Chapter Eighteen

419 10 0
                                    

Dedicated to AkosiJhemii. Isa sa mga reader ko nito. Salamat! ^____^

*****[Now playing: For A Pessimist, I'm Pretty Optimistic by Paramore]*****

--------------------

Chapter Eighteen

Sikat ng araw ang nagsilbing tagagising ko ngayong umaga. Napaupo ako at sumandal sa headboard ng kama ko at napakusot sa mga mata ko. Nabaling ko yung tingin ko sa wall clock ng room ko, eight o' clock pa lang pala ng umaga.

Narinig kong may kumatok.

"Princess, are you awake?" Si kuya.

Naalala ko bigla ang mga nangyari kagabi, di pa rin ako gaano makamove on sa mga nangyari. Sobra akong binalot ng takot kagabi pero nawala ang lahat ng yon ng dumating si Top. Kamusta na kaya siya? Di ko naman siya masisisi kung nainvolve man ako sa gulong to, di rin naman ginusto ni Top yun.

Bumukas ang pinto at niluwa nun si kuya na may dalang tray kung saan nakalagay ang isang bowl ng pagkain. I just gave him a smile.

Seryoso lang si kuyang naglalakad papunta sa direksyon ko. Hindi ko alam kung sinabi ni Top sa kaniya ang mga nangyari, wala akong ideya pero sa kilos ni kuya, positive.

"Here." Umupo siya sa tabi ko at inabot sakin ang tray. Kinuha ko naman at tinitigan ang isang bowl ng soup pero may tinapay naman na kasama.

"Kuya naman, wala naman akong sakit. Bakit soup lang?" I pouted.

"Ah, ayaw mo ba? Um, meron pa naman sa babang iba." Sagot ni kuya.

Ngumiti naman ako, "hehe, joke lang kuya! Okay na to."

Tumango naman siya.

"Sige na kumain ka na." Sabi niya nang nakatitig sakin. Nacoconscious naman ako sa titig niya.

"Kuya, don't stare at me." Sabay higop ko ng soup.

"Ubusin mo na lang yang pagkain mo and right after that, may pag-uusapan tayo Princess." Iba na ang tono ng boses ni kuya.

Nilapag ko ang tray sa table na tabi ng kama ko then I face him.

"Kuya, is it about to what happened last night?" Tanong ko.

"Exactly. First, I want to say sorry, kung sinamahan kita sana ligtas ka pero inuna ko pa yung ibang bagay." Napayuko si kuya pero nasa boses niya ang sinsiridad. I place my hand on his shoulder.

"Kuya, listen. Wala kang kasalanan. Ako ang may mali, kung hindi ako nagpunta sa madilim na banda ng lugar na yon eh di sana di nangyari sakin to at tsaka we should thank Top for saving me. I'm safe and di na dapat tayo magsisihan pa."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon