ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

1 0 0
                                    

CHAPTER 11

THALIA'S POV.

" ah Liam magpapaalam sana ako sayo bukas na mamalengke, ubos na kasi ang grocery na binili ni manang Corazon" paalam ko dito.

Tumingin pa siya sakin bago sumagot.
" anong oras ka uuwi?".

" ah pagkatapos ko mamalengke uuwi na ako agad".

" anong oras nga?" iritang tanong nito.

" kung aalis ako ng alas otso ng umaga, mga 11 o clock nandito nako"

" okay' at bumalik ito sa pagbabasa.

" ah Liam".

" ano na naman! sigaw nito.

" ah ka kasi wala akong perang pambili bukas".

" pwede ba Thalia kompletuhin mo kung magsasalita ka"! agad itong dumukot sa bulsa at kinuha ang black wallet nya nag abot ito ng 10k sakin.

Ang laki naman yata ng 10k" bahala na nga at kinuha ko yon.

Kinabukasan nga ay agad akong namalengke, ni hindi nga ako hinatid nito. pero okay lang dahil sanay naman ako mag tricycle.

Nag grocery muna ako bago pumasok ng palengke ng ma tiyak ko na nabili ko na lahat ay nagmadali na akong bumalik ng mansyon.

Pagbaba ko ng tricycle ay nakasalubong ko na naman si Lester, nakaparada ang kotse nya sa labas ng gate . Agad itong lumapit sa akin ng makita nya akong hirap na hirap sa mga dinadala ko.

" ok lang Lester kaya ko naman"! pagtanggi ko dito.

Pero mapilit ito isa isa nyang pinagbubuhat ang mga pinamalengke at pinalagay ko nalang sa tapat ng bahay.

" salamat ha , bakit ka pala naparito?".

" i just want to see you Thalia". at sabay kindat.

" naku bat naman gusto mo akong makita?".

" well sabihin nalang nating na mi miss kita!.

Agad naman akong natigilan sa sinabi nya hindi ako sanay dahil hindi naman kami gaano ka close.

Natigilan lang kami sa paguusap ng magbukas ang pintuan ng mansyon.

" you told me na uuwi kanang 11 ! 11:30 na ah!.

" eh kasi Liam...

" get inside!!.

Agad naman akong pumasok kinakabahan na naman ako malamang galit na naman sya.
Hindi ko na narinig ang usapan nila dahil nagtungo nako sa kusina.

" nananadya kaba Thalia?!.

Kunot noo akong sumagot sa tanong nya dahil hindi ko na naman maintindihan ang naging tanong nito.

" wala naman kaming ginagawa Liam tinulungan nya lang ako" pagdadahilan ko.

" tinulungan? at nagustuhan mo naman?
talaga bang ganyan ka ka despirada sa Lester na yon? ".

" ano ? anong despirada alam mo ang dumi ng utak mo Liam!.

" stay away from him!.

" eh bakit nga ?' wala namang ginagawa yung tao!.

" dahil nagseselos ako !!.

Na shock ako sa sinabi nyang yun , nagseselos sya?  kinilig ako sa sinabi nyang yun pero hindi ko pwedeng ipakita dahil galit pa ang mukha nito.

" kaya mo bang gawin yon Thalia" nagsusumamo na ang mukha nito ng mga oras na yon.

Hindi pa kaagad ako nakasagot dahil patuloy ko pa ring binabaybay ang mukha ngayon ni Liam para yatang sinapian sya ng mabuting esperito ngayong araw.

" please!? .

" okay Liam iiwasan ko si Lester".

" thank you Thalia"!

Bigla bigla nalang akong niyakap nito ng mahigpit  , First time kong naramdaman na niyakap nya ko ng ganito.
Walang pagnanasang kapalit niyakap ko rin ito pabalik dahilan para lalo pang humigpit ang yakap nya .

"'teka anong gusto mong kainin ipagluluto kita!

Ngumuso pa ito bago sumagot sa tanong ko.

" pwede bang ikaw nalang kainin ko?" at nag smirked pa ito.

" m*nyak!!.

Humagik ik ito ng tawa sa sinabi ko, pati ba naman sa pagtawa ay gwapo pa rin siya.
Maya maya pa niyaya ko na rin itong kumain matapos kong lutuin ang niluto kong sinigang.

" mmm delicious! di mo naman sinabi na masarap ka palang magluto " pambibida nito

" nako bulahin mo pa ako!.

"'alam mo ba kung anong mas masarap dito?".

" ano? takang tanong ko.

" ikaw!

Agad naman akong nabilaukan sa sinabi nya ,inabotan nya ako ng tubig nang marinig nyang umubo ako. Hindi na tuloy ako makakain nang maayos, dahil sa mga malalagkit na titig nito.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon