ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

2 0 0
                                    

CHAPTER 18

THALIA'S POV

Busy ako sa pag pupunas ng sahig ng biglang manakit ang balakang ko, ilang araw na rin akong walang pahinga dahil sa takot kong magalit sakin ang asawa ko.

Naramdaman ang maiinit na likidong umaagos sa mga hita ko, tinawag ko ang pangalan ni manang at nagmadali rin itong lapitan ako.

Isinugod nya din kaagad ako sa ospital , tinatawagan ni manang si Liam ngunit out of coverage area lagi.

Maya maya pa ay dumating na rin ang doktor na tumingin sa kalagayan ko.
" miss Moretz you have to be careful kasi masilan ang pagbubuntis mo"
" over fatigue Ang cause ng pagkakaroon mo nang bleeding."

" ganun po ba doc" mahinang sabi ko.

" kailangan mong alagaan ang pagbubuntis mo dahil dalawa ang nasa sinapupunan mo".

Nagulat pa ako sa naging pahayag nya , ibig sabihin ay kambal ang pinagbubuntis ko.?.
Nag advice din siya na kung hindi ko pa  iingatan to ay maaaring tuluyan akong makunan.

Nag stay din ako sa ospital ng tatlong araw ngunit walang Liam na dumadalaw sakin, tanging si manang lang ang nag-aasikaso sakin doon.

Nang makalabas na ako ay agad kaming umuwi ng bahay, bamalik sa akin ang sinabi ng doctor na kung hindi ako magiingat maaring makunan na ko ng tuluyan.

Magagawa ko lang iyon kung aalis na ako sa piling ni Liam, gusto ko pang makita at makasama ang mga anak ko, kakayanin kong buhayin sila kahit wala ang ama nila.

Nagsimula akong mag impake ng mga damit ko at nagpaalam kay manang Corazon, Hindi naman ako pinigilan ni manang dahil yon daw ang pinaka tamang desisyon na gagawin ko.

Nang makalabas na ako ng gate ay hindi ko na muling nilingon pa ang mansyon, at pinapangako ko rin na kailan ma'y hindi na ako tutuntong sa bahay na yon.

Sinisigurado ko ring hindi makakalapit ang mga anak ko sa kanya, hindi ko pa alam kong saan ako pupunta ngunit isa lang naisip ko ang bumalik muna sa tatay ko.

Niyakap ko si tatay nang makarating ako sa bahay, hindi ko sinabi sa kanya ang nangyari sakin sa bahay na yon. NAGdahilan nalang ako na namimis ko siya.

Isang Linggo ang makalipas simula nang umalis ako ng mansyon, Wala talagang pakialam si Liam sa akin o sa amin ng anak nya dahil hindi nya man lang magawang hanapin kami.

Nagluluto ako nang tinawag ako ni mang Berto sa labas ng bahay.

" Thalia ang tatay mo!!. sigaw nito.

Mabilis kong pinagbuksan ito at agad na tinanong kung napano ang tatay.

" isinugod sa ospital Thalia kaya bilisan mo at puntahan mo na siya!!.

Nagmadali akong pumunta sa isang public hospital sa Lucena kung saan Naka confine si tatay. Nang makarating ako doon ay bumungad sa akin ang nakaratay kong ama.

Agad ko siyang niyakap ng mahigpit , hinang hina ito at labis akong natatakot.
  " anak magpakatatag ka ha mahal na mahal ka nang tatay"! mahinang sambit niya.

" Tay wag nga kayong magsalita ng ganyan! saway ko dito. Pero patuloy lang ito sa pagsasalita kahit hirap na siya.

" ikaw anak ang pinakamagandang regalo sa amin nang nanay mo, kaya sana maging mata..pang ka.. dahil hin. di na kita masa..samahan ". utal utal nitong sabi.

" Tay please naman Ho wag na po kayong magsalita! umiiyak na ako ng mga oras na yon.

" hini..hintay na.. ako.. nang na..nay mo anak!.

Maya maya pa ay naging zero na ang line ng monitor nya , mabilis akong tumawag nang doctor para maligtas pa siya.

Ngunit sila din ay walang nagawa , wala na si tatay .. wala na siya.. iniwan na nila ako paano na ako?, hagulgol ko sa malamig na katawan ng tatay.

Matagal na palang May sakit sa baga ang tatay ko ngunit nilihim nya sakin iyon, kaya pala dati napapansin ko syang ubo ng ubo kapag dumadalaw ako sa bahay.
Tuluyan na daw na infection ang mga organs nya kaya nagkakomplikasyon iyon na rin ang  naging cause of death nya.

Isang Linggo ang nakalipas ay inilibing na rin siya sa huling hantungan niya , nagsimula nang magsi uwian ang mga nakiramay sa ama ko. Ngunit pinili kong nagpaiwan sa lugar na yon.

Bumuhos ang malakas na ulan na sinabayan pa ng kulog at kidlat " ang daya mo !! alam mo ba yon!! pagsisigaw ko habang nakatingin sa langit.

" kinuha mo na nga si nanay , ngayon ang tatay ko naman!! sinabayan ng malakas na ulan ang bawat  pagluha ko halos nag halo narin ang luha ko sa patak ng mga ulan sa mga mata ko.

" kunin mo nalang din ako please! ito naman ang gusto mo diba ang masaktan ako! patuloy na pagsisigaw ko

Basang basa ako habang papaalis sa sementeryo nakasuot pa ako ng bestidang itim ng araw na yon.
Patuloy ako sa paglalakad na nakatingin sa kawalan .

Tulala kong tinahak ang kalsada kahit di ko alam kong san ako papunta, ni hindi ko na naririnig ang mga busina nang sasakyan at kusa nalang nila akong iniiwasan.
Inisip ko na wala nang saysay ang mabuhay pa.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon