ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

1 0 0
                                    

CHAPTER 13

THALIA'S POV

Natagalan ako sa CR dahil maraming Naka occupied, Nang matapos na ako ay  agad na akong lumabas, diko inaasahang makikita ko si Liam na kausap ang isang babae.

Narinig ko rin ang last conversation nila , napag-alaman ko rin na ito pala si Reina.
Bahagya akong naawa nang makita kong hindi ito pinakikitunguhan ng maganda ni Liam.

Nang mapansin nya ko ay agad nya kong nilapitan at hinila palayo sa lugar na yon.
Napagpasyahan nya rin na dito nasa hotel magpahinga.

Saktong pagpasok namin sa kwarto ay sinunggaban kaagad ako ng halik ni Liam.

" Thalia can we make a baby here".

Natawa pa siya nang makita ang expression ng mukha ko.

" ikaw talaga kahit kailan ang hilig mo! sabay palo ko sa mga braso nya.

" sayo lang naman eh!.

Niyakap nya ko ng mahigpit na para bang ayaw nya ko mawala, ibang iba na Liam ang kasama ko nitong mga nakaraang araw.

Nawala na ang pagiging cold at ang pagiging masungit nito, iniisip ko na baka mahal na nya ko, pero ayaw ko naman mag assume kasi baka nag iilusyon lang ako.

" ah Liam ano pinagusapan nyo ni Reina kanina?" hindi ko alam kong tama bang tanungin iyon, pero syempre curious din ako.

" hmm Wala naman Hindi naman importante yon" .

" ah ganun ba".

" wait are you jealous?".

Bigla tuloy akong namula sa tanong nya ,
Kapag ba nagtanong selos agad.

" selos ka Jan!. pagsusungit ko.

Tumawa sya nang malakas sa naging reaksyon ko, hinila nya ang kamay ko papunta sa kanya pinaupo ako nito sa mga Paa nya, para tuloy akong bata sa posisyon ko.

" wala kang dapat ikaselos dahil asawa mo nako"

" sino ba nag sabing nagseselos ako?". pagdadahilan ko.

" bakit hindi ba? nag bu blush na nga yang mukha mo eh!!. pang aasar pa niya.

Maya maya pa ay sumeryoso na ang awra ng mukha nito, matagal nya kong tinitigan dahilan para mailang ako.

" thank you Thalia" sambit nito.

" thank you saan? .

" for everything at lalo na sa pagdating mo sa buhay ko " i love you Thalia!.

Biglang kumabog na parang nag takbuhan na kabayo ang dibdib ko sa sinabi nya, totoong mahal nya na ako. Hindi maipaliwanag ang tuwa ko ng sabihin niya iyon.

" i love you too Liam!.

Hindi na pinatagal ni Liam at sinimulan nanaman nya akong halikan, Hindi nya pinalampas ang gabing iyon at sa pangatlong pagkakataon ay May nangyari nanaman samin.

Samantala kina umagahan ay maaga kaming bumalik ng mansyon , nadatnan namin si manang Corazon doon , nakarating na pala siya.

Kwenento ko sa kanya lahat at maski siya ay hindi makapaniwala sa mga nangyayari, tinawagan ko rin si tatay at ibinalita sa kanya ang lahat ng kabutihan ni Liam sakin.

Rinig ko ang galak ng aking ama sa kabilang linya nang marinig nya ang binalita ko.

Umabot na kami nang Tatlong buwan ni Liam pero hindi parin ako nabubuntis medyo nagtataka naman ako dahil wala naman kaming control.

Ngunit isang araw ay biglang bumaliktad ang sikmura ko , umaga pa iyon at imposibleng hindi ako natunawan dahil wala pang laman ang tiyan ko non.

Nag try akong bumili ng pregnancy test para malaman kong nagdadalang tao na ako.
Nang makabili nako ay sinubukan ko kaagad na mag test.

Hindi ko sinabi kay Liam ang plano ko dahil balak kong sorpresahin sya kung totoo ngang buntis ako.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon