CHAPTER 20
SOMEONES POV.
Tatlong taon na simulang naging kami ni Liam, nagkahiwalay kami nang dahil nahuli nya akong nagkasala sa kanya.
Nakita ko kung paano ko siya nasaktan nang sobra.Kaya pinipilit kong lumapit at humingi ng tawad para bumalik lang siya sakin.
Labis akong nasaktan nang ipakilala nya ang babaeng kasama nya bilang asawa nya." ako dapat yon eh" nang makita kong tumungo sya sa CR ay nakakuha ako ng tyempong kausapin siya.
Pero imbis na magkaayos ay lalo pa siyang nagalit.Pasimple akong dumudungaw sa gate nila para masilayan ang mukha ni Liam, ngunit isang araw ay naabutan ako nang asawa nya.
Lumuhod ako para magmakaawa na ibalik nya sa akin si Liam, ngunit kita ko sa mga mata nito na hindi nya kayang isuko si Liam sakin.
Isang araw habang pauwi na sana ako ng makita ko si Liam na pumasok sa ospital kong saan ako nagtatrabaho bilang nurse.
Sinundan ko ito hanggang sa makapasok sya kay doc. Madrigal, narinig ko ang usapan nila dahil nakaawang lang naman ang pintuan.
Narinig kong nagpa Consulta si Liam sa kalagayan nya .Nakita ko ang disappointed nyang mga mata ng malaman nyang mahina ang sp*rm nya
Naisip ko na siguradong magpapa second opinion ito kaya ginawa ko ang plano.Kasabwat ko ang kasama kong nurse na magpanggap na doctor,
sinabi kong sabihin sa kanya na hindi sya makakabuntis dahil baog siya.At oo nga napaniwala nga sya sa kasama ko.
" babalik din si Liam sakin at mamahalin ako ulit"! ngumisi ako na tila nagtagumpay ako sa lahat ng plano ko.
Lagi itong sa bar at busy sa pag iinom ginamit ko ang chance na yon para makalapit sa kanya .
Lagi ring May nangyayari sa amin, ngunit walang emotion na tuwa akong nakikita sa mga mata niya, kapag kasama ako.
Hindi rin ako mabubuntis dahil May problema ako sa mattress, kaya kahit ilang beses pa kami gumawa nang milagro ay hindi nya ako kayang bigyan ng anak.
Samantala dumating ang kinakatakutan ko ang araw na mabuking nya ko.
Halos sakalin na ako nito sa tindi ng galit nya sakin.Sinabi ko sa kanya na nagawa ko lang yon dahil mahal ko siya, ngunit lalo lang nya akong pinandidirihan.
Natanggal ako at ang kasama kong nurse sa ospital na yon, si Liam mismo ang nag utos na ipatanggal kami.
Dahil sa ginawa ko ay lalo ko lang pinalala ang sitwasyon, lalo ko lang syang ginalit at hinayaang kamuhian ako.
Ang tanging gusto ko lang naman ay ang bumalik siya sakin.Simula non ay nilisan ko nalang ang bansang Pilipinas para makalimutan ang lalaking minsang minahal ko si " LIAM".
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...