CHAPTER 17
THALIA'S POV
Abala ako non sa pagdidilig ng halaman nang biglang dumilim ang paningin ko, naramdaman ko ang pagbagsak ng katawan ko sa sahig.
Nang magising ako nasa isang kwarto na ako kasama si Liam. Nakatitig lang ito sakin ng mga oras na yon.Maya maya pa ay nagsimula na rin siyang magsalita.
" sabi ng doctor buntis ka raw" malamig na sabi nito.
Hindi ako makapaniwala na nakabuo na kami ni Liam, walang paglagyan ang kaligayahan ko pero bakit parang hindi siya natutuwa ,
ito naman ang gusto nya ang magkaanak kami.Kaso sa reaksyon ng mukha nya ngayon ay wala man lang akong nasilayan ngiti sa mga labi nya, at mas kinagulat ko pa nang tanungin nya kong sino ang ama ng dinadala ko.
" Liam ano bang klaseng tanong yan? syempre ikaw" mahinang sambit ko dito.
" do you think maniniwala ako sayo Thalia, paanong mangyayari yon e baog ako! sigaw nya sakin.
" Liam wala namang ibang lalaki sa buhay ko ikaw lang!.
Paanong mangyayaring baog sya eh ito nga kot buntis sa kanya, Ngunit kahit paliwanag ko ay hindi sya nakikinig , Hindi ko alam kong saan sya kumuha ng ideyang yon.
Nagsimula ang paghihirap ko nang malaman kong buntis ako, mas pinapatrabho nya pa ako sa bahay kaysa kay manang.
Hindi rin ako pwedeng kumain kapag hindi ko pa iyon natatapos.Lagi kong sinasabi sa kanya na anak namin ang dinadala ko, kaso lalo lang syang nagagalit pinagpipilitan nyang hindi nya anak ito.
Mahal ko si Liam kaya hindi ko magagawang lokohin siya. Kahit ganon nya akong tratuhin ay pinilit kong maging mabuting asawa sa kanya. Medyo May kunting umbok na rin ang tiyan ko dahil tatlong buwan na ito.
Ang laki ng pinagbago ni Liam , at mas higit pa iyon sa unang Liam na nakilala ko.
Tiniis ko ang lahat ng paghihirap ko dahil gusto kong malaman nya na nagsasabi ako nang totoo.Minsan nagdadala pa siya nang mga babae sa mismong kwarto namin, at sa tuwing ginagawa nya iyon ay dobleng sakit ang dulot nito sakin.
" Limang buwan na kaming nagsasama ni LIAM ngunit hanggang ngayon ay hindi nya parin akong kayang bigyan ng halaga, Pero kahit ganun ay ginagawa ko pa rin ang lahat na maging mabuting maybahay sa kanya"
" mahal uuwi Kaba ngayon ?"
" can you please stop calling me Thalia busy ako ngayon!! pabagsak nitong ibinalik ang telepono.
Paniguradong nasa ibang babae na naman ito, ilang araw na rin siyang hindi umuuwi namimis ko na sya.
Madilim ang silid ng kwarto tanging buwan lang ang nagbibigay ng liwanag sa paligid, niyapos ko ang aking mga Paa habang nakaupo sa kama.
Alas dos na nang madaling araw ngunit wala pa si Liam , binuhos ko ang sama ng loob ko sa kwartong yon. Saksi ang bawat sulok sa aking pag tangis.
Parang May bumubulong sa isipan ko na ( tama na Thalia hindi na magbabago si Liam)
Kaya kahit masakit ay nag desisyon akong dapat na lisanin ang lugar na yon.
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomanceThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...