Dedication goes to . . . Kaydee. :)) Natatawa raw siya eh. Hehehe! XD Salamat sa patuloy na pagbabasa! :D
-------------------------------------------------------------------------------------
*****[Now playing: Crush Crush Crush by Paramore]*****
--------------------
Chapter Twenty-One
Ang lamig, humahampas sa jacket ko ang hangin at ang buhok ko tinatangay pa. Lalo ko pang hinigpitan ang pagkakahawak sa jacket ko habang naglalakad-lakad mag-isa dito sa bayan. Gusto ko lang mag-unwind, baka mabaliw lang ako sa bahay kapag nagkulong ako. Nandun na sina mama sa bahay at alam na nilang alam ko na ang lahat pero di pa nila alam na may connection ako kay Top. Tanging si kuya lang ang nakakaalam sa miyembro ng pamilya namin.
Nakakita ako ng isang bench dito sa park at naupo ako. May dumaan na teen couple sa harapan ko at napabuntong-hininga ako. Naalala ko lang bigla nung nandito kami ni Top sa park, masaya ako nung kasama ko siya. Siguro ngayon, galit pa rin siya sakin. Kasalanan ko kasi eh, nagpadalos-dalos ako.
Tama nga kaya ang sinabi ni GD? Ang sabihin ko na kay Top ang nararamdaman ko, na gusto ko siya. Isang malalim na buntong-hininga na naman ang pinakawalan ko. Haay, hindi ko alam ang gagawin ko.
"Baby, gusto ko nun oh, bili tayo ng siomai!" Napatingin ako sa babaeng nagsalita. Kasama ang boyfriend niya.
Napailing ako, nakakaloko ang tadhana. Sukat gumagawa talaga ng paraan para ipaalala sakin ang lahat.
Muli akong tumayo at makapasok na lang ng mall. Magliliwaliw ako mag-isa. Medyo marami ring tao ngayon, palibhasa linggo at malapit na rin magpasko. Speaking of Christmas, parang hindi Christmas para sa akin. Tss.
Dumiretso ako sa isang arcade section. Makapag-arcade na lang. Pero umagaw ng atensyon ko ang videoke sa gitna ng area na to, kakanta na lang kaya ako. Hindi ko pa pala nasasabi, kumakanta ako pero di ko masyado pinapakita sa iba. Si mama na mismo ang nagsabi sakin na nagmana raw ako kay papa, mahusay kumanta.
Bumili muna ako ng token at dumiretso sa may videoke. Fortunately, walang kumakanta kaya di ko na kailangang maghintay.
I play one of the Paramore's tracks, Crush Crush Crush. Umakyat na ako rito sa mini stage at pinagmasdan ko ang paligid ko, buti na lang lahat sila busy maglaro kaya walang manunuod o makikinig ng kanta ko.
"I got a lot to say to you, yeah I got a lot to say. I noticed your eyes are always glued to me. Keeping them here and it makes no sense at all."
May napansin akong isang babae na lumapit malapit sakin at pinanuod ako. Hindi na naging isa, naging dalawa na, tatlo at parang halos lahat ng nasa arcade ay nakatingin sakin.
"If you want to play it like a game, well come on. Come on let's play. Cause I'd rather waste my life pretending than have to forget you for one whole minute."
Kanina sa park, umalis nga ako dun para maiwasan ang mga nagpupumilit magpaalala between me and Top. Tapos ngayon naman pati ba naman tong kanta, ayaw papigil? Haay. Ayoko nang isipin, baka tuluyan lang tumulo ang pinipigil kong mga luha kanina pa.
BINABASA MO ANG
WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]
Fiksi PenggemarSi Yuan na isang simpleng babaeng nabuhay na halos kasama ang bestfriend niyang si GD. Sa hindi inaasahang pagkakataon ay nahulog ang loob ni GD sa bestfriend niyang si Yuan. Natatakot siyang sabihin ang nararamdaman sa babae dahil natatakot siya sa...