ONE YEAR CONTRACT FOR MR MORETZ

2 0 0
                                    

CHAPTER 30

THALIA'S POV.

Duguan si Liam nang isugod sa ospital halos napuno na nang dugo nya ang kanyang damit halos mamaos na ako sa kakaiyak habang nilalagyan sya ng oxygen sa ambulansya palang.

Nang makarating kami sa ospital ay diniricho siya sa intensive care unit, tatlong bala daw ang nakabaon sa likod nya sabi ng doctor.
Halos manginig na ang mga palad ko nang mag dadalawang oras na ay wala pa ring balita sa kalagayan ni Liam.

Bakit ngayon pa , bakit ngayon pa kung kailan okay na kami , i lost him for 5 years at hindi ko  kakayanin kong mawala pa sya sakin ulit.

Maya maya po ay lumabas na ang doctor , lumapit kaagad ako dito para malaman ang tungkol sa kalagayan nya.

"Mrs . Moretz we successfully removed the bullet, but he is in coma" , masamang balita ng doctor.

Maya maya pa ay nilipat na rin sya sa private room, awang awa ko na tinititigan ang asawa ko , punong puno ito ng apparatus sa katawan .


Naka oxygen din ito , hinalikan ko ang mga palad nya at tiningnan siya.
Niligtas nya ako sa tama ng mga bala ngunit sya naman ang napahamak.

" mahal please wake up , please! at humagulgol na ako ng iyak.

Hindi ko kayang mawala siya,  hindi ko kaya.
Ang sabi ng doctor hindi pa alam kong kailan sya magigising.

Agad kong ibinalita kay mommy ang nangyari pati rin siya ay nagulat, nagpa imbestiga si mommy para malaman kong sino ang May kagagawan nito sa amin.

Dalawang Linggo na  kami dito sa ospital ngunit nanatili pa ring tulog si Liam.
Kahit hindi nya ko naririnig ay lagi ko pa rin syang kinakausap.

Hanggang sa lumabas na nga ang imbestigasyon tungkol sa salarin.
At nagulat ako na ang suspect ay si Lester Vermejo.

Paano nya magagawa ito , kilala ko si Lester at imposibleng magagawa nya sakin to.
Naniwala lang ako ng ipakita sakin ang cctv nang pinangyarihan ng krimen.

At totoo ngang si Lester, ang tanong kung bakit gusto nya kaming patayin, hanggang ngayon ay hindi pa siya nakikita dahil magaling ito magtago.

Hindi rin ako mapanatag dahil alam kong nanganganib ang buhay namin at nang pamilya ko habang hindi pa siya nahuhuli.

Naglunsad ng trap opiration malapit sa Tagaytay para mahuli si Lester, doon pala siya nag tago ng dalawang Linggo para takasan ang krimeng ginawa nya.

Kasalukuyan syang ikinulong sa city jail sa Manila, at inihahanda ko rin ang sarili kong harapin sya .

ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon