Chapter Thirty-Four

323 8 0
                                    

*****[Gasoline Boy by Yeng Constantino]*****

------------------------------------------------

Chapter Thirty-Four

NORMAL P.O.V.

'PRINCESS, I LOVE YOU'

'PRINCESS, I LOVE YOU'

'PRINCESS, I LOVE YOU'

'PRINCESS, I LOVE YOU'

Parang ayaw pa rin magsink-in sa utak ko ang mga salitang binanggit sa akin ni Top. Ultimo, ugat ko parang nararamdaman kong tumitibok.

Bigla na lang akong bumalik muli sa katinuan nang haplusin ni Top ng marahan ang buhok kong nakalugay.

Hanggang ngayon magkasama kami, hindi pa rin kami umaalis dito sa abandoned court. Nakaupo kami sa harapan ng sasakyan ni Top habang liwanag naman ng buwan ang nagdadagdag liwanag sa gabing ito.

"Top," sambit ko at tumingin sa kaniya. Napatingin din siya sa akin kasabay ang pagngiti ko ng tipid. "I can't still believe na mahal mo rin ako."

Hininto niya ang paghaplos sa buhok ko at hinawakan ako sa magkabilang braso. Tinitigan na muna niya ako gamit ang karaniwang ekspresyon ng mukha niya, walang bahid ng anumang emosyon. Pero ramdam ko, masaya siya at talagang mahal niya ako. Ang mga titig niya, walang pagbabago. Para pa rin akong natutunaw sa mga titig ng mga mata niya. Nabigla na lang ako nang bigla niya akong hinatak dahilan para mapasandal ako sa dibdib niya. Dinig ko ang sunod-sunod na pagtibok ng puso niya.

Lalo pa niyang hinigpitan ang yakap sa akin, parang 'yung tipong hindi na ako makahinga.

"T-Top, hindi ako makahinga. Ang higpit masyado ng yakap mo." Sabi ko, pero gusto ko naman ang ginagawa niya. Hehe.

"Mahal na mahal kita Yuan. Ang tagal nating magkasama pero halos lahat ng ginawa ko ay ang paiyakin ka. I'm sorry. Ang tanga ko. Dati pa lang, gusto ko nang sabihin sa'yo na mahal kita pero nagdadalawang-isip ko, iniisip ko na baka masaktan lang kita." Huminto siya sa pagsasalita at humiwalay mula sa pagkakayakap sa akin. Tumitig muli nang mariin sa mga mata ko kasabay ng malakas na pagtibok ng ptso ko. "But I promise you, I won't hurt you. I'll protect you every second, every minute and every single of our lives. I won't leave you, I'll always be by your side. I love you, Princess."

Pagkatapos niyang sabihin ang mga iyon ay ngumiti siya, isang panibagong ngiti na naman mula sa kaniya. Kinikilig na nga ako e, haay. Parang kanta lamang na kaysarap pakinggan ang mga sinabi niya.

^_______^

Hinaplos ko naman nang marahan ang kanang pisngi niya sabay lapit ko ng mukha ko sa kaniya ng medyo nakatingala.

"Mahal na mahal na mahal na mahal din kita, Top Monteverde Swanepoel." Sabi ko.

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon