CHAPTER 24
THALIA'S POV.
Nag madali akong mag CR para lang iwasan si Liam, alam kong nakita nya ko dahil kung makatitig ito ay halos hindi na kumukurap.
Hindi pa ako nakarating ng comfort room ng biglang May humila ng kamay ko.
" Thalia? at bigla akong niyakap nito." I'm sorry pero hindi kita kilala! pilit kong tinatanggal ang kamay nya sakin, pero malakas sya.
" hanggang kailan mo ko pagtataguan ha Thalia?"
" nagkakamali ka dahil hindi kita kilala!.Biglang nag iba ang mukha ni Liam na kaninay napakaamo , tumitig pa ito ng matagal sakin at bigla nalang hinalikan ang mga labi ko.
Pinipilit nyang ibuka ang mga labi ko dahil nga sa malakas siya ay nagtagumpay siyang halikan ako. Ang pinakaiinisan ko ay kong bakit ako tumugon sa halik nya.
Halos saan saan na rin pumupunta ang kamay ni Liam , at hindi ko siya pinipigilan, nagising lang ako sa pagiging marup*k ko ng May dumaang bisita para mag CR.
" your lips was so sweet Thalia." .
Hindi ako nagsalita dahil naiinis ako sa sarili ko ng mga oras na yon, nagkunwari akong hindi siya kilala pero kung makatugon ako sa halik nya parang wala ng bukas.
" akala ko ba hindi moko kilala" pang aasar nito.
Hindi ko na siya pinansin at nagmadali nang umalis sa harapan nya papasok na ako ng CR ng napansin kong nakasunod pa rin siya.
" really? kahit sa CR susunod ka?" pagtataray ko.
Hindi na rin namn siya sumunod doon , dahil pambabae ang CR na yon. sinadya ko talagang mag tagal ako sa CR para mainip sya kaka antay sakin.
Matapos kong gumamit ng banyo ay nagsimula na akong lumabas, sinilip ko muna kong nandyan pa siya. nang makita kong wala ay lumabas na rin ako.
Nagpaalam ako kay mommy na sumama ang pakiramdam ko at kailangan ko nang umuwi, ang totoo ay gusto ko lang talagang iwasan si Liam.
Hindi pa ako handa na makita siya,
Habang nasa sasakyan ako ay sapo sapo ko pa rin ang mga labi ko na tila namimis ko ang mga halik na dala ni Liam kanina sakin.Pagdating ko ng bahay saktong alas dyes na kaya hindi ko na naabutang gising ang kambal, sinilip ko muna sila sa kwarto nila bago ako pumasok sa kwarto ko.
Nagbihis ako ng pantulog at nagsimula nang humiga , habang nasa kama ako ay hindi pa rin maalis sa kin ang mukha ni Liam.
Ang mukha ni Liam ay hindi nagbago kahit limang taon na ang nakaraan , nanatili pa rin itong gwapo sa paningin ko.
Pero kailangan kong tanggalin sa isipan ko si Liam , dahil malaki ang naging kasalanan nya sakin. Hindi dapat ako madala sa bitag nya .
Madaling araw na ako dinalaw ng antok na dahil kay Liam, bw*sit talaga siya, nang dahil sa kanya puyat ako ngayon araw.

BINABASA MO ANG
ONE YEAR CONTRACT FOR MR. MORETZ
RomantizmThalia Padilla is a simple girl living in the province of Lucena. She was kind and having a beautiful heart . Hindi hadlang sa kanya ang pagiging mahirap kapos man ay masaya pa rin. Ngunit sa di inaasahang pangyayari ay nagkaroon ng malubhang sakit...