Chapter Thirty-Six

318 7 0
                                    

*****[Now playing: Still Into You by Paramore]*****

----------------------

Chapter Thirty-Six

"Kanina ka pa nagdadrive dyan, saan ba talaga tayo pupunta ha?" Tanong ko kay Top habang andito kami sa loob ng kotse niya. Paano ba naman kasi, kanina pa 'tong asungot na 'to na drive ng drive. Hindi ko naman alam kung saang lupalop kami pupunta.

-______-"

"Um, I don't know? Saan mo ba gusto?" Anak naman ng tinapang galunggong!

"Haay! Ewan ko sa'yo. Kung nanuod tayo ng program sa school eh 'di sana mas may pinag-ukulan pa tayo ng panahon." Paghihimutok ko pero salamat na lang sa seatbelt. Kasi naman bigla ba namang pinreno ang kotse. "Tooopp!! Ano ba?! Papatayin mo ako sa kaba!"

Hindi na naman siya sumagot at hindi ako pinansin. Sukat lumabas pa ng kotse, hindi talaga ako kinausap. Aba! Bahala nga siya sa buhay niya! Nakakainis na 'yung paiba-ibang mood niya. Badtrip! Hindi na lang ako lalabas ng kotse, bahala siya sa buhay niya!

*tok tok*

Hindi ko na lang pinansin, dahil alam ko si Top 'yung kumakatok sa bintana ng kotse sa side ko. Hindi ako lumilingon at nakabusangot lang ang mukha ko. Badtrip kasi siya e!

*tok tok*

Bahala siya dyan maghintay! Hindi. Ako. Lalabas! Amp!

"Princess," sigaw niya mula sa labas pero mahina lang ang sound sa loob ng kotse.

Naku, maghintay ka dyan. Bahala siya! Inaya-aya kasi ako tapos hindi naman pala alam kung saan kami pupunta? Aba't pinapainit ang ulo ko? Tsk.

Pero ano pa bang magagawa ng galit ko? Andito na e, oo na oo na, sige na nga. Papansinin ko na siya, haay.

Bubuksan ko na sana ang pintuan sa side ko nang matanaw ko bigla si Top na wala na sa tapat ng bintana ng kotse. Halos tumaas ang dugo ko at umusok ang tenga't ilong ko sa galit nang makita ko siyang may kausap na isang babaeng tingting na naka-maikling shorts at spaghetti straps. Abaa!!!! Grrr!!!! At kung makangiti pa 'tong babaeng tingting kay Top, parang nang-seseduce?! Aba't! Kung hindi baga naman, isa't kalahating kilong haliparot 'tong babaeng 'to. >_<

Wala akong pakialam! Tumakbo ako sa loob ng dalawang segundo papunta sa kinaroroonan nila at pumagitan sa kanila saka humarap sa babaeng tingting habang nakapameywang ako.

Tumingin muna ako ng saglit sa mukha ni Top at parang wala lang sa mukha niya kung nandito ako o wala. Humanda ka sakin mamaya, tatapusin ko muna 'tong tingting na 'to.

"Hi, I'm Princess Yuan," abay abot ko ng right hand ko sa babae, asking for a shake hand with an oh-so-great-killer-smile towards her. "His wife." Dugtong ko.

"W-wife?" Oh ano ka ngay-on?! Pero sa halip na lumayas ang haliparot na 'to sa harap ko eh, sinagot pa ang kamay ko for a shake hand, "nice meeting you, Yuan. By the way, ako naman si Ellena. Pinsan ni Top."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon