pambayad sa ospital at sa pag che chemo therapy nito. Naisipan ng ama nito na baka pwedeng isangla nila ang lupa kay Sir Liam Moretz dahil kilala itong bumibili at tinatanggap ng mga sanlang lupa.
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...