Chapter Forty-One

349 13 11
                                    

*****[Now playing: Ain't It Fun by Paramore]****

----------------------

Chapter Forty-One

Normal P.O.V.

"T-Top. . ."

Unti-unti siyang lumakad papunta sa direksyon kung nasaan kami ni GD. Ramdam ko ang agad na pagbitaw ng kamay niya sa kamay ko at saka tumayo. Napatigil si Top sa paglalakad at nagtitigan ang dalawa.

I speak before it becomes too late for us.

"GD, please iwan mo muna kami." Singit ko. Tumingin siya sa akin at tumango ngunit walang bahid ng anumang expression ang mukha niya. Iniwanan niya ulit ng isang tingin si Top at saka lumabas na ng kwarto. Ngayon, kaming dalawa na lang ni Top ang nandito.

Hindi pa rin siya umaalis sa kinatatayuan niya at mariin lang na nakatitig sakin. Pero ngayon, nababahiran ang titig niya ng sari-saring emosyon. Hindi katulad ng kilala kong Top na kapag tinitigan mo, wala kang mababasa sa mukha niya maliban sa blangko nitong mukha.

"Top . . . Sorry." Muli kong sambit. Lumapit siya sakin. Umupo sa tabi ko.

"Princess." Sa pagsalita niyang 'yun parang nawala lahat ang mataas na tono na pinakita niya samin kanina ni GD. "I'm so sorry. It's all my fault. Hindi sana mangyayari sa'yo ito kung 'di dahil sakin. Kung sinundo lang kita, sana wala ka ngayon dito."

Umiling ako, "wala kang kasalanan. Nangyari na, wala na tayong dapat sisihin pa sa nangyari."

Hinaplos niya ang pisngi ko gamit ang palad niya. Napangiti ako ng tipid.

Muli akong nagsalita.

"May sakit ako, Top." Malungkot ang pagkakasabi ko sabay iwas ng tingin sa kaniya.

"Alam ko na ang lahat. You're dad told me about it. Princess, I'm so worried. Palaban ka 'diba? Lalabanan mo 'to 'diba?"

Bigla akong napatawa ng mahina sa mga sinabi niya.

"Ikaw ba ang Top na kilala ko? Haha."

Seryoso ang mukha niya, "seriously Princess. Lalabanan mo 'to. Sasamahan kitang labanan ang mga 'to."

Sa pagkakasabi niya nun ay naging seryoso na rin ako. Isang mahabang katahimikan ang namagitan saming dalawa. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko.

I hold his both hands as I stared to his eyes.

"Top . . ." I start. Pero bago pa man ako magsalita ay parang may humarang sa lalamunan ko. Ramdam ko na rin ang pamumuo ng mga luha ko. "Top . . . May sakit ako. Hindi biro 'tong pinagdadaanan ko. Hindi ko sukat akalaing mangyayari sakin 'to. Ang galing no? Akala ko masaya na. Hindi pa pala. Haha."

WARNING: My Man Is A Killer! [On Hold]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon