Chapter Thirteen

443 13 0
                                    

*****[Now playing: Conspiracy by Paramore]*****

-------------------

Chapter Thirteen

Halos nasa mukha naming anim ang pagkagulat nang biglang sumingit si Alexa sa pag-uusap namin. Epal talaga tong palakang to.

Sinundan namin siya ng tingin at nagpunta pa sa likod ni Top. Si Top naman, wala man lang kakibo-kibo at mukhang gustong gusto pa. -___-

Di ko naman akalain na, ka-department ni Top tong dibdibang palaka na to.

Ngumisi ang palaka ay este si Alexa sa akin.

"Oh, bakit kayo natahimik? Sinagot ko lang naman ang tanong ni Yuan," sabay baba ng tingin kay Top at hinawakan pa sa magkabilang balikat si Top. Ugh, pag ako di nakapagpigil! "Diba Top?"

Bulong niya sa tenga ni Top at sumulyap pa sa akin nang nakangising aso. Si Top naman, wala pa ring expression ang mukha. Aish!

"Good to hear that." Sagot ko, kahit na gusto ng isuka ng tenga ko ang mga sinabi niya. -.-

Ngumiti si Alexa at di pa nakuntento, minasahe niya pa kunwari ang mga balikat ni Top. Buset talaga tong palaka na to, pag ako napuno! Sa harapan ko pa talaga niya ginagawa ang mga yon!

Magsasalita sana ako kaso . . .

"Get off your hands from my shoulder." Malamig na sabi ni Top and obviously, si Alexa ang tinutukoy niya.

Sa halip na tanggalin ni Alexa ay lalo niya pang minasahe kunwari ang balikat ni Top.

"Bakit Top? Diba, gustong-gusto mo namang minamasahe kita?" May paglalambing pang tono ng boses niya kay Top.

What the frog? Minamasahe niya lagi si Top?

0______0

"I said, get off your fuckin' hands from me!"

Halos napagasp kaming lahat dito nang sumigaw si Top. Tinignan ko si Alexa at parang palakang nagsurrender. Hahaha! Yung mukha niya . . . Hahaha! Yung mukha niya, lalo siyang nagmukhang palakang gubat! Wahaha!

"Tss!!!" Sabi ni Alexa at umalis na sa lugar namin saka dun naghagalpakan ng tawa ang mga kasama ko. Pati si GD napapangiti.

"Hahaha! Good job, boss! Her face was really priceless!" Napapahampas pa sa table na sabi ni Seungri.

"Oo nga, nagulat ako at bigla na lang siyang sumulpot." Dugtong ni Taeyang.

"Haha. Di na kayo nasanay kay Alexa." Sabi naman ni Dae.

Tapos na rin kaming kumain at nananatili lang na tahimik sina GD at Top. Kung kay GD, siguro naiilang pa siya, kung kay Top naman, anong bago dun? Tsk.

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon