CHAPTER 15
LIAM'S POV
Naawa ako kay Thalia nang sabihin nya sakin na negative ang result nalungkot din ako sa mga naging pahayag nya dahil gusto ko rin na mag kaanak na kami.
Kinabukasan minabuti kong magpatingin sa doctor tungkol sa kalagayan ko.
Iniisip ko na baka ako ang May problema.Nag set ako ng appointment kay Mr. Madrigal para sa pagsuri sa katawan ko.
Sinabi nya rin na pwede ko nang simulan bukas.Nang makarating ako nang ospital ay nakasalubong ko si Reina sa ospital na yon hindi ko rin ito pinansin at hindi ko na rin siya tinanong kung bakit siya nandoon.
Matapos nang check up ay sinabihan ako ni Mr. Madrigal ang detalye sa kalagayan ko. medyo mababa daw ang sp*rm count ko kaya hindi ko mabuntis buntis si Thalia.
Nag advice ito sakin na kailangan na mag relax at bawal ako magpa stressed para maging active ang sp*rm ko ng sa ganun ay makabuo kaagad kami.
Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit ganun ang kalagayan ko kasi healthy naman yung lifestyle ko, nag isip ako nang paraan na what if kumuha ako ng second opinion.
Nagpatingin ulit ako sa ibang doctor dahil baka nagkakamali lang si mr.madrigal, pero mas lalong ikinalugmok ng pagkatao ko nang sabihin ng doktor na ayon sa kanilang pag susuri na hindi ko kayang makabuo ng bata.
Nasa 20 to 30 percent lang daw ang possibility rate na makabuntis
Halos manlumo ako sa sinabi ng doctor dahil sa nalaman ko , at kung sa madaling salita ay baog daw ako.Habang nag da drive ako ay iniisip ko pa rin kung paano ko sasabihin kay Thalia ang problema ko, ayaw ko siyang mag alala at baka iwanan nya rin ako pag nalaman nyang hindi ko siya kayang bigyan ng anak.
Nang papauwi na ko ay bigla nalang nag ring ang cellphone ko.
Nakita kong si manang ang nasa kabilang linya." si Thalia sinugod sa ospital Liam !.
agad akong kinabahan sa mga naging balita nya , hinimatay daw ito habang nag digilig ng halaman. Niliko ko na ang kotseng sinasakyan ko patungo sa ospital kong saan dinala si Thalia.
" asan si Thalia manang?" alalang tanong ko.
" nasa loob pa sir!.
Maya maya pa ay dumating ang doctor para kausapin ako.
" Mr. Moretz good news your wife is 4 weeks pregnant" pagbabalita nito.
Ngunit walang saya ang lumabas sa puso ko ng sabihin nya ang balitang iyon, paanong mabubuntis si Thalia e kaka check up ko lang kanina.
Hindi pwedeng magkamali ang doctor dahil nagpa second opinion nako.
Hinintay kong magising si Thalia sa tabi ng kama nya.Iniisip ko kung paanong nangyaring mabuntis sya, na hindi ko naman kayang maibigay sa kanya iyon, iniisip ko na baka niloko ako ng asawa ko.
Agad akong bumaling sa mukha nya nang magkamalay ito, dalawa lang kami sa kwarto dahil pinauwi ko muna si manang.
" ang sabi ng doktor buntis ka" malamig kong sabi.
Nakita kong ngumiti ito ngunit taliwas iyon sa naging reaksyon ko.
" sino ang ama nyan? agad naman nitong pinagtaka ang tanong na yon.
" Liam ano bang klaseng tanong yan? syempre ikaw" mahinang sambit nito.
" do you think maniniwala ako sayo Thalia, paanong mangyayari yon e baog ako! sigaw ko dito.
" Liam wala namang ibang lalaki sa buhay ko ikaw lang!.
Ngunit imbis na makinig ay bigla kong hinawakan ang mga braso nito.
Namimilipit ito sa sakit dahil sa pagkakahawak ko.Paano nyang nagawang lokohin ako? matapos ko siyang mahalin ay magagawa nya pa rin akong iputan. Agad na kong umalis sa harapan nya bago ko pa siya masaktan .
BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
Roman d'amourThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...