CHAPTER 14
THALIAS POV
Nag antay ako nang ilan pang minuto para makita ang resulta , halos mawalan ako ng lakas ng makita kong NEGATIVE ito.
Akala ko kasi nag mo morning sickness na ako. Nang mag gabi na ay sinabi ko kay Liam ang pag try kong mga test.
Hindi naman sya nagalit bagkus ay kinomfort pa ko nito para maibsan ang lungkot, alam ko rin kong paano kagusto ni Liam na magkaanak pero baka hindi pa ito ang panahon.
" hayaan mo wife gagalingan ko nalang para siguradong makabuo tayo.!
" tumigil ka nga diyan ayan ka nanaman ah!.
Pinagpapalo ko pa ito sa braso dahil sa mga biro nya.
" diba nga May kasabihan na try and try untill you succeed?" ngising sabi nito.
Agad naman akong natawa sa mga banat nyang yon, habang tumatagal ay nakikilala ko na si Liam , mahilig itong magbiro at malakas mang asar.
Kinaumagahan ay naghanap ako ng maasim na prutas sa reef, kung hindi nga lang negative ang resulta ng test ay iisipin kong buntis ako.
Nagpaalam ako kay Liam na dadalaw ako kay tatay ngayong araw , hindi naman ito tumangi at sinabihan din ako nitong mag ingat.
Nang makarating ako sa amin ay niyakap ko kaagad ang tatay ko, panay ubo ito kaya nag alala ako.
" naku anak wag moko alalahanin malakas pa itong tatay mo!! pagmamayabang nito.
" ikaw talaga Tay ang hilig mo talagang mag biro!.
Hindi na rin ako nag tagal doon at nag paalam na rin ako na uuwi na.
Nang makarating ako ng gate ay May napansin akong babae na panay silip ng gate namin." sino po sila ?" tanong ko dito.
Hindi pa ito sumagot pero namumukhaan ko siya.
" Thalia right?" tanong nito
" oo bakit?
" I'm Reina Thalia i know na kilala mo ko."
Bigla nalang itong lumuhod sa harapan ko at ikinagulat ko iyon. " ano ba Reina tumayo ka Jan".
" Thalia nagmamakaawa ako sayo , ibalik mo sakin si Liam please "! pagsusumamo nito.
Mahirap ibigay ang hinihinga nya dahil hindi bagay si Liam para ipamigay ko. Kung mhal nya ang asawa ko ay mas higit pa doon ang pagmamahal ko kay Liam.
" hindi ko kayang gawin ang hinihingi mo Reina!.
" please Thalia mababaliw ako kapag hindi mo siya ibinalik sakin". kita kong desperada talaga ito dahil umiiyak pa ito.
" I'm sorry ! at hindi ko na sya hinarap pa, mabilis akong pumasok ng gate t iniwan. sya sa labas.
Nang sumilip sa bintana ay nagsimula na rin itong tumayo at kalaunan ay umalis na rin.
Nadatnan ko si manang na nagluluto kaya tumulong ako sa kanya , adobong manok ang niluluto nito ngunit bakit parang ayaw ko nang amoy nito.
Dati rati naman ay ito talaga ang pinaka favorite ko pero ngayon ay sukang suka nako.
Sinabihan ako ni manang na baka buntis ako pero agad ko namang sinabi na negative ang resulta.
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...