ONE YEAR CONTRACT WITH MR. MORETZ
CHAPTER 6
As usual pag gising ko ay wala nanaman siya, pero ok lang sinulit ko naman ang pagtitig sa kanya kagabi. Agad kong kinuha ang keypad kong cellphone para tawagan si tatay
( May keypad pa pala ngayon?)Medyo matagal pang nag ring ito bago sinagot ni tatay, mahina din kasi ang signal sa bahay namin kasi bukid.
" Tay kamusta Napo kayo diyan?"
" eto anak okay naman ikaw kamusta Kana dyan ?" hindi kaba sinusungitan ni sir Liam?".
" naku po Tay napaka bait po"
Actually napaka sungit talaga nya Tay walang paglagyan , yan sana ang sasabihin ko kaso baka magalala pa ang tatay ko.
" o siya anak at babalik na ako ng bukid mag iingat ka dyan".
" sige po love you Tay".
Nakakaawa naman ang tatay ko wala tuloy May nag-aasikaso sa kanya doon sa bahay, di bale dadalaw nalang ako doon bukas.
Mabilis na akong bumaba at tumulong kay manang Corazon sa pag hahanda ng pagkain.
" alam mo iha napakabait mo , naalala ko tuloy si Reina sayo" biglang sambit nito" manang sino po si Reina?".
Luminga linga pa sa paligid si manang bago nagsalita , siguro sinisigurado nya na kami lang ang tao don.
" si mam Reina ang babaeng minahal ni sir Liam . katulad mo ay hindi rin mayaman".
" tapos ".
" nagmamahalan sila at kita ko rin kung paano mahalin ni sir Liam si Reina".
" e asan na po siya? ( chismosa ko no?).
Nakita ko medyo sumiryoso ang mukha ni manang Corazon , parang nararamdaman kong hindi maganda ang naging takbo ng relasyon nila Liam noon.
" wag mo sanang ipagsabi kahit kanino to Thalia".
" opo promise" nag panatang makabayan pa ako para maniwala siya.
" anniversary nila noon at balak sanang sorpresahin ni sir si Reina, ngunit nang puntahan nya ito sa condo nila Reina. nadatnan nitong May Kat*lik itong ibang lalaki".
" ha sure po kayo?".
" oo dahil pumunta si Reina dito para humingi ng tawad kay sir, don ko rin narinig ang pagtatalo nilang dalawa at alam mo ba ano ang mas masaklap?".
" ano?" kunot noo kung tanong.
" ang kapatid ni sir Liam yung lalaki, si Richard"!.
" ay ano ba yan manang nakaka intriga pala yang lovestory ni Liam " .
" kaya nga sana wag mo siyang saktan para bumalik na sya s dati nyang anyo".
" anyo? ibig sabihin dati siyang maligno?.
" ikaw talaga Thalia nakakatuwa ka minsan, syempre yung ugali nya katulad ng pagiging masungit at pagiging strikto nito".
" ah okay manang teka, asan na pala si Reina?.
" huli kong balita nasa America na ito".
Hindi na ako nag usisa pa dahil baka May makarinig. Pagkatapos naming mag kwentuhan naiisip ko na bumisita nalang kay tatay ngayong araw. Ayoko na kasing ipagpabukas dahil namimis ko na sya.
Tinawag ko si tatay habang nasa bukid pa ito.
Oras kasi nang pagbibigay ng pataba sa palay kaya busy ito.Agad naman nya akong sinalubong nang makita nya akong dumating niyakap ko ito ng mahigpit dahil sa pagka miss ko sa kanya.
" Tay lagi po kayong maglagay ng bimpo sa likod nyo dahil wala po ako dito".
" tsaka wag nyong kalimutan inumin Yong maintenance nyo baka mamaya ano pa mangyari sa inyo dito"." oo na ikaw talaga masyado kang maalalahanin ".
Highblood kasi yung tatay ko kaya nag memaintenance na siya. Nilambing ko pa ito na parang bata. Ang sarap sa pakiramdam na nayayakap mo yung tatay mo.
Mag aalas singko na rin ng nagpaalam ako sa kanya. pasado alas sais na nang dumating ako ng mansyon.
Pag pasok ko palang nang gate ay bumungad kaagad sa akin si Liam( aba'y maaga yata ang uwi nanaman nito).
" san ka galing?" bungad kaagad nito sakin.
" ah kay tatay dinalaw ko siya".
" bakit nasa kulungan ba ang tatay mo para dalawin?"
"hindi naman pero siyempre namimis ko siya"
" ayokong lumalabas ka ng bahay na walang paalam sakin Thalia, my house my rules"
" understand!!.
"o.. oo Liam."
" good girl".
At iniwan na ako , balak yata nya akong ikulong sa mansyon, pati ba yung kalayaan ko ay kasama sa dalawang milyon?.
" nakakainis talaga sya tsk'".
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...