ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

2 0 0
                                    

CHAPTER 21

THALIA'S POV

Nagising ako sa isang kwarto na hindi pamilyar sakin,  " nasaan ako?" huli kong naalala ay yung nasa kalsada at pagkatapos ay nawalan ako ng malay.

Bigla akong kinabahan ng magbukas ang pintuan, dali dali akong tumayo sa kinahihigaan ko " sino ka? tanong ko sa babaeng bumungad sa akin.

Ngumiti ito at nilapitan ako " ako si Deniece nakita kasi kita sa kalsada na nakahandusay kahapon kaya dinala kita dito sa bahay ko" .

May kalakihan ang bahay nya na parang hindi rin nalalayo sa bahay ni Liam sa Lucena.
Unti unti nanamang nag si bagsakan ang luha ko nang maalala ko ang mga nangyari.

Niyakap niya ako kahit hindi pa niya ako kilala , niyaya nya din akong kumain dahil buong araw daw akong tulog.

Halos hindi ko na nginunguya ang mga kinakain ko dahil sa sobrang gutom, kawawa naman yung mga baby ko dahil walang laman ang tyan ang nanay nila kahapon.

" taga saan ka ba ?" malambing na tanong nito.

" taga Lucena po " sagot ko dito.

" nasaan po ba ako?".

" nandito tayo sa Maynila dinala kita dito kasi hindi ko naman alam ang address mo , tsaka pangalan mo ".

" asan na ang mga magulang mo?".

Bigla naman akong nalungkot sa mga tanong nya dahil kahapon lang ay inilibing ang tatay ko.

" wala Napo sila p*tay na Ho".

" eh yang pinagbubuntis mo asan na ang ama nyan?" nahalata nya siguro na buntis ako, kunsabagay maumbok na rin naman ang tiyan ko.

" iniwan ko na po ang asawa ko dahil hindi nya matanggap ang anak ko".

Doon na ako napahagulgol sa mga pahayag ko sa kanya.
Hinagod ni mam Deniece ang likod ko na para bang naawa sya sakin.

Sinabihan ko siya na kung pwede ba akong maging katulong nya dahil napag-alaman kong wala syang katulong.

Pero tumanggi ito dahil makakasama daw yon sa anak ko, napakabait nya dahil bisita ang turing nya sakin.
Nasa higit 40 na ang edad nito at wala daw siyang asawa . May anak daw siya na babae ngunit n*matay daw nang mag e eighteen na ito.

Hindi naman na ako umusisa pa tungkol sa naging buhay nya ang alam ko lang ay nag iisa na sya ngayon.

May ari si mam Deniece ng isang kompanya na kilala sa mga  perfume. Ini export pa daw ito sa ibang bansa dahil sa magandang kalidad ng kanyang mga pabango.

Nang mag Pi pitong buwan na ang tiyan ko ay sinabihan nya ako na kung puwede ba daw nya akong ampunin.

Naalala nya daw kasi ang anak nya sakin kaya kung pwede daw na siya nalang ang maging nanay ko, hindi na ako tumanggi pa dahil napakabait naman talaga nya.

Siya rin ang kasama ko ng maipanganak ko ang kambal,  paternal twins ang mga anak ko dahil magkaiba sila nang kasarian.

Pinangalanan ko  ang baby boy ko na si Luke, at baby Thea naman yung babaeng anak ko.
Tuwang tuwang si mam Deniece , i mean si mommy Deniece sa mga anak ko.

Mommy na kasi ang gusto nyang ipatawag ko sa kanya dahil ganap na akong Costañares . Hindi ko naman pinalitan ang pangalan ko dahil yun nalang ang alaala ko sa mga magulang ko.

Nang mag isang taon na ang mga anak ko ay gusto ni mommy na mag aral ako sa France, gusto nyang matuto ako kong paano gumawa ng ibat ibang klase ng  pabango.

Isinama ko ang mga anak ko at si mommy ang nagsusustinto sa lahat ng mga pangangailangan naming mag iina.

Anak na talaga ang turing nya sakin at talagang nagpapasalamat ako sa May kapal dahil tinulungan nya akong bumangon muli.
Tatlong taon din akong nag aral sa France .

Nang maka graduate ako ay si mommy ang unang pinagsabihan ko ng aking tagumpay syempre inspirasyon ko rin si Thea at Luke sa lahat ng mga narating ko.

Kung tungkol kay Liam ay hindi na ako nakikibalita pa sa kanya. Kaya ko rin ginawa ang lahat ng ito ay para kung mag cross man ang landas namin ay hindi nya na ako kawawain.

" oh really sweetie I'm so excited na uuwi Kana dito, i kiss mo ako sa mga apo ko ah" masayang sabi ni mommy sa kabilang linya.

Sa makalawa kasi ay babalik na kami ng Pilipinas, Malapit na rin mag limang taon ang kambal kaya gusto kong doon sila mag-celebrate ng birthday nila.

" mga anak hurry up na at malelate na tayo sa flight! tawag ko sa mga anak ko.

" mommy Luke said I'm ugly" sumbong ng anak kong si Thea.

" no i didn't say that! sigaw din ni Luke.

" ok stop na yan ! halinga kayo dito".

Agad ko silang niyakap at sinabing wag sila mag away dahil masama yon. Habang lumalaki si Luke ay nagiging kamukha na nya ang daddy nya , ganun din si Thea ang lakas talaga ng dugo ng ama nila.

Kung May Pinoy ngang makakita sa anak ko, ay sinasabi talaga nilang Americano ang ama ng mga anak ko.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon