ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

1 0 0
                                    

CHAPTER 26

LIAM'S POV

Hindi ako pwedeng magkamali si Thalia ang nakikita ko ngayon , nang mapansin kung umalis ito sa kinatatayuan nya ay pasimple ko itong sinundan.

Nang makarating ito ng CR ay saktong walang tao. Nang makompirma kong si Thalia nga ay agad ko itong hinawakan .

Ngunit sinabi nyang hindi nya ako kilala, pero hindi ako naniniwala paanong hindi nya ko makikilala e asawa nya ko.

Hindi ko na pigilan ang sarili kong h*likan sya dahil sa pangungulila ko sa kanya, halos ayaw ko nang bitawan ang mga labi nya ng oras na yon.
Mas lalo ko pang tinagalan ang pag h*lik sa kanya ng maramdaman kong tumutugon din siya.

Kung wala nga lang May dumating na bisita baka hindi lang h*lik ang ginawa ko sa kanya.
Agad din siyang tumungo sa CR ngunit hindi nako makasunod dahil pambabae yon.

Halos dalawang oras na ngunit hindi ko pa rin mahagilap na si Thalia. Pinuntahan ko si ninang Deniece pero sabi nyang umuwi na daw ito dahil masama daw ang pakiramdam.

Kinabukasan ay agad akong pumunta sa kompanya nila ninang , lagi na akong nakakapasok sa office nila dahil hindi na ako iba sa kanya .

Alam ko naman na si Thalia na ang bagong CEO ng costañares ngayon, pagpasok ko sa opisina ay wala pa ito , nag antay muna ko saglit at maya maya pa ay dumating na nga ito

Halos manlaki pa ang mga mata nya nang makita ako.

they're you are!. ngising bungad ko sa kanya

" a.. anong ginagawa mo dito?" takang tanong nya

" I'm waiting for you actually your late".
        
      " paano ka nakapasok sa opisina ko?"!

" lagi na akong nakakapasok dito Thalia hindi na kasi ako iba kay ninang Deniece!.

Alam kong gulat din siya sa mga sinabi ko sa kanya, Pinagbantaan nya ko na tatawag siya ng guard kong hindi pa ako aalis.

Alam kong hanggang ngayon ay galit pa rin siya sakin, at hindi madali sa kanya ang patawarin ako.
Pero labis ko nang pinagsisihan ang ginawa ko noon sa kanya.

Hindi pa rin ako umalis sa kompanyang yon , nakaparada ang kotse ko sa labas at hinihintay ko talagang lumabas si Thalia.

Pero hindi ko akalain na May kasama itong lumabas, walang iba kundi si Lester. Talagang hindi sumusuko si Lester sa kakabuntot sa asawa ko.

Sinundan ko pa rin sila hanggang sa makapasok ito sa restaurant, nag iinit ako sa galit nang makita kong ngumingiti si Thalia kay Lester.

Agad ko silang sinalubong sa labas ng matapos na silang kumain.

" oh dude long time no see ah". bati nito sa akin.

Dahil galit ako ay sinalubong ko kagad ito ng suntok.

" tigilan mo ang asawa ko Lester!!! pagsisigaw ko dito.

Tudo awat naman si Thalia sa amin, dahil nagpapalitan na kami ng suntok ni Lester marami na ring tao ang nanonood sa amin.

" pwede ba Liam tumigil Kana!! sigaw ni Thalia sakin.

"  ako talaga ang patitigilin mo Thalia, e diba dapat yang g*gong Yan!.

Awat awat na rin kami ng mga guard doon kaya hindi na kami mag abot pa ni Lester.

" umalis Kana kung mang gugulo kalang Liam!!. pagtataboy nya.

" ok fine !.

Inis na inis kong iniwan si Lester at Thalia, bakit parang wala lang ako sa kanya , bakit kong makataboy sya sakin ay parang hindi nya ko asawa.

Hindi ako umuwi ng araw na yon, pinuntahan ko si ninang Deniece sa bahay nila, hindi alam ni ninang ang tungkol sa amin ni Thalia .

Nag doorbell ako sa labas at pinagbuksan naman agad ako ni ninang.

" oh Liam napadalaw ka" halika pasok!.

Pumasok naman ako at umupo sa sofa nila, wala pa si Thalia dahil alas tres palang ng hapon.

" who are you Mr.!? tanong ng isang batang babae .

Napakaganda nito at diko alam kong bakit ako kinakabahan.

" hey Thea mommy said don't talk to stranger! saway din ng isang batang lalaki.

Halos manlaki ang mga mata ko ng mapansin kong malaki ang pagkakahawig nito sa akin.

" ah Liam ito uminom ka muna" sabay abot sakin ni ninang ng juice.

" sa salamat po"

    " ninang kaninong anak sila?"

Interesado kasi akong malaman kong mga anak ko ba sila.

" ah sila mga anak yan ni Thalia, kambal kasi sila , this is Thea , and si Luke " pagpapakilala nya sakin.

Parang gusto kong umiyak ng mga oras na yon dahil kaharap ko na mismo ang mga anak ko .

" hi po! magkasabay nilang bati sakin.

agad ko silang niyakap , si ninang din ay nagtataka kong bakit ko ginawa yon.

"I'm your daddy kids! pagpapakilala ko .

" Liam ano bang sinasabi mo?" kunot noong tanong ni ninang.

" tsaka ko nalang po ipapaliwanag ninang! .

" daddy ka po ba talaga namin?" tanong ni Thea .

" yes baby daddy mo ako!.

           " yehey! sigaw din ni Luke.

" Liam anong ginagawa mo dito!
Agad akong napalingon sa likuran ko ng marinig ko ang boses ni Thalia.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon