CHAPTER 16
LIAM'S POV.
Pumunta ako sa bar at naglasing, nagsimula akong magtiwala ulit sa babae ngunit eto na naman naloko na naman ako.
Ang t*nga mo kasi Liam, nagtiwala ka nanaman , kahit lalaki ako ay nagsimula nang magsibagsakan ang mga luha kong kanina ko pa pinipigilan .
Daig ko pa ang natalo sa sugal sa sinapit ko ngayon, " waiter" tawag ko para mag refill ng rhum sa baso ko. Nang maramdaman kong lasing nako ay umuwi na ako.
Agad akong sinalubong ni Thalia sa labas palang ng gate. " pwede ba wag mong ipapakita yang pagmumukha mo sakin !! Singhal ko dito.
Nakikita kong nangungusap ang mga mata nya pero hindi ko pinansin yon, mas nangibabaw pa rin ang galit na nararamdaman ko sa kanya.
Kinabukasan ay nag handa ito nang almusal ko, kita ko kong paano sya nag effort sa niluto nya pero wala pa rin akong maramdamang tuwa , galit ang laging nasa puso ko ngayon.
" Liam mag almusal Kana ito oh pinagluto kita" pagyaya nito.
Kaagad kong tinapik ang niluto nyang ulam dahilan para magkalat iyon sa sahig.
" hindi ako kumakain ng basura!!.
Oo basura, basura ang tingin ko kay Thalia ng mga oras na yon. Umiiyak ito at pinipilit na sabihing anak ko daw ang dinadala nya pero katulad ni Reina hindi nya mabibilog ang ulo ko.
Sinimulan kong pinahirapan ang buhay nya sa piling ko, madalas ko syang inuutus utusan at kahit na naglilihi na ito ay doon ko pa sya mas lalong pinapahirapan. Halos katulong na rin ang tingin ko sa kanya.
Ang mas kinaiinisan ko ay kong bakit mahal ko pa rin siya, Dumaan pa ang tatlong buwan ay mas lalo akong lumala.
Habang nakikita ko na lumalaki na ang tiyan nya ay mas lalo ko siyang kinamumuhian, madalas nag dadala ako nang babae mismo sa bahay namin.
Hindi lang ito umiimik , hindi nya na rin ipinagpipilitan sa akin na ako ang ama ng dinadala nya.
Hindi ko rin alam kong bakit ako humantong sa ganito , ang babaeng pinili ko na makasama habang buhay ay nagawa akong gag*hin.
Minsan naririnig ko ang pag hikbi ni Thalia sa kwarto namin, i don't know kung bakit sa bawat paghikbi nya ay parang sinasaksak ako ng kutsilyo sa dibdib .
" wag kang matulog sa kwarto ko May bisita ako!!! Singhal ko dito.
" pero mahal".
" hindi mo ko madadala sa mga pang aakit mo Thalia alis na!.
Nagdala ako ng ibang babae sa kwarto ko, sinasadya ko talagang makita nya iyon.
Wala na itong ibang nagawa kundi ang umiyak ." pwede bang mawala Kana sa buhay ko Thalia, you ruin my life! sigaw ko sa kanya ng minsan nakabasag ito ng Antique na jar .
Nakikita ko rin si manang Corazon kung paano sya mag malasakit kay Thalia ngunit pati rin siya ay natatakot din.
Habang nasa sala ako at busy sa pagbabasa ay sinadya ko talagang mahulog ang baso para linisin nya. Mabilis naman nya itong nalinis.
" sabi mo Liam mahal mo ako, pero bakit ka nagbago? nasaan na yung Liam na mapag mahal?" iyak na sambit nito sakin.
Tumayo din ako para sagutin siya.
" sino ka para tanungin ako! malamig kong sigaw.
" pwede ka namang umalis sa bahay na to kung napapagod Kana!
Iyon na ang huling masakit na salita na binitawan ko bago mawala si Thalia, at mas lalo akong nag sisisi nang May matuklasan ako.

BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...