Chapter Twenty-Seven

339 8 0
                                    

*****[Now playing: Summer Paradise by Simple Plan]*****

------------------------

Chapter Twenty-Seven

Three days ago nang matapos ang Christmas, kahit papaano naenjoy ko kahit hindi kasama si Top. Tumawag din siya sakin nung Christmas dahil gumawa raw siya ng way kung paanong palusot ang dinahilan niya kina tita Tiffany at tito Lucas kung bakit hindi kami nakarating ng family ko sa party nila and fortunately, kumagat sila. Hanggang ngayon pala, wala pa ring alam ang parents ni Top na anak ako ng kaaway nila sa business. Alam niyo naman diba na once na malaman 'yun nina tito Lucas ay ipapakasal si Top sa babaeng hindi niya mahal, kaya nga ako nagpretend na girlfriend niya 'cause of that. Dati wala akong pakialam pero iba na ngayon, hindi ko na hahayaang mawala sa akin si Top.

"Yuan?" Tawag ni GD mula sa labas ng room ko.

Nagpunta naman ako sa pinto para pagbuksan siya at bumungad sa akin ang isang nakasandong fit at nakashorts na GD. Ang cool.

"Oh bakit?" Tanong ko.

"Tara maglakad-lakad, tapos swimming tayo mamaya."

Um, papayag kaya ako? Parang wala kasi ako sa mood e. Pero sige na nga para hindi ako mabuwang dito.

"Um, sige." Sagot ko, sakto namang nakashort lang ako ng maiksi at nakabackless so ready to swim na lang.

Sabay na kaming bumaba at naglakad-lakad sa labas. Naabutan namin sina kuya Yano at ate Norrine na nakaupo sa gilid ng pool habang nakalublob ang paa sa tubig.

"Maglalakad-lakad lang kami ni GD ha." Patuon ko sa kanilang dalawa.

"Ingat kayo!" Sigaw ni kuya ng medyo nakalayo-layo na kami.

Tahimik lang kaming naglalakad ni GD kaya naisipan kong ako na ang magsimula. Random topic na lang para lang hindi maging awkward.

"Ang sarap ng hangin no?" Sabi ko sabay stretch ng arms ko.

"Bakit? Ano bang lasa?" Seryoso niya pang tanong pero ngumiti ng pang-asar.

"GD!!! Ikaw kaya, matitikman mo ba ang hangin?! Tsk." Pero napangiti na rin ako, 'di ko naman sineseryoso.

"Haha. Joke lang. Lapit na naman graduation tapos fourth year na tayo." Sabi niya at huminto sa paglalakad at umupo sa bermuda grass kung saan humahampas ang hangin sa braso namin.

May puno kasi ng buko dito pero wala pa naman bunga kaya safe kami kahit umupo kami sa ilalim nito. Ang sarap nga sa pakiramdam eh.

"Oo nga eh, ang bilis no?" Saad ko naman at sumandal sa puno habang nakaupo.

"Nga pala Yuan, kelan mo balak magstart sa plano mong mapag-ayos ang family mo at family ni Top?" Bigla niyang natanong kaya napabaling ang tingin ko sa kaniya.

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon