Chapter Forty

315 10 7
                                    

Dedication goes to . . . PrettyLittleClaws. Thank you sa walang sawang pagbabasa. :) Ang kulet niyan mag-comment kahit kasisimula lang magbasa. Hehehe! Salamat! :D

[Sa mga readers ng WMMK na gustong magpadedicate, sabihin niyo lang sakin. Pero po, dapat po readers lang nitong WMMK. Thank you. :) ]

*****[Now playing: I Still Believe by Mariah Carey]*****

------------------------

Chapter Forty

GD's P.O.V.

Halos paliparin ko ang kotse ko papuntang hospital. Shit! Malapit na ako, Yuan! Pambihira naman, hindi man lang nagsasabi kung may sakit siya. May tumawag kasi sa akin gamit ang phone ni Yuan.

[Flashback]

On the way na ako sa school. Napadaan ako sa bahay nina Yuan, hindi pa ako nakakalabas ng village e. Hihinto sana ako para sunduin siya pero naisip kong baka sunduin siya ni Top kaya nagtuloy-tuloy na lang ako sa pagmamaneho.

[Cellphone rings]

Unregistered 'yung number kaya kinansel ko. Nagpatuloy na lang ako sa pagmamaneho. Pero napatingin ulit ako sa phone ko kasi nagring na naman. Anak ng . . . Sino ba 'tong damuhong 'to?! =_="

"Hello. Speaking. Ano?!! Saang hospital?!!"

Pagkasagot niya sa tanong ko ay agad kong hinarurot ang kotse ko papuntang hospital kung nasaan si Yuan.

[Back to reality]

Pagkapark ko ng kotse sa parking space ng hospital, agad akong bumaba at tinawagan 'yung phone ni Yuan. Wala akong idea kung sino man ang may hawak ng phone, wala na akong pakialam! Ang mahalaga, mapuntahan ko agad si Yuan.

"Hello. Papunta na akong emergency room. Nasaan ka?!" Agad kong tanong sa taong may hawak ng phone ni Yuan.

Binaba ko na agad ang phone pagkasagot niya sa tanong ko. Nagtatakbo na lang ako papuntang emergency room. Sana nasa ligtas si Yuan!

Nakita ko agad ang isang lalaking nakaupo sa may upuan malapit sa E.R. Oo, lalaki ang kausap ko sa phone ni Yuan kanina.

"Nasaan siya?! Anong sabi ng doctor?!!" Napatayo siya, hindi ko makalma ang sarili ko.

"Ikaw 'yung kausap ko sa phone kanina? Buti, naisip mo agad na ako ang nagdala sa kaniya--"

"Anong sabi ng doctor?! Ano ng lagay niya?!!" Putol ko agad sa pagpapaliwanag niya kasabay nun ang pagkuyom ng mga kamao ko.

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon