ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

2 0 0
                                    

CHAPTER 19

LIAM'S POV

GAbi - gabi ako sa bar at busy sa pakikipag inuman, halos iba iba rin ang babaeng kasama ko .
Hindi rin ako umuuwi ng bahay dahil naaalala ko ang mga ginawa sakin ni Thalia.

Panay lapit din sakin si Reina, at pati rin siya ay idinagdag ko sa mga babaeng kin*Kam* ko gabi gabi, pero katulad ng ibang babae lang din ang trato ko dito.

Pero kahit anong gawin ko ay hindi mawala wala si Thalia sa isip at puso ko, hindi pa rin mapapantayan ng ibang babaeng kasama ko ang pagmamahal ko sa kanya.

Sa tuwing n*kikip*gtalik ako sa ibang babae ay mukha ni Thalia ang iniisip ko , halos tatlong Linggo na rin akong ganito.
Ni anino ay hindi ako umuuwi ng bahay.

Samantala habang nasa opisina ako ay tumawag sa akin si Mr. Madrigal , hindi na ako interisado sa sasabihin nya dahil alam ko naman ang sakit ko.

Pero May parte sa akin na nag-uudyok na pumunta,  gusto ko rin malaman kong katulad din ba ng isang doctor ang sakit ko.
Nang makarating ako ay nakita ko nanaman si Reina doon.

Nakasuot ito ng puting nurse uniform, kaya naisip ko na nagtatrabaho pala sya doon.
Hindi ko nalang sya pinansin bagkus ay tinungo ko na si Mr. Madrigal.

" maupo ka sir" paanyaya ng doctor sakin.
at agad naman akong umupo.

" Liam i have a good news for you, nasa 80 percent ang chance of rate na makabuo ka ng baby!.

" ano po ang ibig nyong sabihin? I mean nag pa second opinion nako ang sabi baog ako!.

" paano mangyayari yon sir Liam e ako mismo ang nag test sayo at ayon sa matagal kong pananaliksik ay active naman ang mga sp*rm mo".

" pero ang sabi ni DR. Vergara ay baog ako!.

" sinong doctor Vergara?" kunot noong tanong ni doc. Madrigal.

" yung nasa kabilang clinic dyan! sabay turo ko sa kabilang room.

" walang doctor na Vergara dito sir Liam, nurse siguro meron!.

" what ?" agad akong natauhan sa ginawa ko kay Thalia maybe ay anak ko talaga ang dinadala nya at maaring naluko lang ako ng Vergara nayon.

Dinala ako ni doc Madrigal sa kanya at kita ko sa mukha ni Vergara na nagulat sya .

" tell me doctor kaba talaga?" nanlilisik ang mata ko ng tanungin ko siya.

" so sorry po napag-utusan lang ho ako!.

Wala nang kawala ang nagpapanggap ng doktor sakin dahil kasama ko mismo si doc Madrigal.

At ang mas nakakagulat pa ay kilala ko kung sino ang nag utos sa kanya walang iba kundi si Reina.

Agad akong nagpaharurut ng sasakyan at mabilis na tinahak ang daan papunta sa mansyon nang makapasok na ako ng gate ay mabilis akong pumasok at hinanap ang asawa ko.

" Thalia!

" Thalia!

Ngunit tanging echo lang ng boses ko ang sumasagot.
" manang si Thalia po ? ".

Malungkot ang mukhang sinagot sa akin ni manang , agad akong nagmadaling pumasok sa kwarto namin, ang tanging nadatnan ko lang ang madilim na sulok.

Wala namang pinagbago ang kwarto ko maliban nalang sa mga kunting damit na naiwan ni Thalia.

" she's gone iniwan nya na ako! napaka t*nga ko para gawin yon sa kanya, napaupo ako sa sahig ng mga oras na yon.

Humagulgol ako at labis na nagsisisi sa mga nagawa ko, hindi ko kayang mawala siya, nabulag ako sa galit  na hindi nya naman ginawa.

Nilapitan ako ni manang at hinagod ang likod ko.  Lalo akong naiinis sa sarili ko nang malamang muntikan na itong makunan .
Hindi ko man lang sya naalagaan pati na rin ang mga nasa sinapupunan nya

Kinabukasan ay pumunta ako sa bahay nila sa bukid " Thalia mahal harapin moko please mag-usap tayo!

Kanina ko pa ginagawa ang pagtawag sa pangalan nya ngunit nanatiling sarado ang pintuan nila.

" nako sir wala na po si Thalia dyan!. sigaw ng kapit bahay nya sakin.

" nasaan po siya , pwede ko po bang malaman ?" tanong ko dito.

" naku hindi ko rin alam eh, simula  kasi nang ilibing ang tatay nya nong isang araw ay hindi na sya nakabalik pa!.

Halos binuhusan ako ng malamig na tubig sa mga nalaman ko,  hindi ko alam kong sino ang kasama nya sa pagdadalamhati nya ngayon.

Alam kong lugmok na lugmok sya ng mga oras na ito, hindi ko man lang nasilayan ang huling hantungan ni mang Domeng.

Umuwi akong hindi kasama si Thalia, nasa loob ako ng kwarto ko ngayon at abala sa pagtungga ng beer, sa tuwing naiisip ko ang mukha ni Thalia na umiiyak ay dobleng sakit ang nararamdaman ko.

Kasalanan ko lahat ng ito, kasalanan ko,
Unti unti na akong dinalaw ng antok ng mga oras na yon, dahilan siguro ng pagod at tama ng beer saakin.

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon